Sa two-part episode na ‘to, nakasama natin ang isa sa mga pioneers at emcee ng Fliptop Battle League, two-time Isabuhay tournament champion, miyembro ng rap group na Ilustrado, ½ ng Balian ng Leeg; radio host, tattoo artist at ama – Si Mark, Ginoong Rodriguez a.k.a. BATAS – BOOM! Kwentuhang pangmalakasang ulam, metal at hiphop, musika at porma, The Rock at Johnny Bravo confessions, at ang tamang mindset at ugali sa pag-collab sa Battle Rap, sa musika, sa buhay. Listen up, yo!...
Nov 21, 2022•47 min•Season 2Ep. 210
Sa two-part episode na ‘to, nakasama natin ang isa sa mga pioneers at emcee ng Fliptop Battle League, two-time Isabuhay tournament champion, miyembro ng rap group na Ilustrado, ½ ng Balian ng Leeg; radio host, tattoo artist at ama – Si Mark, Ginoong Rodriguez a.k.a. BATAS – BOOM! Kwentuhang pangmalakasang ulam, metal at hiphop, musika at porma, The Rock at Johnny Bravo confessions, at ang tamang mindset at ugali sa pag-collab sa Battle Rap, sa musika, sa buhay. Listen up, yo!...
Nov 18, 2022•43 min•Season 2Ep. 209
Nov. 7, Monday morning, may nangyaring aksidente. I-share ko lang sa inyo 'yung nakakawindang at nakakapanlambot na pangyayari. Ingat tayong lahat palagi.
Nov 11, 2022•25 min•Season 2Ep. 208
Isa sa mga paborito naming segments ang 22 w/ a Fellow-22. Simple ang layunin: Ang mga nakikinig, sila naman ngayon ang pakikinggan natin. Iba’t ibang linya, kwento, at pananaw sa buhay na nakakatawa at nakakatuwa. Sa episode na ‘to, kasama natin ang standup comic, ½ of the Buhangin Brothers Podcast, at magiting na OFW na si Jomar Jay – BOOM! Tungkol sa Pinoy podcast scene, buhay OFW sa Dubai, pasta at jacket, free dental care advice, at totoong camaraderie amongst creatives. Always floss becaus...
Nov 07, 2022•43 min•Season 2Ep. 207
Basa trip, ‘wag basag trip. Pang-apat na episode ng segment nating Basa Trip, kung saan magbabasa tayo ng ilang mga akdang Pinoy. Ang napiling akda: An Apartment in Naga, stories and illustrations by Panch Alvarez. Babala: Hindi para sa mahina ang loob. Maging handa sa pagtaas ng balahibo. Pahabol sa Undas. Maaaring makuha ang libro dito: https://shopee.ph/AN-APARTMENT-IN-NAGA-i.450346942.17061222862
Nov 04, 2022•17 min•Season 2Ep. 206
”Thug life o hug life, wala kaming love life” … But that is all in the past now. Dahil sa wakas, nakasama na natin muli ang comedian, actor, “hunk,” at kaibigan kong si Victor Anastacio – B… kasama ang multi-talented comedienne, ½ of Sari and Chi, at girlfriend niyang si Chi Estrada – BOOOOOOOOM!!! Mga 22,222 times talaga kayong mapapa-boom sa episode na ‘tong solid at napakasayang catch-up kwentuhan lang amongst three cute, attractive, and funny friends. Hihi. Listen up, yo!...
Oct 28, 2022•1 hr 3 min•Season 2Ep. 205
Ngayong World Mental Health Month, masaya akong nakasama natin ang medical doctor, activist, community development student, colleague and friend na si Dr. RJ Naguit – BOOM! Tungkol sa advocacy, lagay ng mental health services sa Pilipinas, mental health in the workplace, at kung paano pa natin mas mapapakalas at masusuportahan ang kampanya para sa ikabubuti ng mental health nating lahat. Reach out to the ones you love, yakaping mahigpit, and listen up, yo! Trigger warning: Suicide...
Oct 22, 2022•46 min•Season 2Ep. 204
May manifest. May moneyfest. At syempre, may honeyfest. Kwentuhang law of attraction at matatamis na tagumpay sa buhay pag-ibig with the one and only, writer and warrior of love, Pam Pastor. Just open your heart and listen up, yo!
