The Linya-Linya Show - podcast cover

The Linya-Linya Show

Ali Sangalang and Linya-Linya | The Pod Networkwww.linyalinya.ph
Linya-Linya founder, Creative Director and former Presidential Speechwriter Ali Sangalang hosts this pun-filled variety podcast show on Filipino life, arts & culture. With solo segments and various guests mula sa iba’t ibang linya ng buhay– matututo ka, matutuwa, at matatawa. BOOM! Best pakinggan habang naghuhugas ng pinggan. Listen up, yo! For partnership opportunities and collaborations, please contact: [email protected]
Download Metacast podcast app
Podcasts are better in Metacast mobile app
Don't just listen to podcasts. Learn from them with transcripts, summaries, and chapters for every episode. Skim, search, and bookmark insights. Learn more

Episodes

150: LUALHATI BAUTISTA - Kamalayang panlipunan mula Dekada '70 hanggang panahon ng pandemya

Sa ika-150 episode ng The Linya-Linya Show, ang makakasama natin: Isang premyadong nobelista, isang makata, isang icon sa Panitikang Pilipino, na isa ring mapagmahal na ina at lola, at kaibigan, si Ma’am Lualhati Bautista. BOOM! Mula sa kanyang mga alagang pusa, sa dahilan ng kanyang pagsusulat, sa mga isyung panlipunan, sa mga pagkakapareho’t pagkakaiba ng karanasan noong Martial Law hanggang ngayong nasa gitna ng pandemya, sa social media phenomenon, at sa mga pighati’t pag-asang kanyang nadar...

Oct 08, 20211 hr 39 minSeason 2Ep. 150

149: VP LENI ROBREDO - Sa likod ng paglilingkod at sa pagkapit sa pag-asa

Sa episode na 'to, nakasama natin sa isang magaan at nakakagaan-ng-loob na kwentuhan ang isang bigating guest– ina, abogado, at ang Pangalawang Pangulo ng Pilipinas, si VP Leni Robredo. BOOM! Naging masaya at malaman ang usapan namin-- mula sa prusisyong "rock on" hanggang sa sayawang barangay; sa kwentong bahay hanggang sa buhay nanay; sa kanyang tungkulin bilang ikalawang pinakamataas na opisyal ng pamahalaan hanggang sa pagbaba sa "ground" o sa laylayan ng lipunan; sa pagigiging babaeng pinun...

Sep 28, 20211 hr 8 minSeason 2Ep. 149

148: STRESS DRILON!: How to manage stress and find true happiness w/ Ces Drilon

Tambak na trabaho? Nawasak na puso? Petsa de peligro? Balitang ansakit sa ulo? Hay, nakaka-STRESS DRILON talaga minsan ang buhay! Buti na lang, kasama natin sa show ang veteran journalist, seasoned host, online personality, at overall iconic superwoman-- the one, the only, Ms. Ces Drilon! Paano nga ba natin haharapin ang mundong parang araw-araw tayong sinusubok ng sangkatutak na stress? Mula Alamat ng Santol, hanggang soap and candle-making; sa pagsabak sa matinding trabaho hanggang sa pagpili ...

Sep 19, 20211 hr 10 minSeason 2Ep. 148

147: Usapang Sabaw, Bayaw, at Bayan w/ Jun Sabayton

Sa episode na 'to, nakasama natin ang bukod-tanging artist, comedian, actor, director, at ang ultimate Bayaw ng Bayan– si Jun Sabayton! BOOM! Masaya at swabe ang naging sabaw Friday night kwentuhan naming pasanga-sanga sa kung ano-anong interesanteng topics mula sa art at aktibismo, pulitika at plastic balloon, hanggang sa pagiging bayaw at pagmamahal sa bayan. Saan pa nga ba 'to patungo kundi sa-- listen up, yo!

Sep 13, 20211 hr 18 minSeason 2Ep. 147

146: Hanash and Bash Daily - Kwentuhang Lockdown Comedy w/ James Caraan

Bigyang-daan natin ang ating kool na kool na guest for today: Professional stand-up comedian, isa sa staple headliners ng Comedy Manila, at 1/5 ng The KoolPals – James Caraan! All-out tawanang puno ng insights ang episode na ‘to tungkol sa kwentuhang pets, mga larong bata, handling bashers with a touch of humor, doing stand-up-from-home, at ang pursigido at masayang pagpapatuloy sa komedya, regardless kung ano man ang naghihintay sa kabilang dulo ng tunnel. Ilabas na ang bote, maghandang kabagin...

