The KoolPals - podcast cover

The KoolPals

The KoolPals and The Pod Networkwww.thekoolpals.com
Kapag binigyan mo ng show ang mga stand up comedians, eto ang kalalabasan. Ang KoolPals ay isang podcast tungkol sa kahit ano. At kahit ano, kaya naming pagtawanan. Kaya wag seryosohin ang maririnig. Enjoyin mo lang! WARNING: Puro katarantaduhan lang tong show na to, kung naghahanap ka ng podcast na well-researched, hindi ito ang podcast na para sayo. Kinig ka na lang sa iba.
Download Metacast podcast app
Podcasts are better in Metacast mobile app
Don't just listen to podcasts. Learn from them with transcripts, summaries, and chapters for every episode. Skim, search, and bookmark insights. Learn more

Episodes

EPISODE 40: Kaso ng Kapamilya

Mahabang usapan sa issue ng renewal ng ABS-CBN at mga kaso na inihain laban sa network. Discussion sa mga apektado sa posibleng pagsasara nito at mga paboritong palabas sa ABS-CBN simula ng pagkabata.

Feb 12, 20201 hr 6 min

EPISODE 39: Separate Lies

Pinag-usapan ang Blogger na humilata sa tapat ng mall para manakot, at kung ready na ba tayo na gawing legal ang divorce sa Pilipinas at kung paano ihanda ang sarili sa pagpapakasal.

Feb 07, 20201 hr 16 min

EPISODE 38: The First Timers

First time ng KoolPals mag-show sa Singapore (Thank you sa lahat ng pumunta at nakitawa!) Pinag-usapan paano nagsimula ang Wuhan Virus at paano ito maiiwasan. Nakipagkwentuhan sa mga Koolpals sa SG tungkol sa buhay sa Singapore at naglaro ng "Payag Ka?" para masaya ang first show natin sa SG.

Feb 04, 202041 min

EPISODE 37: Mabuhay Tayong Lahat!

Pinag-usapan ang humor ng Pilipino sa gitna ng isang trahedya at purpose ng conjugal room sa evacuation center. Tamang hinala sa mga nasa likod sa pagtanggal ng Angkas, with special guests na sila PWR Superstars Rederick Mahaba at Imabayashi, at kwentuhan tungkol sa Pinoy wrestling at nalalapit na PWR special event, "Mabuhay Ang Wrestling!"

Jan 22, 20201 hr 24 minSeason 2Ep. 37

EPISODE 36: Huwag Mong Iputok

Napag-usapan ang putukan nung New Year, mga paputok nung bata tayo at sana'y matapos na ang apoy sa Australia at away sa pagitan ng America at Iran, with special 2020 Horoscope to the World with Ryan Rems.

Jan 08, 20201 hr 22 minSeason 2Ep. 36

EPISODE 35: Happy 2020!

Nag-celebrate ng New Year ang mga KoolPals sa Baguio kasama si Yuki at ang mga comedians ng Comedy Baguio na sina Israel at Arton. Napag-usapan ang Voltes V, Pope slap, at kung ano-ano pa.

Jan 03, 20201 hr 5 minSeason 2Ep. 35

EPISODE 34: KoolPals Christmas Special

Nagsama-sama ang mga Koolpals para mag-party sa Mow's Bar! Kasama ang Lion and the Scouts at mga comedians ng Comedy Manila, at pati narin ang Tito's Tonight. Pinag-usapan ang "English only" policy sa provincial schools at kung kailangan ba ituro si Santa Claus sa mga bata. Meron pang live "Payag Ka" ng mga Koolpals para masaya ang Christmas episode natin!

Dec 19, 20191 hr 5 minSeason 2Ep. 34

EPISODE 33: Masayang Galunggong

Napag-usapan ang galunggong ni Cynthia Villar, pagbabawal ng Angkas, na-kidnap na Chinese at concert ng U2. Na-stress kami nang sobra kaya nagpaturo kami kung paano ba sumaya. May guest din kaming attorney kaya gusto na rin namin magdemanda.

Dec 13, 20191 hr 25 minSeason 2Ep. 33

EPISODE 32: 13th Month Rage

Pinag-usapan ang nakuhang 13th Month Pay, mga atletang Pinoy sa SEA Games, at si Doctor Road Rage kasama ang paborito nating Koolpals na Hapon na si Yuki Horikoshi.

Dec 06, 20191 hr 38 minSeason 2Ep. 32

EPISODE 31: Kikiam & Cherry

Hot topic ang organizers ng SEA Games at ang amoy ng utot ni Heart. Hinimay namin kung paano bumuo ng kanta sa tulong ng ating mga KoolPals na producer at rapper na sina Marx Diego at Ryan Ilaya ng Kartel, sa tulong na rin ng mga musikerong sina Bobbie at Emman ng Lion and The Scouts.

Nov 27, 20191 hr 58 minSeason 2Ep. 31

EPISODE 30: Peter Pan Syndrome

Pinag-usapan ang mamahaling Kaldero ng SEA Games, Pinapadilaang Vandalism at Kinaladkad na Enforcer with special Koolpals toy collector Micoy Castillo!

Nov 20, 20191 hr 54 minSeason 2Ep. 30

RADYONET VOL. 4: Pass the Drug War to the Left-Hand Side

Pinag-usapan namin ang BP ni VP Leni na baka tumaas simula nung hawakan niya ang Drug War sa Pilipinas. Bagong istorya sa MMK: Pamilya o Trabaho? O Rectum? Guest voice actor namin ay si Ryan Rems bilang si Jam.