Oct 17, 2022•33 min•Season 2Ep. 203
Isa sa mga paborito naming segments ang 22 w/ a Fellow-22. Simple ang layunin: Ang mga nakikinig, sila naman ngayon ang pakikinggan natin (in around 22 mins hehe). Iba’t ibang linya, kwento, at pananaw sa buhay na nakakatawa at nakakatuwa. Sa episode na ‘to, kasama natin ang isa sa mga pinakabibo pero pinakamalalim na Fellow-22 out there, isang IT at financial advisor na wagas magmahal, si Jed Violeta – BOOM! Mula text clans, pag-ipon at pag-enjoy ng pera, investments (financial at emotional), h...
Oct 14, 2022•36 min•Season 2Ep. 202
Nakasama ulit natin sa pod ang isa sa mga pinakamalapit kong tropa na si Charles Tuvilla – BOOM! Napa-throwback lang kami to all things inom: Mga anti-drinking pacts, inumang pinaikot-ikutan ng tatay na nakamotor, Cali Shandy, gin, sari-sari store shots, at ang joy & essence ng pag-inom kasama ng mabuting magkakaibigan. Just shoot your shot and listen up, yo!
Oct 11, 2022•41 min•Season 2Ep. 201
This is The Linya-Linya Show's 200th episode, at bilang milestone ito for us, kasama natin as special guest:ang unqualified life coach and Podmom, Saab Magalona-Bacarro! Swabe ang first-time recording sa bagong office (na nabuo rin dahil sa magic ng isang Coach Saab)! Masayang kwentuhan tungkol sa aming pinakamamahal na shared spouse, fear of "Saabits" and how to overcome them, and having an atmosphere of mutual support and believing in each other as keys to success. Salamat sa patuloy na pagsup...
Oct 07, 2022•40 min•Season 2Ep. 200
Sa wakas, nakausap ko na nang solo sa The Linya-Linya Show ang isa sa mga pinakahinahangaan kong manunulat sa balat ng lupa, ang aking mentor, kainuman, at kaibigan: si Mikael de Lara Co – BOOM! Talagang nagpaka-BeReal lang kami sa episode na ‘to: tungkol sa mga karanasan sa pagtira sa iba’t ibang lugar, sa kapangyarihan at hatak ng magagandang akda, sa complexity ng pagiging manunulat, sa sanhi at posibleng lunas sa laganap na disinformation sa lipunan. Listen up, yo!
Oct 03, 2022•1 hr•Season 2Ep. 199
Isang mabuti at definitely ma-beauty na episode kasama ang nag-iisa kong superdad, si Engr. Rene Sangalang – BOOM! As usual, sobrang chill na kwentuhan lang sa bahay namin isang hapon. Usapang #Pamilyarization: Memories that heighten your senses, family traditions, importance at difference ng pagkikita sa totoong buhay (vs. online), at ultimately, kung paano’ng ang pamilya ang lagi nating masasandalan at hindi maipagpapalit kailanman. Call your nanay, kumustahin si tatay, and listen up, yo!...
Sep 26, 2022•52 min•Season 2Ep. 198
Basa trip, ‘wag basag trip. Sa pangatlong episode ng bagong segment nating Basa Trip, kung saan magbabasa tayo ng ilang mga akdang Pinoy, ang napiling akda: Talumpati ng National Artist and renowned screenwriter na si Ricky Lee para sa graduating class ng Polytechnic University of the Philippines noong 2019. Isang karangalan ang maibahagi ito sa inyo – Banayad, sincere, at puno ng pag-asa. Makisangkot tayo and listen up, yo!
Sep 23, 2022•25 min•Season 2Ep. 197
Long time coming, at sa wakas, nakasama na rin natin ang isa sa dream guests ko: Host, writer, radio TV personality, director, podcaster, IT programmer, standup comedian, Alex Calleja! BOOM! Tungkol sa naging journey so far ng isang Alex Calleja: mula sa humble beginnings with otso-pesos Pancit Canton, kung pa’no siya nagsumikap at nakaahon, sa’n siya humuhugot ng inspirasyon, perspective tungkol sa mundo ng standup comedy, at kung sa’n ang mararating ng patuloy na pagpupursigi at pagpapatawa sa...
Sep 19, 2022•1 hr 15 min•Season 2Ep. 196
Isa sa mga paborito naming segments ang 22 w/ a Fellow-22. Simple ang layunin: Ang mga nakikinig, sila naman ngayon ang pakikinggan natin (in around 22 mins hehe). Iba’t ibang linya, kwento, at pananaw sa buhay na nakakatawa at nakakatuwa. Sa episode na ‘to, nakasama natin ang isa sa mga OG Fellow-22’s na si Steve Cardona. Sobrang bait, talented, at punny guy, dating prof sa De La Salle Lipa, mabuting asawa, siklista, podcaster, photographer, at entrepreneur – BOOM! Kwelang kwentuhan (kahit more...