Sep 03, 20211 hr 51 minSeason 2Ep. 146

145: Sa totoo lang, mahalaga nga ba ang "Love Language"?

Ngayong Agosto, Buwan ng Wika, napapanahon ang diskusyon namin ni Doc G tungkol sa pinakamatinding wika sa lahat– ang Wika ng Pag-ibig. BOOM! Sa fresh na fresh na episode na ‘to, tinalakay namin kung ano-ano ang mga Love Language at kung bakit ito mahalaga sa isang relationship. Isa-isa naming sinagot ang mabibigat na tanong: Paano nga ba natin magagamit ang love languages upang harapin at lampasan ang iba’t ibang barriers to love? Saan ka huhugot ng confidence para magpakatotoo at sabihin sa pa...

Aug 27, 20211 hrSeason 1Ep. 145

144: Two of a Kind w/ Smile Indias: Paano nga ba maging mabait sa mundong mapait?

It's kind of a special episode dahil nakasama natin ang former Creative Director of the Presidential Communications Development and Strategic Planning Office, Information Design Program Coordinator ng Ateneo de Manila University, ang tinaguriang #MarzyNgBayan, at isa sa mga pinakamalapit, pinakamalupit, at pinakamabait kong kaibigan — si Smile Indias. BOOM! Sa episode na ‘to, inexplore naming mga non-subject matter experts: Pa’no nga bang maging mabait sa mundong mapait? Saan ang linya sa pagita...

Aug 19, 20211 hr 24 minSeason 2Ep. 144

143: Sandali Lang - Ano'ng meron?

Ano'ng meron? Madalas tayong tinatatanong nito--- pero sa panahon ngayon, bakit parang mas dumadalas ang wala kaysa meron? Ang nawawala, kaysa nahahanap. Ang umaalis kaysa dumarating. Sa ating paghinto at paghinga, sandali nating isipin ang mga bagay na nawala-- mga panahon at pagkakataong lumipas, mga tao na lumisan-- at alamin kung meron itong sinasabi sa atin. #TheLinyaLinyaShow #SandaliLang #PoweredByGlobeStudios

Aug 12, 20216 minSeason 2Ep. 143

142: #Tumindig w/ Tarantadong Kalbo: Kwentong Komiks at ang Kapangyarihan ng Sining

Nakakatindig-balahibo ang episode na 'to dahil nakasama natin ang visual artist, animator, at ang creator ng comics na Tarantadong Kalbo— si Kevin Eric Raymundo. BOOM! Masaya, malaman, at malalim ang naging kwentuhan namin ni Kevin, na kulang na lang yata ay maglabas kami ng kanya-kanyang case ng alak. Inuna namin ang pinakamatinding tanong: Kalbo ba talaga siya? Bakit ito ang napili niyang pamagat ng kanyang komiks? Paano nagagawang mailahad ng komiks ang kwento nating mga Pinoy? Ano naman ang ...

Aug 05, 20211 hr 53 minSeason 1Ep. 142

141: ANO’NG BALITA? - On Journalism, Broadcasting and the Importance of Press Freedom w/ Tina Marasigan

BREAKING: Sa ulo ng nagbabagang balita — ang model, beauty queen, TV host, broadcast journalist, former UST Growling Tigers courtside reporter, forever Kapamilya, at ang pinakabago nating KapaLinya, si Tina Marasigan, kasama natin sa The Linya-Linya Show— BOOM! Naging masaya at makabuluhan ang usapan namin tungkol sa buhay ng isang journalist dahil sa pagbahagi ni Tina ng mga kwento niya, having worked in the field for a decade now. Ano nga bang balita sa larangan ng pamamalita? Ano ba'ng role n...

Jul 29, 20211 hr 30 minSeason 1Ep. 141

140: BUSYKLETA - Buhay Bisikleta w/ Padyak-of-All-Trades Joselito delos Reyes

Ops, teka. Busya ka ba? Hinay-hinay lang. Preno ka muna at makitambay sa ultimate bisikleta episode ng The Linya-Linya Show! Sa ride na 'to, nakasama ni Ali ang assistant professor, award-winning writer, lubak-conquering rider, at ang ating tinaguriang “Ultimate Social Media Bike Influencer” na si Sir Joey delos Reyes — BOOM! Pinagkwentuhan namin kung kailan at bakit siya nahilig sa pagba-bike at kung ano-ano ang konsiderasyon sa pagpili ng bike; ang mga natutuhan nya sa pagpadyak-- ang pagkilal...