Nov 15, 201945 min

EPISODE 29: Utang Ninyong Lahat!

Sa episode na 'to, pinag-usapan namin ang mga utang na 'di na nabayaran. Kaya naghanap kami ng paraan para mabayaran ang mga utang at hinanap din namin si Rodney dahil sikat na siya. Sign up on Shopback using our exclusive link and get a P100 bonus cashback to get you started! https://www.shopback.ph/thekoolpals

Nov 13, 20191 hr 24 minSeason 2Ep. 29

EPISODE 28: Solid KoolPals

Live na sinagot ni Pastor Quiboloy ang mga katanungan ng ating mga KoolPals at nagkwentuhan tungkol sa comedy kasama ang KoolPal natin sa SOLID OK na si Ryan Puno. Sign up on Shopback using our exclusive link and get a P100 bonus cashback to get you started! https://www.shopback.ph/thekoolpals

Nov 06, 20191 hr 51 minSeason 2Ep. 28

EPISODE 27: Podcast ng Lagim

Usapang Paranormal kasama ang KoolPal expert na si Dion Fernandez. Pinag-usapan ang mga kababalaghang bumabalot sa mundo ng mga espirito. Maghanda kayo dahil maririnig niyo ang boses ng bata na nasa studio. Sign up on Shopback using our exclusive link and get a P100 bonus cashback to get you started! https://www.shopback.ph/thekoolpals

Oct 30, 20191 hr 56 minSeason 2Ep. 27

EPISODE 26: Family Feud

Pinag-usapan namin ang away ng Baretto Sisters... away ni Tatay Alex at ni Dimples... humingi kami ng opinion ni Optimus Prime at kumanta si GB tungkol sa hindi naubos na mamon sa lamay. Sign up on Shopback using our exclusive link and get a P100 bonus cashback to get you started! https://www.shopback.ph/thekoolpals

Oct 24, 20191 hr 22 min

EPISODE 25: SuperKool

Ang ating unang LIVE podcast recording ay sa SuperManila kung saan present ang mga magagaling na Pinoy comic book artists! Kasama ang ating guest Koolpal na si Chino Liao, isang comic book geek, pinag-usapan namin ang mga superheroes, Pinoy comic book artists, at paano umiihi si Superman kung nasa labas ang kanyang brief! Sign up on Shopback using our exclusive link and get a P100 bonus cashback to get you started! https://www.shopback.ph/thekoolpals...

Oct 21, 201942 minSeason 2Ep. 25

EPISODE 24: Kool-laboration Kasama si Kuya Jobert

Ang first guest ng season 2 ang hari ng YouTube sa Pinas ... si Kuya Jobert Austria!!! Kwentuhan, tawanan at kantahan tungkol sa buhay at mga kantang nilikha ni Kuya Jobert! Sign up using our exclusive link and you get P100 bonus cashback to get you started! https://www.shopback.ph/thekoolpals

Oct 16, 20191 hr 38 minSeason 2Ep. 24

EPISODE 23 (SEASON FINALE): Talk To My Lawyer

Live interaction with scammer na attorney at discussion tungkol sa commuter na attorney kasama ang mga hosts ng bagong Internet show na Tito's Tonight na si Jeps Gallon at Joma Labayen.

Oct 12, 20191 hr 50 min

RADYONET VOL. 3: Panelo Patalo

Napagusapan kung paano hinambalos ni Idol Raffy ang Yllana Brothers at kung meron ba talaga tayong transport crisis.

Oct 11, 201945 min

RADYONET VOL. 1: 91 Pokpoks

Napagusapan ang nahuling 91 na Chinese Pokpoks at ano ba ang kalakaran ng mga GRO. Meron din tayong Blind Unboxing para hulaan ang prize na ipapamigay namin galing sa Filbar's.

Oct 02, 201929 min

EPISODE 22: Modernong Pilipino

Pinagusapan ang modernization ng jeep, mga modernong Pinoy wrestlers at artists. Humingi ng Opinyong ni Optumus prime pero natinik ng bangus. At isang katerbang masasayang kwentuhan kasama si Rederick Mahaba ng PWR aka Red Ollero.

Oct 02, 20191 hr 49 min

EPISODE 21: It's Everybody's MILF!

Ignorance of the Law excuses no one kaya nagtanong kami sa isang taong walang alam sa batas, back-to-back ng maharot at sexy na kwento ni Raprap at ni Tita Tita sa Maalaala Mo KoolPals.

Sep 25, 20191 hr 46 min

EPISODE 20: Wine and Pwet

Eto lang ang matutunan nyo dito, masama sa kalusugan ang mga nasi-swimming na baboy sa ilog at ang pagpasok ng bote ng wine sa pwet. Syempre, may horoscope pa rin tayo kasama si Ryan Rems.

Sep 18, 20191 hr 33 min

EPISODE 19: Extra Rice The Musical

Pinagusapan ang Rice Tariff at mga KoolPal na solusyon sa problema ng magsasaka. Horoscope to the World with Ryan Rems at special musical guest ang Lion and The Scouts!

Sep 10, 20191 hr 34 min

EPISODE 18: Baby Gurl

May nagpadala na naman ng sulat sa Maalaala Mo, KoolPals para i-kwento ang crush nyang hindi sya crush. Sana ay may natutunan sa amin si Baby Gurl o kaya naman sana ay may napulot siya sa mga Horoscope to the World ni Ryan Rems.

Sep 04, 20191 hr 19 min
For the best experience, listen in Metacast app for iOS or Android
Open in Metacast