requested ep: long distance situationship pt. 2 - podcast episode cover

requested ep: long distance situationship pt. 2

Sep 23, 202559 min
--:--
--:--
Download Metacast podcast app
Listen to this episode in Metacast mobile app
Don't just listen to podcasts. Learn from them with transcripts, summaries, and chapters for every episode. Skim, search, and bookmark insights. Learn more

Summary

Sa Part 2 ng "Long Distance Situationship," sinisiyasat ni Will ang kumplikadong dynamics ng mga relasyong malayo at walang label. Tampok dito ang iba't ibang kwento ng tagapakinig, mula sa mga nangungulila, nagdududa, hanggang sa mga naghahanap ng katiyakan sa gitna ng kalabuan at distansya. Ang episode ay nagbibigay-diin sa kahalagahan ng pagtutugma ng salita at gawa, at ang pangangailangan para sa kapayapaan ng isip sa anumang uri ng pag-ibig, lalo na kung may kalabuan.

Episode description

para sa mga taong magkalayo na nga, hindi pa alam kung ano sila. basta ang totoo, yung nararamdaman nila sa isa't isa.

Transcript

Long Distance Situationship Part 2

Alam mo yung feeling na ang layo-layo nyo na nga sa isa't isa, tapos hindi nyo pa alam kung ano kayo sa isa't isa? Hi ako si Will and this is Will Talks and welcome sa part 2 ng Long Distance Situationship. Ang dami-dami nang nagtatanong. Kailan po yung part 2 ng long-distance situationship? Inaamag na. Inaamag na po yung Spotify mo, Wiltox. Ito na. Pasensya na. Marami lang nangyari sa buhay-buhay. Marami lang mga naging ganap sa buhay-buhay. Nagkaroon ng sakit na walan ng mahal sa buhay.

Laban ng Walang Label na Pag-ibig

Pero syempre, wala naman tayong choice kundi lumaban at bumangon sa everyday life natin. Katulad na lamang ng mga lumalaban palagi. Yung mga nasa talking stage. Yung mga magkalayo dyan. Mas di pa nila alam kung ano sila. Yung wala pa silang karapatan para mag-demand dun sa kausap nila kasi wala naman ngang sila. Pero ganun talaga. That's life. Kaya ngayon, pakinggan naman natin ng mga kwento nila. Mga kwento ng taong nasa long distance. Hindi relationship eh. Pero... Situationship.

Anyway, ready na ba kayo? Ang daming naghahanap sa inyo. So, eto na. Eto na po, boss. Pasensya na kayo ha. Pasensya na ha. Eto na. Bibigay na ni Wiltox. Anyway guys, may mga ilan tayong story na babasahin tonight. And lahat ng mga gifts na sinesend nyo dito, thank you, thank you so much. This is gonna be posted agad-agad on Spotify.

So hello Spotify people. Ready to fly daw tonight boss. Mukhang makikita pa sa Spotify ang paglipad natin ha. Boss ina ko. Captain. Mukhang makikita pa sa Spotify ang paglipad. Captured. Anyway, ready na ba ang lahat para sa unang story ng gabing ito? Ready na? So this is our first story.

Kwento ni Ray: Pag-ibig Walang Distansya

Love knows no distance. Ika nga ng marami. And I once believed that too. Hi kuya, cliche man pakinggan. Pero I've been one of your followers since pa sa TikTok days mo. Hanggang ngayon sa Spotify era. Tawagin mo na lang akong Ray. As usual, chinek ko yung Spotify kung may bago kang update and yes, meron nga. Episode 28 Walang kayo, magkalayo pa kayo. Long distance situationship. Ang perfect pakinggan sa bus habang pauwi ako from the city to my hometown, sabay reminiscing about someone.

Almost a year ago, I met Cain through a common friend. Taga Lapu-Lapu City, Cebu siya, while ako naman from Misamis Oriental here in Mindanao. It was just a random reto. Honestly, all I wanted back then was someone I could talk to everyday. Something casual lang. No pressure to commit. Nasa... Aviation industry siya and I'm in the medical field. Specifically, nursing. Alam ng lahat kung gaano siya ka-charming. Yung ngiti niya, sobrang genuine and warm. Plus yung perfect teeth.

For me, super attractive yun sa guy. Bonus pa na he is in such a prestigious industry. No wonder naging standard ko siya. We started talking last July. Everything felt so new. Nagme-message siya everyday. Kahit busy sa specialty training niya, he was so consistent. Pero deep down, I knew it wouldn't last. Kasi from the start pa lang, Malinaw na sa amin na it was casual lang. No commitment. Pareho pa kaming healing from past heartbreaks. We were happy. Walang pressure.

Madalas naming sinasabi, we'll get there when we're ready. Emotionally and career-wise. I was in my final year of nursing that time and siya naman, licensed na and taking specialty training for work. Pero nung nagsimula na yung final year ko sa nursing, reality hit me hard. Final major subjects, everyday classes, hospital duties, tapos may Sunday sessions pa.

