EPISODE 71: Palibhasa KoolPals
Usapang Pinoy sitcom tayo sa episode ng KoolPals and Chill kasama ang batikang comedy writer na si Sir Rhandy Reyes.
Usapang Pinoy sitcom tayo sa episode ng KoolPals and Chill kasama ang batikang comedy writer na si Sir Rhandy Reyes.
Para sa News Feed, pinag-usapan ang budget ni President, speech ni Isko, at ipinilit naming maghanap ng positive news para sumaya at nakita namin ito sa Abante. Kasama namin si Ryan Rems para alamin ang kapalaran ng sanlibutan sa Horoscope to the World.
Para sa isa na namang edition ng Komikero Nights, guest natin ang Funny One Season 2 Grand Winner na si Donna Cariaga at napag-usapan ang naging journey nya sa contest. Napag-usapan din ang speech Duterte at ang pag-subpoena ng NBI sa mga nagkakalat ng fake news.
Pinag-usapan ang pinadala na subpoena kay Vico. Kinuwento rin ni Secret ang trending issue ni Sam Morales at ang mainit na Office Chismisan na involved ang anak ni Congressman.
Pinag-usapan ang late night press con ng presidente at ang pinamigay na saba at itlog ng mga Villar. Nag-isip ng mga pwedeng sosyal na pangalan ng mga pagkaing Pinoy at paano mag-celebrate ng birthday ngayong may lockdown kasama ang KoolPal comedian na si Muman Reyes.
Tunog KoolPals kasama ang isang rapper at battle emcee na si Basilyo. Isang masayang usapan tungkol sa larangan ng rap battle at FlipTop sa Pilipinas, ang Top 5 Battle Emcee ni Basilyo at isang malupit na rap song laban sa COVID.
Kinamusta natin ang buhay ng mga KoolPals sa America na si Michael and Jethro dahil naitala sa kanilang bansa ang may pinaka maraming kaso ng infected sa buong mundo.
Pinag-usapan ang Top 5 anime na pwedeng panuorin ngayon lockdown at maswerte naming nakasama sa kwentuhan ang isa sa mga veteran voice talent na si sir Monty Repuyan, ang boses sa mga sikat na anime na Ghostfighter, Slamdunk, Lupin atbp.
Pinag-usapan ang pagbawi sa resulta ni Congressman, online rambulan, haunted hospital at mga Pilipinong pasaway from VIP to tambay. Nag-isip din kami ng Top 5 na pwedeng parusa sa mga lalabag sa quarantine.
Isang masayang kuwentuhan tungkol sa buhay ng isang comedian kasama ang isa sa mga sikat na komikero sa bansa na si Eric Nicolas.
Pinag-usapan ang pagpasok ni Koko Pimentel sa delivery room ng Makati Med. Usapang Office Lockdown kasama si Ali Sangalang ng Linya-Linya at ang bagong segment na Office Chismis with "Secret".
Pinag-usapan ang diskarte sa ration at luto para hindi maubusan at hindi magsawa sa pare-parehong ulam. Kuwentuhan tungkol sa mga na-miss na pagkain at restaurant na wala na ngayon pati na rin sa loot bag ni Mayor Joy, kasama ang comedian na si Muman Reyes.
Usapang music at buhay musikero naman tayo sa panahon ng lockdown kasama ang paboritong KoolPals singer-songwriter natin na si Mic Llave.
Kamustahan with the Koolpals mula sa UAE, Korea at Japan. Pinag-usapan ang situation ng virus sa kani-kanilang lugar at ang mga sebong mahirap tanggalin sa mga hugasin habang nasa lockdown.
Pinag-usapan ang mga paboritong pelikulang pinoy at series na pwede panuorin habang nasa lockdown, ang Koolpals Top 5 John Lloyd movies at ang ating kapalaran sa Horoscope to the World with Ryan Rems.
Pinag-usapan ang press con ng presidente, ang mga nasa hot seat na sina Mayor Vico at Joy. Alamin din ang kapalaran ng mga Koolpals ngayong lockdown sa Horoscope to the World ni Ryan Rems at Payag Ka, kasama ang mga KoolPals from around the world.
Napag-usapan ang mga celebrities na binash dahil sa kanilang mga post online sa panahon ng coronavirus. Mga kumakalat na balita tungkol sa mga looting, tricycle ni Vico, at birit ni Mocha, kasama ang mga KoolPals Komikero na sina Red Ollero at Chino Liao.
Pinag-usapan namin ang mga toxic posts online habang nasa lockdown at ang status ng food business at food delivery sa panahon ng virus, kasama ang KoolPals business owner na si Winslow at GrabFood driver na si Seet.
Pinag-usapan ang mga pwedeng lutuin ngayong lockdown at mga comfort food na magpapasaya sa'tin during the quarantine. Kinausap din ang mga KoolPals tungkol sa recipe at meron din tayong KoolPal na taga-Manila na pwedeng mag-deliver ng items mula sa palengke.
Pinag-usapan ang latest press con ni President Duterte tungkol sa Enhanced Community Quarantine at nag-sound trip gamit ang mga kanta ng mga KoolPals.
Nakipag-usap kami sa mga KoolPals namin na taga-Australia at Italy para malaman kung anong lagay nila doon at kung pareho lang ba tayo ng nararanasan sa kanila.
Kauna-unahang episode kung saan naka-video call lang ang ating mga KoolPals dahil sa quarantine. Pinag-usapan natin ang guidelines ng community quarantine at kung ano ang mga pwedeng gawin habang nasa loob ng bahay nang isang buwan.
Maraming issue ang pinag-usapan: Front Row member na pumunta kay Tulfo, van ni Kim Chiu, press con ni President Duterte, at ang horoscope sa panahon ng virus.
Pinag-usapan ang mga fake news at mga dapat malaman tungkol sa coronavirus kasama ang KoolPal na si Muman Reyes at Doc Nace Cruz.
Pinag-usapan ang journey ni Chanchan Consing, isang KoolPal na nagsimulang mag-open mic. Pakinggan ang saya at hirap ng pagpapatawa sa stage kasama si Dawit Tabonares, Chino Liao, Israel Buenaobra at si Kuya Jobert.
Unang show ng KoolPals sa BGC at pinag-usapan ang mga sikat na guwardiya ngayong taon. Ang 200k na binayad sa bodyguard ni Sarah at ang press con ng security guard sa Greenhills. Topic din ang mga boss na nakakairita sa opisina at meron ding paboritong laro ng KoolPals, ang "Payag Ka"
Masayang kuwentuhan tungkol sa journey ng isang singer, writer, at comedian na si Paolo Santos. Matutuloy kaya ang comedy show ni Paolo at The KoolPals? Abangan...
Pinag-usapan ang estado ng ABS-CBN sa senate hearing at ang pinaka-importante sa lahat ng issue: ang kasalang Matteo at Sarah. Meron ding usapang MTRCB kasama ang KoolPal Singer and Comedian na si Paolo Santos.
Pakinggan ang istorya ng ating Call-Pal at nang dahil sa kanyang mapusok na kwento, itinago natin ang kanyang totoong boses at kinilala sa pangalang "Attorney".
Puno ng Koolpals ang recording natin at pinag-usapan namin ang video ng mga batang sumunog ng lobo at video ng lalake na nanghipo, with special guest Jed Ong ng Philippine Lapine Club, Inc. (PILC) para pag-usapan ang mga rabbit at benefits ng pagkain ng rabbit meat.