HALA-LAN! Kinakabahan ka na rin ba sa magiging resulta ng eleksyon? Hindi na maka-focus sa work at sa life? Huhu, samedt. Samahan niyo kami ng resident The Linya-Linya Show guest, friend, at dating kasamahan sa gobyerno na si Charles Tuvilla na labanan ang election anxiety at i-process ang thoughts and feelings sa mga nangyayari at mangyayari sa bansa. Panahon na nga ng pagpapasya. Ano'ng Pilipino at Pilipinas ang uusbong pagkatapos ng halalan? Listen up, yo.
May 06, 2022•36 min
Sa episode na 'to, nakasama natin ang isang alamat – multi-awarded screenwriter, playwright, journalist, at novelist– na ilang dekada nang nagtuturo at nagtatanim ng binhi para sa pagsibol ng mga bagong Pilipinong manunulat– walang iba, kundi si Ricky Lee. Bilang kinikilalang manunulat ng mga akda at kwentong tumatatak sa ating mga kamalayan at nagpapatibok sa ating mga puso, pinag-usapan namin ang pagusulat: Bakit siya nagsusulat? Sa aling mga pangyayari't karanasan nagmumula ang kanyang mga li...
May 02, 2022•1 hr 9 min•Season 2Ep. 179
Muling nagbabalik ang isa sa Fellow-22 favorites-- guro, makata, nobelista, podcaster, Twitter-ista, at mandirigma ng pag-ibig: si Sir Egay Samar. BOOM! Simpleng kwentuhang nagsimula sa kultura ng Japan at buhay abroad, na nagsanga-sanga sa mga mas malalalim na usapang buhay: sa pagyakap at pag-appreciate sa kulturang iba sa nakagisnan, sa tambalan ng kasiyahan at kalungkutan, sa iba’t ibang ugnayan nating mga tao, at sa maiging pagpapahalaga sa mga sandali, kahit sandali. Matitindi ang mga teor...
Apr 21, 2022•1 hr 18 min•Season 2Ep. 178
Special episode alert! Kasama natin sa show si Doc Jerry Cua– doctor, vlogger, content creator, at head of the toCUA fam. Pinag-usapan namin ang kakaibang linya niya sa buhay: Kumusta nga ba ang buhay doktor, lalo sa mundo natin ngayon? Swabeng kwentuhan lang tungkol sa life inside and outside the MD: As one of the most demanding professions, how do you balance life? As one of the most recognized and respected professions, how do you remain grounded and empathetic? Paano nag-iiba ang larangan ng...
Apr 13, 2022•44 min•Season 2Ep. 177
Special episode alert! Kasama natin sa show si Doc Jerry Cua– doctor, vlogger, content creator, at head of the toCUA fam. Pinag-usapan namin ang kakaibang linya niya sa buhay: Kumusta nga ba ang buhay doktor, lalo sa mundo natin ngayon? Swabeng kwentuhan lang tungkol sa life inside and outside the MD: As one of the most demanding professions, how do you balance life? As one of the most recognized and respected professions, how do you remain grounded and empathetic? Paano nag-iiba ang larangan ng...
Apr 13, 2022•46 min•Season 2Ep. 176
Hanggang ngayon, misteryo sa milyon-milyong katao kung sino, ano’ng itsura, nasaan at kung kumusta na nga ba si Kabs– ang nag-iisang founder at creator ng KABULASTUGAN page. Sa isang pambihirang pagkakataon, nakaharap natin siya, one-on-one, face-to-face, at heart-to-heart– tungkol sa anonymity, sa pagpapatawa sa gitna ng pandemya at pulitika, sa sampal-sa-mukhang insidente nina WIll Smith at Chris Rock, at iba pang kwento sa buhay-buhay. Steady vibes lang tayo, guys. Listen up yo sa isang speci...
