182: AG SAÑO - The Moral of the Mural
May 19, 2022•59 min•Season 2Ep. 182
Episode description
“Pwedeng mapagod. Bawal Sumuko.”
At hindi nga tayo sumukong ma-guest ang world-renowned mural artist, environmentalist, at social activist, at ito na nga sa wakas sa The Linya-Linya Show: Sir AG Saño – BOOM!
Isang malaking karangalang maka-collaborate ang isang artist na inilaan ang buhay sa sining, sa kalikasan, at sa lansangan. Sa episode na ‘to, pinagmunihan namin ang tunay na power at impact ng art, kung pa’no nito binabahagi ang mga mensaheng, marahil, hindi sapat kung salita lang; ang mahalagang papel nito sa mga isyung pinahahalagahan at ipinaglalaban natin, kung pa’no ito nagsasalita para sa mga walang boses, at kung pa’no ito nagiging mapagpalayang daan tungo sa katotohanan.
Kahit pagod, walang susuko sa pag-listen up, yo!
For the best experience, listen in Metacast app for iOS or Android
Open in Metacast