Jul 21, 20211 hr 12 minSeason 2Ep. 140

139: STRICTLY SPEAKING - Buhay Presidential Spokesperson w/ Atty. Abi Valte

On this episode, we spoke with the former Spokesperson of President Benigno S. Aquino III, Atty. Abigail Valte. Masaya ang naging kwentuhan at naging malalim ang usapan kasama ang isa sa mga dati kong boss: Ano nga ba ang trabaho ng isang Presidential Spokesperson? Ano-ano ang qualification para sa napakahalagang role na ‘to? Gaano kaseryoso at ka-stressful ang trabaho? Ano ang ibig-sabihin ng “OC-OC”? At ano nga ba ang halaga ng maayos na pananalita at pagbabahagi ng impormasyon sa taumbayan? W...

Jul 15, 20211 hr 42 minSeason 2Ep. 139

138: Ang Pinakamalamig Na Podcast Episode sa Buong Daigdig w/ Victor Anastacio

Ramdam nyo ba yung biglang-lamig ng panahon? Pasensya na. Nandito na kasi Ang Pinakamalamig na Rap Song sa Buong Daigdig nina Victor Anastacio, Comic Ali, at wait for it... Johnoy Danao lang naman. Sa pagbabalik ni Vic sa The Linya-Linya Show episode na 'to, nireview nila ni Ali kung bakit napakahalaga ng kantang ito sa hiphop history, at kung bakit nangatog, maging ang mga OG rappers na sina Ice T, LL Cool J, at Ice Cube. Sabi nga ni Johnoy: "Halina't makinig sa pinakamalamig na rap song sa buo...

Jul 05, 20211 hr 29 minSeason 2Ep. 138

137: Ang Speechwriters Group ni PNoy - Mga Talumpati't Dalamhati

Walang mapaglagyan ang lungkot ko nang pumanaw kamakailan si dating Pangulong Benigno S. Aquino III. Marami akong gustong sabihin tungkol sa Boss ko, kay PNoy, at sa naging karanasan bilang batang writer na nabigyan ng pagkakataong makapagtrabaho't makapag-ambag sa ilalim ng kanyang liderato. Kahit pa'no, gumaan-gaan ang pakiramdam ko nang makasama para makapagbalik-tanaw, makidalamhati (makatawa na rin at makangiti), at makapagbigay-pugay kasama ang Speechwriters Group (SWG) ni PNoy-- sina Mika...

Jun 29, 20212 hr 15 minSeason 2Ep. 137

136: DADDY DUTIES - Usapang Fatherhood w/ Jim Bacarro

Father's Day special with the papa of the cutest baby boys Pancho and Vito, the Managing Director of Linya-Linya, my business partner and bestfriend-- superdad Jim Bacarro! Happy Father's Day to the millionz and millionz of tatays around the world! Listen up, yo. BOOM! #TheLinyaLinyaShow #PoweredByGlobeStudios [email protected] http://twitter.com/@linyalinya http://instagram.com/@thelinyalinyashow

Jun 20, 20211 hr 2 minSeason 2Ep. 136

135: Photography and The Power of Moments w/ Manny Tanglao and Kyle Quismundo

Manny & Kyle. Analog & Digital. Photography & Pagmamahal. Ang daming mga pares sa non-scam episode na 'to, pero ba't single pa rin kaming lahat? Anyway, nakasama natin ang dalawa sa pinaka-close kong kaibigan, 28.5% of the band Cheats, founders of Silver Salt Labs, the Magpakyleanman Show duo, and photography enthusiasts Manny Tanglao & Kyle Quismundo-- BOOM! Pinagkwentuhan namin ang photography— pa'nong magsimula, personal motives for this hobby, about capturing moments & pe...

Jun 16, 20211 hr 36 minSeason 2Ep. 135

134: Daddy Diaries - Zen and the Art of Motorcycle Riding w/ Engr. Rene Sangalang

Narito na sa wakas ang third installment ng ating Daddy Diaries segment kasama ang tatay ko, walang iba kundi ang 70-year old motorcycle enthusiast na si Engr. Rene Sangalang -- BROOOOOM! Sa sobrang tulin ng takbo namin, naunahan na namin lahat magpost ng Father's Day episode. Haha! Samahan niyo kami sa swabe at walang paligoy-ligoy na usapan tungkol sa pagmomotor at sa biyahe ng buhay. Hawak ang mainit na kape at matigas na pandesal, pinagkwentuhan namin ang naging paglalakbay ng tatay ko sa pa...