Apr 04, 2022•51 min•Season 2Ep. 175
Isang biglaang episode, tulad ng mga pangyayari sa paligid lately-- nahatak ko sa podcast si Drew Beso. Isa siyang writer at community manager, content creator at viral tiktoker, isang active volunteer ng iba't ibang advocacies at isang certified #Fellow22. Pinagkwentuhan namin ang mga natatanging experience sa pag-attend sa #PasigLaban campaign rally nitong March 20 at mga natututuhan bilang volunteers, at iba pang mga bagay. Para kaming bumalik sa kalsada-- naghihiyawan, nagtatawanan, lumalaba...
Mar 30, 2022•1 hr 5 min•Season 2Ep. 174
Muling nagbabalik ang #DaddyDiaries kasama si Engr. Rene Sangalang: usapang anak at ama, isang tired at isang retired. Sa episode na ‘to, pinagkwentuhan namin ang pinakabagong chapter sa buhay ni Engr. Rene, kasama ang career tips and philosophies, setting goals, productivity, at ang value ng pagpupursige sa trabaho. Ano nga ba’ng bago at mga nagbago sa kanya, post-retirement? Masaya nga ba’ng "wala" nang pinoproblema? Pa’no ba ko makaka-contribute sa poproblemahin niya? Este… ano nga ba’ng maip...
Mar 12, 2022•44 min•Season 2Ep. 173
May mga usapang hindi na kailangang lagyan ng pamagat, o lagyan pa ng mahabang paliwanag. Minsan, kailangan mo na lang umupo, magtanggal ng sapatos, at makinig. Isang napakalaking karangalan ang makausap ang musikero, makata, social and environmental activist, at rockstar of the Philippines na si Dong Abay. Tungkol tubig at sa buwan, sa paa at sa mata, sa tula at sa musika, sa paglikha at sa pagkawasak, sa buhay at sa kamatayan, sa Inang Kalikasan at sa Inang Bayan. Samahan niyo akong mag-deep d...
Mar 05, 2022•1 hr 43 min•Season 2Ep. 172
Sa isa sa pinakamakasaysayang episode ng show, nakausap ni Ali ang millennial historian na si Kris Pasion, aka Indio Historian. Dito, tinalakay nila ang ilang mahahalagang tanong: Ano nga ba ang saysay ng kasaysayan sa panahon ngayon? Paano ba natin ito tatanawin at babalikan? May tama bang paraan sa paggawa nito? Sa ika-36 na taon naman ng paggunita sa EDSA People Power Revolution, pinag-usapan din nila ang diwa ng EDSA, at ang makabuluhang mga bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas na kailangan nat...
Feb 25, 2022•1 hr 30 min•Season 2Ep. 171
'Yung pakiramdam na parang lagi kang may hinahabol na kailangang gawin o gampanan. 'Yung parang hindi ka mapakali sa pagkakatayo, dahil gusto mong lumingon sa nakaraan, o kaya naman, marating agad ang bukas. Isang gabi, umupo lang ako at nagsimulang mag-record. Walang sulat-sulat. Walang script-script. Diretso mula sa naiisip at nararamdaman ko sa kasalukuyan. Ni hindi ko nagamit ang malinaw kong mic. Bahala na kung ano'ng kalabasan. Sana mabigyan nyo ng pagkakataong mapakinggan, manamnam, at ma...
Feb 21, 2022•38 min•Season 2Ep. 170
22 w/ a Fellow-22? Yas! Sa new segment na 'to, kikilalanin natin ang ilang lizzners ng The Linya-Linya Show– ang Fellow-22s! 22 questions, 11 galing kay Ali, 11 galing sa special guest. BOOM! First up, at talagang nagkataon lang namang tumapat sa Valentine’s Day: We have an auditor, a cat mom, a loving daughter, a thoughtful friend, the winner of the #HakbangChallenge Dating Game ng the Wake Up with Jim and Saab podcast– From Sydney, Australia, si Krishna Amar! Mula sa all-time favorite fried ch...