Sep 16, 2022•33 min•Season 2Ep. 195
Sobrang saya-- nakabalik na sa wakas sa The Linya-Linya Show ang pinakamamahal nating Wake Up podparents, Jim Bacarro and Saab Magalona – BOOOOOM! Mabilisang catch-up lang tungkol sa mga bagong tagumpay sa buhay at puso, na lagi’t laging masarap i-share kasama ang mga tunay na kaibigan. Listen up, yo! #ICYMI mapapakinggan niyo ang side A ng episode na ‘to sa Wake Up With Jim and Saab podcast!
Sep 12, 2022•22 min•Season 2Ep. 194
Makinig nang mabuti: #MabutingMakinig sa episode na ‘to, dahil nagbabalik ang writer, musician, podcaster, ½ of Chino and Carl’s Guitar Picks, CEO of PumaPodcast, and good friend, CarlJoe Javier – BOOM! Masaya at swabeng kwentuhan lang may mutual na pakikinig from both sides. Tungkol sa halaga ng paggamit ng tenga: Mula sa Metallica, gigs at music scene, The Joy of Radio Discovery, hanggang sa maigi at matalinong pakikinig sa mundong lunod sa content and information. Sa pagiging bukas habang pin...
Sep 02, 2022•1 hr 16 min•Season 2Ep. 193
Nag-uumapaw sa passion ang episode na ‘to. ‘Di rin naman nakakapagtaka, bilang ang nakasama natin ay si Malou Perez – licensed financial advisor, environmentalist, animal welfare advocate, and founder of Pawssion Project – BOOM! On passion, volunteerism and advocacy: Pinagkwentuhan namin ang pinakamamahal nating animals, responding to the call, how passion and compassion can be spread so easily, at kung pa’nong lahat tayo ay may kakayahang tumulong, mag-alaga, at magmahal. Abangan din ang partne...
Aug 24, 2022•1 hr 7 min•Season 2Ep. 192
Bulagaan episode with the man with many friends, my best friend, Manny. Bilang bulagaan episode, pakinggan niyo na lang para mabulaga rin kayo. Listen up, yo! BOOM!
Aug 18, 2022•50 min•Season 2Ep. 191
Tough questions. True Stories. Real Talk. Long overdue na pagbabalik ng isa sa mga puso ng Linya-Linya at ultimate Fellow-22 favorite, Doc Gia Sison– BOOM! Sa totoo lang, nag-simpleng catch-up kwentuhan lang kami tungkol sa life and love, at sa pag-manifest ng mga bagay na inaasam-asam at deserve natin sa buhay. Pero kakaibang Ali at Doc G tandem ang matutunghayan niyo: Mas palaban, demanding, at mala-Tito Boy Abundang Doc G, kasama ang isang namimilipit sa kilig at sagad sa dimple reveal na Ali...
Aug 02, 2022•55 min•Season 2Ep. 190
Basa trip, ‘wag basag trip. Sa pangalawang episode ng bagong segment nating Basa Trip, kung saan magbabasa tayo ng ilang mga akdang Pinoy, ang napili nating libro: Lahat ng Nag-aangas ay Inaagnas, isang koleksyon ng mga tula ni Paolo Tiausas. Deep dive sa karagatan ng kaisipan ng lalake na sinisisid ang nature ng pagkalalake. Mga tula: Pambungad sa Angas (0:00) Isang Pakikipagtuos sa Bungo ng Pusa sa Kalsada (15:36) Huling Gabi sa Osaka (23:22) Uwu (27:02) Feelings (30:05) Resignation Letter (37...
Jul 21, 2022•51 min•Season 2Ep. 189
Pakinggan ang reincarnation ng tinig ni Kuya Dick sa katawan ng nag-iisang pambansang baklang kanal na si Inah Evans, also known as Ate Dick, isang influencer, content creator, at social activist. Sa episode na ‘to, mabibigyan ng panibagong kahulugan ang salitang baklang kanal at kung gaano ito kahalaga para kay Inah, bilang isang influencer na kinalakhan ang Maynila (at estero). Samahan niyo kaming magkuwentuhan tungkol sa career, diet, pag-ibig, at pag-inom–at kung paano nito nilalabas ang tun...
