126: TULA SOMEBODY - Fr. Albert Alejo x Pochoy Labog
Episode description
Ngayong buwan, kung kailan ipinagdiriwang ang Araw ng Kagitingan (ika-9 ng Abril), inihahandog natin ang ikaapat na yugto ng Tula Somebody: Pagbasa sa Panitikang Pilipino. Tampok ang mga tulang "Sanayang Lang ang Pagpatay,"Nagpapagabi Lamang Ako," at "Salot" ni Fr. Albert Alejo, SJ, o mas o mas kilala bilang Paring Bert. Isa siyang Heswitang pantas at manunulat, nagturo sa Ateneo de Davao University, at tumutulong sa indigenous peoples sa pagtamasa nila ng kanilang karapatan. Binasa naman ito ni Pochoy Labog, ang frontman ng bandang Dicta License, na patuloy na lumilikha ng makabuluhang musika. Isa rin siyang lawyer at human rights advocate. Sa kanya-kanyang larangan, parehong magiting na ipinaglalaban nina Paring Bert at Pochoy ang karapatang pantao ng mga Pilipino. Sama-sama nating ipadaloy ang kamalayan sa mga mahahalagang usaping panlipunan-- pakinggan (at pagnilayan) ang special episode na ito ng The Linya-Linya Show, powered by PumaPodcast.
Ibahagi ang inyong komento o reaksyon sa mga nabasang akda, pati na kung may mungkahi kayo sa gusto ninyong susunod na babasahin o magababasa-- ipadala lang sa [email protected], o kaya i-DM nyo kami sa @thelinyalinyashow sa Instagram.
Mabuhay ang panitikang Pilipino!
#TheLinyaLinyaShow
#TulaSomebody