Jun 12, 20211 hr 20 minSeason 2Ep. 134

133: Bahagi Ka Ng Bahaghari w/ Mela Habijan and Thysz Estrada - Celebrating Pride and the LGBTQIA+ Community

"Magkakaiba tayong pare-pareho ang gusto: Pagmamahal." Ngayong Pride month, ipinagmamalaki ng The Linya-Linya Show na makasama ang dalawa sa pinakamakulay at pinakamaliwanag na bahagi ng bahaghari na sina Mela Habijan at Thysz Estrada. Ano nga ba ang Pride, at bakit natin ito ipinagdiriwang? Ano nga ba ang LGBTQIA+ community at ang kanilang matagal nang ipinaglalaban? Magkakahalong sigla at kirot, kaalaman at kaliwanagan, at higit sa lahat, nag-uumapaw na pagmamahal ang nangibabaw sa kwentuhan s...

Jun 05, 20211 hr 9 minSeason 2Ep. 133

132: Sa totoo lang, kumusta ka?

Pagkalipas ng matagal-tagal ding panahon, nagbabalik ang #SaTotooLang duo para sa tough questions, true stories, at real talk. Ang tough question: "Kumusta ka?" Kakaiba at first-time in #STL history ang nangyari: All-out buhos-puso spontaneous catchup with Doc Gia Sison tungkol sa kanya-kanyang naipong kwento— unexpected na mga pangyayari, nagpatong-patong na mga pasanin, at kung pa'no namin kinakayang magpatuloy na lumaban sa kabila ng lahat. Sa totoo lang, ito na nga ang pinakatotoong kumustah...

May 28, 20211 hr 18 minSeason 2Ep. 132

131: Daring to Find Yourself - Buhay probinsya at buhay Maynila w/ Thea Rizaldo

Had a Bohol-eautiful conversation with ex-PBB Otso housemate, fellow podcaster, proud Bisaya, and the Daring Dalaga, Thea Rizaldo. Pinagmunihan namin ang buhay probinsya at city life sa Pilipinas-- malapit sa nature vs. concrete jungle, tunog ng dagat vs. ingay ng kalsada, fiesta vs. night life-- na tunay ngang magkakaiba pero parehong may taglay na ganda. We dare you to listen to this episode! BOOM! #TheLinyaLinyaShow #PoweredByGlobeStudios [email protected] http://twitter.com/@linyal...

May 18, 20211 hr 12 minSeason 2Ep. 131

130: Have Inay’s Day! - On Having a Supermom w/ Aika Robredo

Mother's Day, pero bakit dalawang anak ang nag-uusap? Well, kanino pa nga ba natin maririnig ang pinaka-heartwarming na mga kwento tungkol sa mga nanay, kundi sa ating mga anak mismo? On this Mother's Day special, kasama natin si Aika Robredo-- anak ni Vice President Leni Robredo-- kaibigan, at dating kasamahan sa public service, may master's degree in public administration sa Harvard Kennedy School of Government (lang naman), at ngayo'y Executive Director sa isang NGO na tumutulong sa mga micro...

May 09, 20211 hr 26 minSeason 2Ep. 130

129: Si Patreng, ang Community Pantry, at ang diwa ng pagdadamayan w/ Ana Patricia Non

"Magbigay ayon sa kakayahan. Kumuha batay sa pangangailangan." Sa gitna ng pandemya, lumitaw at nangibabaw ang linyang ito sa isang karatulang karton, kasama ang isang kawayang karitong pinipilahan ng maraming tao. Mapalad tayong makasama sa podcast si Patreng Non, ang nagtayo at nagtaguyod ng community pantry sa Maginhawa St., Quezon City, na ngayon ay kumalat at naging laganap na sa buong bansa. Pinag-usapan namin ang halaga ng pagkilos, pakikipagdamayan, at pagtitiwala sa kapwa, lalo na sa mg...

May 05, 202146 minSeason 2Ep. 129

128: Stories from Home w/ Chai Fonacier - Buhay Bisaya and the beauty of regional languages and arts

" Bisaya ka man, 'day? " " Bisaya at PROUD! " Nakakwentuhan natin ang actress, artist, singer at super proud Cebuana na si Chai Fonacier! Nagbahagi siya ng ilang #StoriesFromHome — pag-overcome sa ideyang "baduy" ang pagiging Bisaya, breaking barriers as a creative, ang journey niya bilang one of the stars ng Irish-Filipino film na Nocebo, ang ating "cultural IDs", at ang angking halaga at hiwaga ng wika. Paminaw, yo! #TheLinyaLinyaShow #PoweredByGlobeStudios [email protected] http://t...