For comprehensive appraisal, I was drowning in responsibilities. I remembered my promise to myself, gagraduate ako ng college na single. Kasi alam kong madali akong madistract.

Kwento ni Ray: Katotohanan at Pagbitaw

And I couldn't juggle both school and relationship. That became one of the reasons why I decided to end things with Cain. Pero hindi lang yun ang dahilan. I could feel na he was growing cold. Becoming distant. And then came my girl's instinct. Ramdam ko, may iba na. May ibang nagpupuno ng space na hindi ko nakayang punuin. I ended things sa mismong araw ng graduation niya from his specialty training. Still, pinadalan ko pa rin siya ng bouquet of blue roses as a congratulatory gift.

Something I had planned kahit before pa kami unti-unting lumamig. Yes, I let go of someone special. Kahit part of me wanted to hold on. It's been almost a year. Halos healed na rin ako from the pain. kahit hindi naman talaga naging kami. I'm happy for him, for his career, and for his new love. And here I am now! Reviewing for the Philippine Nursing Licensure Exam this coming November 2025. Wish me luck. Lisensya muna, bago jowa. Thank you for listening, Kuya.

If ever mabili itong story ko, again, this is Ray. Yung laging naniniwala na ang tamang tao para sayo, darating din sa tamang panahon.

Mga Update at Suporta sa Podcast

Aba, abang unang kwento naman. Ang abang unang kwento naman, pumapalag-palag talaga, no? Ay, liwot natin. What's up? Thank you, Godwin. Guys, thank you for... Everyone who is, who are sending gifts. Thank you, thank you, thank you. Godwin, Kaises, um, Hackdog. Thank you, thank you so much. By the way, guys, after this live stream.

It would be uploaded agad-agad on Spotify. So, meron na naman kayong papakinggan on Spotify. This is part 2 of Long Distance Situationship. And maraming maraming salamat. Salaman. Salamat po sa mga nagsisend. Godwin, thank you sa paggalaw ng gift goal natin. Mukhang nakikita pa natin ngayon sa Spotify ng mga paggalaw nyo ng gift goal. Maraming salamat. Super, super appreciated. But anyway, para sa dalawa kong PA dyan. Uy! Thank you sa Sunday Bowl, Godwin. Maraming maraming salamat.

Para sa dalawang PA dyan, if ever man may PA akong active, pwede nyo bang i-pull up yung part 1 ng story kanina? Itong nandito, may part 2 kasi guys na may nag-send from... from the first part ng Long Distance Situationship episode. So, nagsend siya ng part 2. Update nung story siguro nila to. So, pwede bang i-pull up natin yung part 1 na yun? Ayan.

W sa ating PA na si Aaliyah kahit hindi siya siniswelduhan. Kahit thank you lang ang kanyang sweldo. Tinan nyo naman gano'n siya ka-dedicated sa Wheel Talks W naman sa PA natin. Kahit pakape, wala man lang akong pakape pa dyan sa PA ko. Pero tingnan nyo naman gano ka-dedicated. Walang sweldo yan ha, wala pang kape yan. Pero pag lumipad tonight...

Papakapihin natin ang ating dalawang PA, syempre. Okay na, ayun. Sige nga, boss. Thank you, thank you, thank you. Padagdag na lang dun sa word natin. Ayun, thank you. Anyway.

Handa Ka Ba sa Tunay na Pag-ibig?

Ready na ba kayo sa second story natin ngayong gabi? Hindi pa? Hindi ka pa ready? Palagi naman yan ang sinasabi mo eh. Lagi naman, hindi ready. Ang galing-galing lumande. Ang galing-galing magpa-fall. Tapos kapag seryosohan na, Hindi naman pala ready. Hindi ka pala ready eh. Hindi ka pala handa eh. Eh ano yun? Bakit ganon ka sa kanya? Bakit parang ready naman? Hindi ka nga ba ready? O hindi ka palang nakakalaya? Hindi ka pa nga ba talaga ready?

O hindi ka pa nakaka-move on? Yan kasi hirap sa'yo eh. Kausap ka ng kausap ng ibang tao, landi ka ng landi ng ibang tao, tapos malalaman ko na lang, hindi ka pa pala nakakalaya. Sasabak ka pa sa long distance na sa malalaman ko hindi ka pa pala nakakalaya. Paano na lang yan? Paano naman... Yan na-invested na yung isa mong kausap? Paano naman ngayon yan? Clippable, no? Clippable. By the way guys, this episode is gonna be uploaded ASAP after ng live na to sa Spotify. So this is this is part 2 ng

Ano ang kwentong long distance situationship mo? So kung meron man tayo. Guys, thank you sa gifts by the way ha. Angela B. Nino, Nicole Nils. Maraming maraming salamat sa mga gifts po. Ninyong lahat. At sa mga nakikita natin sa screen dito, maraming maraming salamat sa mga gifts ninyo. This is gonna be uploaded on Spotify right after. So maraming maraming salamat. Kung lilipad man din tayo, thank you na po agad. This is our second story of the night.