Feb 14, 2022•1 hr 28 min•Season 2Ep. 169
Ops. Teka. Sandali lang. Kailan ka huling tumigil para tunay na magmuni-muni at magnilay? Sa episode na 'to, nakasama natin ang dating propesor ni Ali sa Pilosopiya sa Ateneo de Manila University na si Ser Ice Pasco. Sumisid sila para subuking isipin at sagutin ang ilang mga tanong, tulad ng-- Ano nga ba ang pamimilosopiya? Kailangan ba'ng maging "malalim" para magawa ito? Ano naman ang halaga nito sa pang-araw-araw nating buhay? Sa pagmumuni, paano mo matatawid ang "procrastination" at hindi ma...
Feb 09, 2022•1 hr 57 min•Season 2Ep. 168
Nasa sentro ng social life ng Pilipino ang pamilya. Lumaki tayo sa iba't ibang klaseng mga bahay, at nagmula sa iba't ibang background. Ang tanong: Paano nga ba nakaapekto sa paglaki natin ang kanya-kanya nating mga experience kasama ang pamilya? On this episode, nakasama natin ang Super Editor ng Inquirer Super, host ng Super Evil true crime podcast, at isang fellow-22 na si Pam Pastor. TANAAAN! Kwentuhang pamilya na may kasamang kulitang magkaibigan. Samahan nyo kaming balikan ang kanya-kanyan...
Jan 29, 2022•1 hr 31 min•Season 2Ep. 167
To the millionz and millionz of lizzners around the universe: Ang nakasama natin sa show, award-winning and internationally recognized comic book artist and author, kilala sa kanyang daily comic strip na Kiko Machine Komix at weekly webcomic na News Hardcore-- Manix Abrera. BOOM! At hardcore talaga ang naging kwentuhan-- sa creativity, sa mga pinanghuhugutan nya ng kwento sa komiks, sa collaborations, sa halaga ng pahinga at ng tunganga, sa nagpa-parking sa labas, sa anting-anting, sa aswang, at...
Jan 23, 2022•1 hr 17 min•Season 2Ep. 166
"San ka?" "Inom, G?" "Tara." Ito na ang ultimate kagulong episode para sa lahat ng nami-miss ang kwentuhan at kulitan, ang mga labas at hangout with friends! Sa special biglaan-kaya-natuloy na episode na 'to, nakasama natin ang drummer ng Cheats, vocalist and guitarist ng Juicebox, football player, entrepreneur, at ang multi-talented wonder boy na si BroZo, Enzo Hermosa. Juicy ang naging kwentuhan namin tungkol sa friendships at relationships, sa pag-cope sa pandemic, at sa pagpapatuloy sa kabil...
Jan 15, 2022•1 hr 4 min•Season 2Ep. 165
May kanya-kanya tayong tinig, at makapangyarihan ang boses ng bawat isa. Ang tanong: Lalo sa panahon ngayon, paano at saan natin ginagamit ang boses natin? Muling nagbabalik sa The Linya-Linya Show ang isa sa mga pinakamahalagang tinig ng henerasyon ngayon, si Ebe Dancel. Samahan niyo kami sa isang mahalagang episode, na may kantahan, kwentuhan, at adbokasiyang makabuluhan. Alay ni Ebe at ng the Linya-Linya Show #Fellow22 community ang episodes na 'to sa mga kababayan nating apektado ng nagdaang...
Jan 07, 2022•48 min•Season 1Ep. 164
May kanya-kanya tayong tinig, at makapangyarihan ang boses ng bawat isa. Ang tanong: Lalo sa panahon ngayon, paano at saan natin ginagamit ang boses natin? Muling nagbabalik sa The Linya-Linya Show ang isa sa mga pinakamahalagang tinig ng henerasyon ngayon, si Ebe Dancel. Samahan niyo kami sa isang mahalagang episode, na may kantahan, kwentuhan, at adbokasiyang makabuluhan. Alay ni Ebe at ng the Linya-Linya Show #Fellow22 community ang episodes na 'to sa mga kababayan nating apektado ng nagdaang...