Apr 29, 20211 hr 16 minSeason 2Ep. 128

127: Isang Umaga w/ Johnoy Danao: Musika at pag-asa sa panahon ng pandemya

Kantahan at kwentuhan kasama ang nag-iisang Johnoy Danao tungkol sa musika, sa mga bigat na hinaharap natin ngayon, sa mani (?), at sa mga dahilan kung bakit tayo patuloy na kumakapit sa pag-asang dala ng Isang Umaga. 'Wag palampasin ang humahalina niyang harana (na kailangan na kailangan natin ngayon) sa umpisa at dulo (kasama ang bago nyang kanta!), at sana, mapa-BOOM! rin kayo sa effisode naming 'to! Listen up, 'yo! #TheLinyaLinyaShow #PoweredByGlobeStudios [email protected] http://...

Apr 23, 20211 hr 4 minSeason 2Ep. 127

126: TULA SOMEBODY - Fr. Albert Alejo x Pochoy Labog

Ngayong buwan, kung kailan ipinagdiriwang ang Araw ng Kagitingan (ika-9 ng Abril), inihahandog natin ang ikaapat na yugto ng Tula Somebody: Pagbasa sa Panitikang Pilipino. Tampok ang mga tulang "Sanayang Lang ang Pagpatay,"Nagpapagabi Lamang Ako," at "Salot" ni Fr. Albert Alejo, SJ, o mas o mas kilala bilang Paring Bert. Isa siyang Heswitang pantas at manunulat, nagturo sa Ateneo de Davao University, at tumutulong sa indigenous peoples sa pagtamasa nila ng kanilang karapatan. Binasa naman ito ni...

Apr 16, 202142 minSeason 2Ep. 126

125: Sandali Lang - Magbalik-loob Ka

Nasanay ka ba sa labas? Walang kamalay-malay na sumasabay na lang sa agos ng buhay? Kailan ka huling huminto at totoong sumandal sa sandali? Sinanay tayo ng mundo sa labas, pero ngayon, tila tinuturuan tayong magbalik-loob. Magbalik-loob. #TheLinyaLinyaShow #SandaliLang FB Group: The Linya-Linya Show http://instagram.com/@thelinyalinyashow http://twitter.com/@linyalinya

Apr 11, 20218 minSeason 2Ep. 125

124: Daddy Diaries - The Power of Dreams w/ Engr. Rene Sangalang

Nung bata kami, around grade school to high school, pinasulat kaming magkakapatid ng tatay ko sa papel ng dreams namin-- 5 years, 10 years, and 20 years from now. Ano na'ng nangyari pagkatapos ng ilang taon? Bakit nya nga ba pinagawa sa'min 'yun? Ano nga ba ang "power of dreams"? Paano naman apektado ang dreams natin ngayong nasa gitna ng isang pandemic? Another meaningful #DadPod with my father, Engineer and Sensei Rene Sangalang, habang nagkakape, at kumakain ng nilagang saba at kamote. Listen...

Apr 04, 202159 minSeason 2Ep. 124

123: I KNOW, WRITE? Kwentuhang Creative Writing and Podcasting w/ Carljoe Javier

To the millions and millions of lizzners around the world: We have a special guest-- a writer, author, creative writing teacher, the former COO, and now, the CEO of PumaPodcast-- Mr. Carljoe Javier! Ano nga ba'ng pagkakapareho at pagkakaiba ng old school na pagsusulat noon, sa panahong may mas makabago nang teknolohiya ngayon? Ano naman ang tulong ng creative writing at storytelling sa pagproduce ng podcasts ngayon? Tamang wisdom-filled throwback at kwentuhan lang with your 22-year old Titos, Al...

Mar 26, 20211 hr 18 minSeason 2Ep. 123

122 w/ Charles Tuvilla: Sa totoo lang, paano nga ba maging isang mabuting magulang?

Sa totoo lang, paano nga ba maging mabuting magulang? Tama bang maging disciplinarian, o dapat bang maging mas maluwag at mas bigyan ng kalayaan ang mga bata? Susundin ba natin ang sariling karanasan nung bata habang pinalalaki ng sariling magulang kapag tayo na ang may anak? May nag-iiba ba sa parenting (o sa karanasan din ng mga anak sa kanilang magulang) ngayong nasa gitna tayo ng pandemic? Isang emotional episode loaded with wisdom and insights with two of the most influential and persons in...

Mar 19, 20211 hr 4 minSeason 2Ep. 122
For the best experience, listen in Metacast app for iOS or Android
Open in Metacast