Ikalawang Kwento: Hindi Klarong Pagaari

We first met sa bahay ng friend ko, which happens to be his cousin. He was a few years older than me. I'm still a student while he already graduated. and was a licensed engineer. Bago pa man kami naging magka-situationship, nagsimula muna kami sa parang patago na usapan. Hindi lang dahil sa age gap namin, pero dahil pareho rin kami ng circle of friends at pareho kaming umaaten sa iisang church. Kaya tinago namin. We really clicked during my farewell party.

Party na inorganize pa ng mga kaibigan ko Pero nagka-chat na kami 2 days before the party And from there, parang may unspoken spark na After the party Dalawang araw na lang at aalis na ako papuntang Manila. We were both from Southern Leyte, a small town in that province. Even when I left, we kept talking through FB and IG. And as time passed, dumating sa point na he suddenly proposed this idea na we own each other. We agreed to it. We owned each other.

We cared for each other. We missed each other. We both admitted we liked each other pero hanggang doon lang. Walang improvement, walang malinaw na plano, pero may mutual saying kami, akin siya at sa kanya ako. At first, masaya, nakakakilig. Kahit walang label, pakiramdam ko, safe ako sa kanya. Pero habang tumatagal, napansin ko na parang paulit-ulit lang ang lahat. Hindi na kami nag-uusap tungkol sa future.

Hindi rin namin alam kung saan patutungo yung meron kami, pero dahil may hawak pa rin ako sa salitang akin siya at sa kanya ako, nanatili ako. Na he'll say things like he wants me only and no one else. And kuya, to be honest, tuwing sinasabi niya yun, may parte sa akin na naniniwala. Pero may parte rin na nag-overthink. He's a licensed engineer. Tapos ako? I'm just still a student. Minsan naiisip ko, deserve ko ba siya? Deserve niya ba ako? I feel...

na may karapatan ako sa kanya. Kasi nga, we own each other. Pero at the same time, parang wala. Parang anytime, pwedeng magbago ang lahat. I love him, Kuya. Pero does he love me? Kasi love for me is not just words. It's actions. And sometimes, yung actions niya, hindi laging tumutugma sa sinasabi niya.

Dapat Magtugma Ang Salita at Gawa

Hindi tayo pero sa akin ka lang ha. Wala tayong label. Masaya lang tayo pero sa akin ka lang ha. Ugalin nyo! Anong sakin ka lang ha? Parang ang daya mo naman sa part na yun, boss. Pass dun sa nagsasabi na actions speak louder than words lalo na sa situationship. No bro. No man. Your actions should match your words. Hindi louder than words. Dapat tinutumbasan ng actions mo yung mga sinasabi mo. At hindi pwedeng puro gawa ka lang din. Dapat kung ay ginagawa mo, ganun din ang sinasabi mo.

Gets? Gets, boss, gets? Gets ba? Diba? Hindi pwedeng puro ano lang. Hindi pwedeng puro actions lang. Hindi pwedeng puro words lang, bossing. Hindi pwedeng puro paramdam lang na importante. Hindi pwedeng puro paramdam lang na sa akin ka. Hindi pwedeng puro paramdam lang na love kita. sabihin mo din. At hindi naman pwedeng puro sabi ka lang na love mo siya, tapos hindi mo naman ipaparamdam. Hindi rin pwede na puro sabi ka lang na importante yung tao, tapos pag naman sa actions mo,

Parang binabaliwala mo naman. Your words should match your actions and your actions should match your words. Hindi pwedeng louder yung isa. Gets!

Milestones, Panimula ng Kwento ni Abby

By the way, sa mga may hindi nga pala alam, this is part 2 of... Ano ang kwentong long distance situationship mo? So right after this livestream, it's gonna be uploaded agad-agad on Spotify. So say hello to Spotify people na lang. Hello Spotify people. Sana magustuhan nyo tong episode na to. And by the way, congratulations to Will Talks kasi nag-hit na siya. Yung episode 25, yung San Ka Hindi Makalaya, it's...

It's finally, it finally reached 1 million place. 1 million na paulit-ulit na pakinggan. Grabe. Ang episode 25, saan ka hindi makalaya? Double use in the chat, please. Para dun sa episode natin na yun. Grabe talaga yun. Grabe, 1 million plays. The best, no? Anyway guys, this is episode... This is part 2. Nakalimutan ko na ako ng episode 2 sa sobrang tagal kung...