Jan 07, 2022•52 min•Season 2Ep. 163
Sandali lang. May mga sandali nitong nagdaang taon, 2021, na masasabi nating katangi-tangi. Totoo: Nasa pandemic pa rin tayo. Maraming dumaang problema. Maraming lumipas at nawala– mga kaibigan, kapamilya, mga nakasanayan nating karanasan, mga alaala. Pero sa kabila ng mga ito, sa paglipas ng mga araw at buwan, hanggang sa umabot tayo sa ngayon, masasabi nating kinaya natin, dinaanan at nalampasan natin ang mga pagsubok. Sa kabila ng mga pagkakataong marahil, sinabi natin sa sarili natin, “sobra...
Dec 30, 2021•46 min•Season 2Ep. 162
Haaay, ang umibig nang malaya. On this culminating episode, Ali is joined by Charles Tuvilla-- award-winning poet and writer; father and friend-- na dumaan din at bumasag sa iba’t ibang hadlang sa pag-ibig. Malawak at malalim ang usapin ng pag-ibig, pero sinubok nilang talakayin: Through what lengths does love allow us to grow-- not just as couples but as individuals? How does being free to love let us expand beyond ourselves and become better? Ang daming bago at out-of-the-box learnings sa #SaT...
Dec 17, 2021•1 hr 7 min•Season 2Ep. 161
Ano nga ba ang “safe space”? Saan natin ito matatagpuan at ano ang halaga nito sa buhay natin at sa konteksto ng mundo ngayon? Sa episode na ‘to, nakasama natin ang isang content creator at fellow-podcaster na si TOL-- na naghahatid ng inspiration at motivation sa mga tulad nyang nakakaramdam ng samu’t saring bigat sa mga araw-araw na nangyayari. Kaya kung nasaan man kayo, at anuman ang dinadaanan nyo, sana, samahan niyo kami ni TOL-- umupo muna tayo sandali upang mag-usap at makinig sa isa’t is...
Dec 06, 2021•1 hr 10 min•Season 2Ep. 160
Inevitable ang differences sa love and relationships, at kasama dyan ang pagkakaiba when it comes to culture, lalo na, archipelago ang Pilipinas-- composed of thousands of islands and different regions-- at syempre, ngayon ding we’re in a global world. Kaya ang tanong na hinimay namin ni Doc Gia Sison: Sa totoo lang, how do cultural differences affect a relationship? What are the ups and downs of intercultural relationships? Paano ito nagiging hadlang, o paano ito nakakatulong sa ating lahat to ...
Nov 30, 2021•1 hr 12 min•Season 1Ep. 159
We are truly #blessed to have a very special guest. Isang millennial priest, social media influencer, at tinaguriang “Father TikToker”-- ang walang kaparehang si Fr. Fiel Pareja. BOOM! From his journey to priesthood, sa pagiging isang modern priest in a modern world, Fake News vs. Faith News, at kung paano makaipon ng ligtas points in a world full of toxicity and negativity-- samahan niyo kami Fr. Fiel sa isang kwelang usapang magbibigay ng abot-langit na ngiti sa ating lahat! Listen up, and ear...
Nov 23, 2021•1 hr 15 min•Season 2Ep. 158
"The one"? Meron nga bang "the one"? Bigla-bigla na lang ba syang matatagpuan, o kailangang paghirapang maka-meet at makamit? Factor ba ang long term and short term relationship dito? On another Sa Totoo Lang #FreeToLove episode, hinimay namin ni Doc Gia Sison ang usaping ito-- na may special participation at "love story reveal" pa from my Daddy, Engineer and Sensei Rene Sangalang. Sa “the one” ko: when na kaya? Pa-follow up naman! BOOM! Listen up, yo. http://loveforall.info #TheLinyaLinyaShowXC...