Jul 08, 2022•1 hr 9 min•Season 2Ep. 188
BOOM! VROOM! Nakasama ulit natin ang isa sa mga pinakanakakatuwa at nakakatawang content creators of our generation, si Macoydubs! Ang kwentuhan namin sa episode na ‘to? Sasakyan. Bilang huge car enthusiast (na lingid sa kaalaman ng iba), humingi tayo ng advice kay Macoy: Ano’ng kailangang mga paghahanda at considerations ng isang first-time car buyer? Praktikal pa bang mag-kotse sa Pilipinas ngayon? Pa’no ba makamit ang dream car? Ano’ng tamang attitude ang dapat meron ang isang nagmamaneho? At...
Jun 30, 2022•1 hr 12 min•Season 2Ep. 187
Sa episode na ‘to, alamin natin: What did it take to raise a Podcast Superstar? WIW! Nagbabalik sa pod, by popular demand, si Engr. Rene Sangalang a.k.a. Daddy! Sinakto namin sa Father’s Day na pagkwentuhan ang Buhay Tatay bilang magiging tatay tayo... I mean, ang marami sa atin, balang-araw. BOOM! Tungkol sa mainam na paghahanda at tamang mindset for fatherhood, happiest and saddest moments, pag-strike ng balance sa lahat ng aspekto ng buhay, at ang iba’t ibang mga sakripisyo, maliliit man o ma...
Jun 21, 2022•1 hr 2 min•Season 2Ep. 186
Pasabog kung pasabog ang out-of-this-world episode, kasama ang model student, content creator, and child wonder na si Yani Villarosa. In fact, kung saan-saan umabot ang usapang Gen-Z namin: Atay at Corazon. Stupid Luv. Science High Schools. Get That Ball by Viva Hot Babes. UPLB. College Life. Work-Aral Balance. The Elephant In The Room. The Linya-Linya Experience. Kayo na’ng bahalang makinig para ma-gets niyo ang full Yani Experience. Listen up, yo!
Jun 11, 2022•1 hr 26 min•Season 2Ep. 185
Basa trip, ‘wag basag trip. Sa bagong segment na ‘to, magbabasa lang ako ng ilan sa mga akdang nagustuhan ko at gusto kong ibahagi sa inyo (tula man, short story, article, essay, speech o kung ano pang other forms of literature or writing). Ang nabunot kong libro sa shelf ko, isang koleksyon ng mga tula: Ang Pasipiko Sa Loob ng Aking Maleta ni Alwynn C. Javier. Mga Tula: Bachelor’s Pad How I Spent My Summer Vacation Martial Law Baby Listen up, yo!...
Jun 04, 2022•36 min•Season 2Ep. 184
‘Wag kang mabahala… dahil nakasama natin ang award-winning singer-songwriter, composer, and lyricist, at isa sa mga nangingibabaw na tinig at himig ng ating henerasyon– si Nica del Rosario. BOOM! Masayang kwentuhang musicians, este, magkaibigan– mula Jamaican Pattie bias at strategy sa pag-grocery; sa pagpasok nya sa mundo ng musiika at sa proseso nya sa songwriting; sa kung sino’ng kamukha ni Ali (si Sandro ba, o si Sarah G?); sa origin stories ng mga nasulat nyang Tala at Rosas; hanggang sa Pi...
May 27, 2022•1 hr 22 min•Season 2Ep. 183
“Pwedeng mapagod. Bawal Sumuko.” At hindi nga tayo sumukong ma-guest ang world-renowned mural artist, environmentalist, at social activist, at ito na nga sa wakas sa The Linya-Linya Show: Sir AG Saño – BOOM! Isang malaking karangalang maka-collaborate ang isang artist na inilaan ang buhay sa sining, sa kalikasan, at sa lansangan. Sa episode na ‘to, pinagmunihan namin ang tunay na power at impact ng art, kung pa’no nito binabahagi ang mga mensaheng, marahil, hindi sapat kung salita lang; ang maha...
May 19, 2022•59 min•Season 2Ep. 182
May mga nagsasabi-- this is the election of our lives. Maraming tumindig, ipinarinig ang tinig, tumaya; nagbuhos ng oras, enerhiya, talino, talento, at kahit sariling resources. Ngayon tapos na ang halalan, paano nga ba ipoproseso ang nararamdaman? Samahan niyo kami ni Doc Gia Sison na harapin at i-acknowledge, anuman itong samu't sari at naghalo-halo nang emosyon. Isang mahigpit na mahigpit na yakap sa lahat. This is a safe space, at nandito tayo para sa isa't isa. Sa totoo lang....
May 13, 2022•1 hr•Season 2Ep. 181