Nawala on Spotify. Esensya na kayo. So ito na. Episode. What? Tingnan na lang natin. Pero this is story number three. Okay? This is story number three. Nang... Ano ang kwentong long distance situationship mo? Pauso na naman si Wiltox, no? Long distance relationship lang yun, eh. Tapos ginawan pa yung para sa mga walang label. Ginawa pang long-distance situationship. E malay nyo naman, di ba? You know, madami. Madami nakaka-experience. So, pwede na. Pwede na. Pwede na. Anyway.

This is story number three. And para sa mga nandito sa TikTok people, tinggi-tinggi sa mga nagsisend ng GIFs sa ating lahat, can I just shout out sa GLET for 30 seconds yung mga nag-GIFs sa atin? Beniz, shoutout sa'yo. Liver Lover Boy, thank you, thank you. AE, thank you. Jek, maraming salamat. Sino ba to? Sino pa ba dito?

Jade, thank you. Lay, Cholo, maraming salamat. Sicily, maraming salamat. Thank you, thank you. Jesty, thank you, thank you for the gifts. Super appreciated. Thank you. Lalo na yung mga lumalabas-labas dito sa screen natin. Maraming salamat po. Nicole, ayan, salamat. JNQW, salamat ang gifters natin tonight. Anyway, this is story number three.

Kwento ni Abby: Tatlong Taong Walang Katiyakan

So this person said, Hi Kuya Will! Gusto ko sanang ishare ang kwento ko tungkol. sa isang situationship, or mas tamang sabihin, isang long-distance situationship. Naranasan mo na bang makilala ang isang taong parang ang lapit-lapit sa'yo, pero sa totoo lang, ang layo-layo. Yung tipong ipaparamdam niya na mahalaga ka, pero hinding-hindi mo alam kung ano ka ba talaga sa buhay niya. Nagmahal ka na ba ng tahimik?

Takot na baka magbago ang lahat kapag sinabi mo yung totoo mong nararamdaman. Well, ito ang kwento ko. I'll never forget how it all started. You can call me Abby. from Bicol, and siya naman from Oriental Mindoro. Nangyari ito way back 2022. Nagkakilala kami sa isang dating app na LM at exactly 1.03am. habang nagre-review ako para sa midterm exam. Pareho pa kaming third year college nun. Wala naman ako inaasahan nung gabing yun pero nagmatch kami sa random call and we started talking about life.

past relationships, and yung mga pinagdaanan naming dalawa. Then bigla na lang niyang hiningi ang social media account ko. At first, I said no. Pero somehow, Parang tinulungan siya ng tadhana. Nahanap niya pa rin yung FB ko. I just laughed. Shocked, pero na-impress din. And ayun, tuloy-tuloy na ang usapan namin sa messenger. As we talked more,

Narealize ko na he wasn't just any guy. Siya yung tipo ng lalaking bihira mong makilala. Mabait, family-oriented, gentle at may mabuting puso. Kahit sa screen lang. Ramdam ko yung sincerity niya. Pero bigla na lang siyang nawala after a month. No explanation. No goodbye. Hindi ko rin tinanong kung bakit. Tinanggap ko na lang. At nag-focus ako sa pag-aaral ko. Then one afternoon, habang nag-scroll ako sa FB, nakita ko yung story niya. Picture ng ex niya. Yung same ex.

na nangaliwa sa kanya. Isang foto lang yun, pero ang bigat ng dating. Hindi ko alam kung bakit, pero nalungkot ako. Siguro kasi, na-realize ko na mahal pa rin niya yung ex niya. Five long months na walang kahit anong message. Then one day, biglang nag-pop up sa screen ko, Kamusta ka? As if walang nangyari. I just replied, I'm fine. You? At ayun, parang walang nangyari. Balik-usap ulit kami. Pero hindi na nawala sa isip ko yung Facebook story na yun.

Habang tumatagal, nabubuhay kami sa isang strange na in-between. Parang kami, pero hindi. Nagsishare ng updates, nag-aalalayan, nagmamalasakit sa isa't isa. He knows me deeply, alam niya yung parte ng sarili kung hindi ko rin maintindihan minsan. And lagi siyang nandyan kapag feeling ko guguho na yung mundo. And ako rin, naging ganon para sa kanya. Comfort niya.

Constant niya. Tatlong taon. Tatlong taon ng situationship. Nang pagiging stuck sa gitna ng friendship at love. Pareho na kaming graduate. May kanya-kanyang trabaho na siya as school staff sa dati niyang university. Ako naman nasa corporate world na. Pero wala pa rin nagbago. Araw-araw pa rin kaming nag-uusap parang kami pa rin in the ways that matter most. Pero hindi niya alam na mahal ko siya. At hindi ko rin alam kung mahal niya ba ako. Walang nagsasalita.