Nov 17, 2021•1 hr 7 min•Season 2Ep. 157
Kumusta ang buhay ng isang creative ngayong locked down pa rin tayong lahat? Ano-ano'ng pwede nating magawa, artist man o hindi, to keep our creative juices flowing? Meron nga bang "new normal" para sa Pinoy Komiks at totoo bang political ang comics? Hindi ito drawing-- kasama natin si Rob Cham, isang illustrator, award-winning comic book artist at Head of Art ng Linya-Linya, kasama si Kevin Eric Raymundo, comic artist, animator, isa sa pinakawasak na Pinoy artists ng panahon natin, at ang nag-i...
Nov 12, 2021•1 hr 23 min•Season 2Ep. 156
Nagbabalik ang tambalang Ali at Vic sa isang sweat-free and irresistibly fresh episode! Dito, nag-share kami ng kanya-kanyang “What If’s”— mga bagay na naudlot sa pandemya tulad ng trabaho, landi, relationships, at mga lakad; at kung paano namin patuloy na pinaghahandaan ang mga ito sa kabila ng kasalukuyang sitwasyon. Nag-deep dive kami sa halaga ng self-care at hygiene-- ng “what is” kaysa “what if”-- bilang paraan ng pag-alaga sa sarili natin ngayon, at bilang paghahanda rin para sa future. S...
Nov 05, 2021•59 min•Season 1Ep. 155
Sa totoo lang, does distance make the heart grow fonder, or grow farther apart? Gaano kahalaga ba ang distansya-- physically and emotionally-- sa progress ng isang relationship? Ano-ano ang common perceptions sa isang LDR na kailangan nating irevisit at pag-aralan? Ano-ano ang implications nito ngayong nasa pandemic tayo? Posible bang gumana ang ganitong set-up sa panahon ngayon, o kailangan muna tayong dumistansya mula rito? On another Sa Totoo Lang #FreeToLove episode, samahan sina Ali at Doc ...
Oct 30, 2021•57 min•Season 2Ep. 154
Paano nga ba maging "extra" sa mundong tila nasanay nang maging "pwede na"-- sa sarili, sa kapwa, at sa bansa? Ano ba'ng ibig-sabihin ng pagiging "extra" at "pwede na" sa kultura natin, at sa konteksto ng pandemya? Paano kaya nagkaganito, ano'ng implication nito, at ano'ng magagawa natin? Samahan si Ali, isang aminadong "average guy" at si Coach Lyqa, na laging sinusubok maging "extra"-- sa isang eye-opening at heartwarming conversation, dito lang sa The Linya-Linya Show. Listen up, yo! Para lal...
Oct 27, 2021•1 hr 15 min•Season 2Ep. 153
Huli man daw at magaling, maihahabol pa rin. Kaya naman, inihahandog natin ang ikalimang yugto ng Tula Somebody: Pagbasa sa Panitikang Pilipino bilang joint celebration ng nagdaang Pride Month at Buwan ng Wika. Sabihin na nating isa itong pagdiriwang ng pag-ibig at ng panitikan. Tampok ang mga tulang karamihan ay mula sa kanyang librong "Hindi Bagay," ang makata natin sa episode na ito ay si Jerry Gracio. Hindi lang siya nakilala sa pagsusulat ng mga taludtod ng tula-- isa rin siyang scriptwrite...
Oct 22, 2021•51 min•Season 2Ep. 152
Sa isa na namang fresh na fresh na Sa Totoo Lang episode, pinag-usapan namin ni Doc Gia Sison ang isa sa mga pinaka-common (pero bihira pa ring pag-usapan) na stereotype pagdating sa romantic relationships-- edad. Should it matter? Kung sakali, kailan ba ito dapat nagkakaroon ng halaga at bigat? Paano nga ba natin mas maipapaabot ang pagtanggap at pagyakap sa differences, tulad ng age gap, when it comes to love? Real talk na may dalang fresh insights and realizations ang special episode natin, k...
Oct 15, 2021•52 min•Season 2Ep. 151