Parang natatakot na masira yung delicate na connection na meron kami. And maybe, yun ang pinakamasakit. Na sa sobrang pag-iingat namin, baka nawala rin yung chance na maging kami. For three years, punong-puno ng usapan ang bawat araw namin, pero never ko siyang narinig magsabi ng tunay niyang nararamdaman. Naghintay ako, hoping na someday maririnig ko rin yung salitang magbibigay.

ng linaw sa lahat. Pero wala. Naiwan ako nakatayo sa gitna ng uncertainty at ang realization. Minsan, mas malakas pa ang sakit ng katahimikan kesa sa rejection.

Kwento ni Abby: Masakit na Pagkumpirma

At yung hindi mo alam kung ano ka sa buhay ng isang tao, yun ang isa sa pinakamasakit na klase ng heartbreak. July 12, 2025 After... So long. Finally, naglakas loob na ako sabihin sa kanya yung nararamdaman ko. Grabe ang kaba ko habang nagsasalita. Hoping na sana pareho kami ng nararamdaman. Hoping na baka pwede na naming gawing totoo ang lahat. Pero habang nagsasalita siya, narealize ko, hindi kami nasa parehong pahina.

Yung connection na sobrang pinapahalagahan ko, hindi pala ganun kahalaga sa kanya. Minsan, minsan may mga taong dumarating sa buhay natin at pakiramdam mo sila na yung home mo. Pero hindi lahat ng tahanan para sa'yo talaga. Hi, Rard. Salamat sa pagiging parte ng kwento ko. Hindi ito yung ending, kahit hindi ito yung ending na pinangarap ko. Thank you sa tawanan, sa mga late night talks, at sa comfort na binigay mo. Nung kailangan ko yun the most. Thank you for showing me

Thank you for showing me na kaya kong magmahal ng totoo kahit malayo. And most of all, thank you for teaching me that love, kahit anong form, is still a gift. Kahit hindi man siya nanatili, kahit naging memory na lang.

Ang Kalabuan ng 'Magkaibigan Lang'

Ano ba to? Magkaibigan lang ba tayo? Kasi kung magkaibigan lang tayo, bakit naman ganito? Nga pala, akala ko friends lang. Akala ko hanggang ganito lang. Pero sorry ah. Alam ko naman na... Kapag friends lang, hindi naman ganito. Kapag friends lang, wala namang ganito. Kasi kung friends lang tayo, bakit ganyan ka sa akin?

Kung friends lang tayo, bakit ganyan yung sinasabi mo sa akin? Kung friends lang tayo, bakit ganyan yung pinaparamdam mo sa akin? At kung friends lang tayo, Bakit hindi mo malinaw-linaw na friends lang talaga tayo? Tuloy ang maglahat. Sisisip mo ba kung ayaw na talaga? Clippable yun! Clipable yun. Grabe, clipable. Parang ano ah, tumama ano. Tumama yun.

Will Talks Studio 2026 at Banat

Iba pala yung ano. Iba pala. Iba pala ang banat kapag feeling ko lilipad. Ay. Iba pala kapag lumilipad papunta sa studio. Grabe W talaga boss Ina. We'll Talk Studio 2026. Here we go. Magkakaroon na tayo ng sariling studio, Spotify people. So next year, abangan nyo. Hindi na ganito yung background natin. May studio na po tayo.

Abangan nyo yan. At kailangan number one tayo sa Spotify pag umabot tayo sa oras na yun, ha? Pag nandoon na tayo sa panahon na yun, ha? Kailangan number one tayo. Anong King of Relapse Studio? By the way, sa 1,800 na nanonood sa atin on TikTok, gusto ko lang i-share sa inyo na baka lang di nyo pa alam. Check nyo na lang din sa latest post natin on TikTok.

Magkakaroon na tayo ng Will Talk Studio. I'm planning kasi yung studio natin. Container room siya. Parang container studio. Magkakaroon na tayo ng studio. Um... 2026. January. It's gonna be sponsored by our bossing, Boss Ina, ang number one supporter ng WheelTalk. So, thank you, thank you. Maraming salamat. Can everybody drop, drop, drop? Drop W, Boss Ina. Thank you so much talaga. Grabe. Grabe yun. Anyway, TikTok people, can everybody repost and share our live stream?

Yes, sir. Thank you, Captain. Ayan. Pakita natin sa... Pakita natin sa TikTok. Ay, hindi pala makita pag pinipin. Anyway, thank you, Captain. Water break lang este ano, coffee break. Decaf, americano. O ba't nagbago bigla, mga titig ay nag-iba, ikaw'y lumalayo, tadhana ba't... Lasang ano'y kape? Lasang kahapon. Kahapon okay pa. Bakit ba ganun? Bakit ba pag tinanong lang kung ano lasa nung kapit? Parang...

Parang alam nyo na agad yung gagawin ko. Kayo mga... Kayo mga OAT na to. Mga nasasaray kayo sa Will Talks, ha? Uminom lang ng kapi eh. Kuya, ano lasa ng kapi? Gusto agad may banat. Gusto agad nakukuha yung gusto niya. Gusto agad yung mga tao na hindi sila gusto. Welcome to Will Talks, by the way, TikTok people. Welcome sa paboritong tambayan. Tuwing merong kumikirot sa imong heart. Welcome. Decafo gusto. Decaf lang, be. Bawal. Nakakapalpitate kasi yung... Sa bagay, okay lang naman.

Okay na yung decaf. Meron naman na kasing nagpapatibok ng heart ko. Nailusot? Nailusot, diba? Sabi sa inyo eh. Sabi sa inyo mailulusot. Ni paring wheel talks yan. Baka... Baka naman ano? Baka nag-number one sa Spotify Philippines yan. Diba? Sabi nga nung dati ko moderator, ain't number one for nothing. Emi lang. Nailusot lang talaga. Anyway, pang ilang story na natin guys, pang ilang story na natin. Okay, so this is story number four.

Kwento ni Jin: Patuloy na Situationship

O ano ang kwentong long-distance situationship mo? So this person said, Hi, Kuya Will. Tago mo na lang po ako sa pangalang Jin. Gusto ko lang i-share ang kwento ko. Isang long-distance situationship. And yes po, ongoing pa rin siya. As in... Nasa situationship pa rin ako hanggang ngayon. We have been in this year, in this for two years now. Nagsimula siya noong July 2023.

Isang simpleng hi and hello lang talaga. Classmate ko kasi yung bunso niyang kapatid noong high school. Kaya kilala ko na siya noon pa. Pero honestly, feeling ko... Hindi naman ako nag-i-exist sa mundo niya dati. Kazin ko rin ang naging classmate niya. Kaya may konting connection somehow. Nag-message siya and I replied. Wala naman talaga akong balak pumasok sa kahit anong relasyon that time. Sabay lang sa Agos, kumbaga. Pero hindi ko inakala nalalalim ang lahat.

Dumating kami sa point na nag-meet kami in person and for the first time, naranasan kong hindi bastusin. He was so different. Hindi katulad ng ibang lalaking, puro ganun lang ang habol. Sinabi niya sa simula na chill lang dapat kami. Private. Casual. Pero habang tumatagal, unti-unti na akong nahulog. Tinanong ko siya one time kung ano ba talaga kami.

Kung may plano ba siyang bigyan ng label yung sa amin, ang sagot niya lang, basta masaya tayo. Hinayaan ko, kasi nasanay na ako nandyan siya. Parang hindi ko na rin kaya yung wala siya. Hanggang sa nabuntis ako. Hindi lang isang beses, kundi dalawang beses. Parehong nawala yung babies namin. Nakunan ako dahil sa sobrang stress.

Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa parents ko na buntis ako. Eh wala naman kaming malinaw na relasyon nung tatay. Eventually, we decided na mag-abroad. Nauna akong umalis papuntang Saudi. Ang usapan, susunod siya dun. Pero sa ending, napunta siya sa Qatar. So ayun, LDR kami ngayon. Pero we're still on going. In fact, We have been planning for our future together, pero may part sa akin na nalilito. Paano kami makakapagplano ng future at pamilya kung yung present namin hindi maayos?

Lagi niya akong pinagdududahan na may iba daw akong lalaki. Pero ang totoo, I stopped craving any other man's attention simula noong naging kami. Siya lang talaga. He's almost perfect sa kung paano siya makipag-ayos, makipag-usap at mag-handle ng problema. Ilang beses na rin kaming sinubukan tapusin tong kami. Kasi alam ko na I deserve more.

Pero lagi niya akong pinipigilan. Lagi niya akong pinapaliwanagan. Tinanong ko ulit siya, hanggang kailan tayo ganito? Ang sagot niya, hanggang sa magkita tayong ulit. One year na kaming long distance situationship. Ginagawa pa rin namin ang ginagawa ng mag-jowa. We cry together, laugh together, plan together, pero minsan... Hindi ko na alam kung ano pa ba talaga ang pinanghahawakan namin o kung meron pa ba. Ang alam ko lang, mahal ko siya. Mahal na mahal. Yun lang, Kuya Will.

Sana mabasa mo at maintindihan ang kwento ko. Maraming salamat sa pagbibigay ng space para sa mga katulad kung may kwentong hindi sigurado. Pero totoo.

Reaksyon sa Pighati ni Jin

Damn! Ewan ko, yun lang ata masasabi ko sa story na yun. Damn. Jen? Jen? Bakit ayaw ng label? Nagkanak na't lahat, bakit ayaw ng label? May anak na? Ayaw pa rin ang label? Sa aking abay, di pa sigurado Kung may iba Ano ba? Our talking stage? Hindi ko alam kung appropriate mo itong i-joke ko pero wag na lang. Wag na lang. Hindi. Huwag na nga. Iyan mo na. Basta. Ayan. Alright.

Anyway, welcome to WheelTalks. By the way, maraming maraming salamat sa mga nagpo-follow sa atin na bago. And wait lang, 30 seconds. Can I just shout out yung mga nag-gif sa atin? By the way, this is gonna be posted right after. Our live stream sa Spotify. Agad-agad. Okay. Shoutout sa'yo. Emra Moon. Ayan. Shoutout. Pogi si Ivan. Shoutout. Rin. Thank you. Bossju. Joy. Shuao.

Sa 10 Roses, thank you, thank you so much. Thank you so much, buddy. Maraming maraming salamat. Jack, Nicole, maraming salamat sa gifters natin, guys. Super appreciated. Ayan. So, meron kasi tayong babasahin na story na part 2 nung episode ah I mean part 2 ng story na nasa part 1 ng episode na to so hindi ko kasi alam kung matatandaan nyo pa yung part 1 na to

At hindi ko din alam kung... Anyway, yun na lang. Before nyo, before nyo, eto, sa mga Spotify people, sa mga makikinig sa Spotify, check nyo yung part 1. yung story ni Brie check nyo na lang yung part 1 nasa unang ano na to pero yung babasahin natin yung part 2 okay part 2 ng story nya nag update sya be sana na all no panis nag update

Tignan nyo na lang, ha? Check nyo na lang. Hindi ko alam ko ito. Basta yung huling linya ng mga ano, yung hybrid. Alam kong hindi natin alam kung ano ba talaga tayo. Magulo, malabo, something something. Ganon. Check nyo na lang. So this is yung part 2 ng story. Check nyo na lang. Kasi ang haba kung babasahin ko pa yung buong part 1 niya. Ba't check-check na lang sa unang episode, ha? Okay. Di pa rin sigurado Laging napapahisip kung ano ba talaga tayo Nagkatula

Kwento ni Brie: Online laban sa Totoo

Okay, so this person said, Hi Sir Will, this is part 2 of my LDS story about Brie. And it feels like I need to share this since I already shared our story. All week, I was counting the days. Friday felt like some big event in my life. Iniisip ko pa, iniisip ko pa lang kung paano siya sasalubungin. Kinakabahan na ako. Paulit-ulit ko rin ini-imagine kung paano magiging masaya yung first meet namin. And then Friday came. I saw her. Brie.

The girl who has been my constant chatmate. My suplada but caring friend online. Pero nung nakita ko siya in person, ibang vibe. Maldita pa rin pero hindi na yung playful na maldita. This time, it felt intimidating. Para bang may invisible wall sa pagitan namin. We were physically together but it didn't feel like it. Walang usapan. Walang kulitan.

Walang sermon na dati kong inaabangan. I tried to start conversations pero she kept her distance. We sat there but it felt like we were in two separate worlds. Honestly, Mas marami pa kaming time na pagkwentuhan nung hindi kami magkasama. Online, she understood me. In person, parang hindi. After that day, wala na.

Kwento ni Brie: Mga Aral na Natutunan

No reply? No follow-up? I can't help but think maybe it's how I look. Maybe I did not meet whatever expectations she had. Or maybe the truth is, our connection only ever worked. true screams that they hurt not because it ended but because i realized she wasn't the brie i liked or maybe she's still brie Just not the version I thought I knew. Pero kahit ganun, thankful pa rin ako. Thankful sa LDS. Not the long-distance situation, but the lesson definitely served.

At least now, I know better. I know na hindi lahat ng kilig online ay magta-translate in person. I know some people are only meant to be a chapter, not the whole book. Brie may no longer be in my story, but she taught me something valuable. To manage my expectations, to be ready, and to accept that sometimes you meet the right feeling in the wrong person.

At kahit ganito yung ending, masaya pa rin ako. Masaya kasi masaya. Kasi kahit sandali lang, naramdaman ko na may isang bri sa buhay ko. Kahit online lang, Naparamdam niya yung saya sa paraang hindi ko makakalimutan. Ang title ng song guys, ano ba talaga tayo? By The Wands and Janine Berdine. Shoutout nga pala kay Kuya Carl ng The Wands. Sobrang bait ni Kuya Carl guys. Every time nag-ano pa kami yan.

Nangangamusta pa si Kuya Carl. Shoutout sa The Ones. Sana mapanood ko na kayo ng live nung minsan nag-ano sila eh. I think kumanta sila sa QC. Nagkaroon sila ng ano. I don't know about something sa album nila. Bait nila guys. The ones. Stream the ones guys. Lalo na yan sila Kuya Carl. Hope to meet them in person. Puro online pa lang din kami nagkaka-uusap nila. Anyway. Grabing LDS yun. Hindi pala long-distance situationship lesson definitely served. Palo. Palong palo.

Thank you sa mga nagpa-follow sa atin and welcome sa live stream natin and welcome sa episode natin na ito, part 2 ng Long Distance Situationship. And now, I'm gonna ask you guys. Ready na ba kayo sa last story natin ngayon gabi? Ngayong episode na to, last story ng long distance. Situationship. Anyway, I'm Will and this is Will Talks. Welcome sa live stream natin. Welcome sa live stream at sa episode ni King of Relapse. Self-proclaimed, by the way. Welcome Bo!

And if you like this type of content, make sure you hit the follow button, the subscribe button, or kung anumang button nang pwede yung i-hit dyan para makasubaybay kayo sa mga content natin. And we're kind of exploring on other contents too. Thank you, thank you. Anyway, this is our last story. Last story na natin guys. Sana nag-enjoy kayo. Sana nag-enjoy yung lahat. Hindi ko pa rin nababasa to. So, mga PA ko pa lang ang nakabasa na to. Hindi ko alam kung ano ko kalalabasan ng kwento na to.

Hindi ko alam talaga kung ano kalalabasan ng... ng kwento na to. Damn! May nabasa akong word. Oh my God! At pala hindi ko muna tinignan. Ano kayang bagay ng music dito? Ito kayo. The Ones? Bagay ba ito? Sa PA ko, kayo may alam ng story e, bagay ba tong ako na lang ng The Ones? Bagay no? Bagay ba to? Hindi ko kasi ganung binasa yung story may nakita lang ako ng word e. So, this is our last story. Long distance situationship.

Kwento ng Lalaking May Asawa

So this person said, I met him by chance, or maybe fate, in the unlikeliest way. It was last year, on my way home from Hong Kong. I'd been too busy to check my dating app until the airport, but there it was, his message. I replied, not knowing it would be the start of something that would alter me in ways I couldn't name. He met me at my lowest. I was shattered, surviving only on faith.

Falling for someone wasn't in the plan, not that soon, but it happened. We built a rhythm across the distance. Good morning, texts. conversations I never thought I could have with anyone, and the kind of comfort I'd only read about. By November, he asked me to meet in person. I said I couldn't. But he insisted. So I flew back to Hong Kong. Meeting him was magic. I had always been the provider, the one carrying the weight. But with him...

I was allowed to be soft. He showed me what it felt like to be cared for. To not settle for less. He didn't baby me. He challenged me. And in the process, He taught me to stand again. But love? Love came with truth. He was married. A fact I learned too late. When my heart was already his. I tried to walk away more times than I can count. But somehow, we kept finding our way back to each other. But I always knew to end things.

I had to. Because even when I was in love with him, down to the marrow of my bones, every cell in my body refused to accept that I was with the man who was married. So, a month ago? I flew to Hong Kong. He didn't know it was to end things. Two days. That's all we had. Days filled with laughter and quiet moments. Nights where he went home to someone else.

And on the last day, we lay in bed for hours, talking about things I will never speak of with anyone again. Ending, it shattered me. But to the man I know I can never have, Thank you for the love, for the lessons, for the pain, and for the pieces of myself I found again in the middle of losing you. Pasok, Rob Daniel! Pasok, paring Rob!

Huling Payo: Kapayapaan ng Isip

Kasal ka na pala. Kasal ka na pala. Akala ko all this time... Seryoso tayo sa isa't isa. Pero kasal ka na pala. Paano naman yan ano? Paano naman yung sa tuwing magkasama tayo, meron ka palang inuuwian na iba? At malaman-laman ko na ako, hindi naman ako yung pangtahanan. Hindi naman ako yung uuwian. Ako lang yung pinupuntahan siguro, ako lang yung panglibangan siguro. Nakakasama nga sa kama pero saglit lang naman.

Hindi ka tabing matutulog. Hindi ka samang gigising kinabukasan. At panigurado, lagi pang may nililingon pabalik. At kahit kailan hindi naman uuwian. Para sa mga kwento natin. Para sa lahat ng kwento na nasa malayo. Para sa may mga minamahal na malayo. Para sa mga taong may minamahal na malayo. May mga kinakausap.

Ngunit malayo sa isa't isa at para sa mga taong naguguluhan kung ano ba talaga sila nung kausap nila, sa napakaraming moments na na-share nila together, sa napakaraming araw na pinagdaanan. Sa napakaraming piraso ng sarili nila na pinakilala nila doon sa taon na yun na kahit kailanman hindi nila pinakalala sa kahit sino man. I hope you find peace. I hope you find the happiness. Iba kasi kapag ano eh. Iba yung masaya lang at sa mayroong peace of mind.

Sana ang ma-achieve nyo yung masaya na merong peace of mind. Lagi nyo tatandaan, hindi nyo deserve yung love na masaya lang kayo. deserve nyo yung love na pinipili kayo at sigurado kayo na may pinangahawakan kayo kasi at the end of the day, ano lang kung masaya kayong dalawa. Ano lang kung love ka nga niya. Pero hindi mo naman alam kung ano ba talaga kayong dalawa. I hope to see you on the next episode.

This transcript was generated by Metacast using AI and may contain inaccuracies. Learn more about transcripts.
For the best experience, listen in Metacast app for iOS or Android