Cancel Culture
At dahil nagkalat na ang mga marites sa social media... Sa episode na 'to, pag-usapan naman natin ang cancel culture! Ano ba 'to? May mga na-cancel na daw sa showbiz industry? Nako, mainit-init na chika 'to mga mars! 👀

At dahil nagkalat na ang mga marites sa social media... Sa episode na 'to, pag-usapan naman natin ang cancel culture! Ano ba 'to? May mga na-cancel na daw sa showbiz industry? Nako, mainit-init na chika 'to mga mars! 👀
Tuloy-tuloy lang ang chikahan mga mare! Kasama pa rin natin ang ating special guest, Ariel Rivera, para pag-usapan ang sikreto sa kanilang long-lasting relationship ni Gelli! Dito pa rin yan sa #WalaPaKamingTitle
Mga mare! Eto na nga! Nagbabalik na ang mga tunay marites! At sa aming pagbabalik, pag-uusapan natin ang kwento ng mag-asawang Gelli at Ariel! Ariel Rivera joins us para isiwalat ang kanilang malaking sikreto 👀
Naranasan mo na bang... mapahiya? 🤭 Parang lahat naman yata?! Sa episode na ito, pag uusapan natin ang mga Most Embarrassing Moments nina Janice, Gelli, Candy at Carmina at ang kanilang ways and means kung paano makaka-recover sa hiya. 🙈 Kayo ba Mars, what's your most embarrassing moment?
Madalas natin marining yung quote na "Nasampal ka na ba ng katotohanan?" Eh paano naman kung nasampal ka ng co-actor mo hindi dahil kasama sa scene 'yun, kundi nadala siya sa emosyon at may galit talaga siya sa'yo? NAKU PO!
Mga mare! Ito na nga ang CHISMIS! Kung nasanay ang mga tao na sila ang pinag-uusapan ng mga MARITES, pwes ang mga MARITES naman ang pag-uusapan natin! Ano nga ba ang pinagkaiba ng mga MARITES noon, sa MARITES ngayon? At ano nga ba ang mga coping mechanism natin para sa kanila? Tara maki-MARITES ka narin!
Maiba naman tayo for this episode dahil kasama natin ngayon ang isa sa mga anak ni Janice! In-invite namin si Kaila Estrada para sagutin ang favorite na tanong ng mga mommies like us, ang "Nak, paano ba 'to???" Kung gulong-gulo ka rin sa Tiktok, Instagram Reels, online shopping, at sa kung anu-ano pang naglalabasan na apps diyan naku, mare, para sa 'yo ang 10th episode namin! Siguro naman marunong ka na magpatugtog ng podcast? 😂 Happy listening, mars! Just press that play button 😘...
Ang podcast na puro chikahan at marehan kasama sila Candy Pangilinan, Carmina Villarroel, Gelli de Belen, at Janice de Belen! Abangan ang bagong episodes every Wednesday! Join our Official Facebook Group: fb.com/groups/337386901653006 Follow us on on our social media accounts: IG: instagram.com/walapakamingtitle FB: fb.com/walapakamingtitle TIKTOK: tiktok.com/@walapakamingtitle This podcast is a member of the Oomph Podcast Network. #WalaPaKamingTitle #OomphPodcastNetwork...
Your favorite kumares are back! And, yes, wala pa rin kaming title 🙈 Pero gaano nga ba ka-importante ang title? ang name? Totoo ba na malalaman mo na agad ang ugali ng isang tao sa pangalan pa lang? Kapag ba pinangalan ka sa santo 'e automatic na mabait ka na? Ano ba ang kwento sa likod ng mga pangalan namin at ng mga anak namin? Sasagutin namin ang lahat ng 'yan pati na rin ang tanong ng bayan: magkakaroon pa kaya kami ng title? 🤣🤣🤣
Surprise, mga mars! Dahil masyadong napasarap ang kwentuhan natin with Nadine Lustre, hindi na kami nagpaawat at may pa-part 2 pa 'yan! This time, usapang trust at friendship naman ang naging topic namin! Paano mo nga ba malalaman kung ang isang tao ay trustworthy, especially in the showbiz industry? Naku, andaming na-share sa amin ni Nadine, ha! At sa haba ng chikahan namin, pati ang next steps sa career ni Nadine, naplano na namin 🤣🤣 Yung totoo, pala desisyon 'yan?
Mga maaars! May kasama tayong special guest for this episode! Si President NADINE LUSTRE lang naman ang makikichika sa atin! 👑 At dahil usap-usapan ang comeback movie niya na Greed , natanong namin si Nadine: kung ikaw ang papalarin, anong gagawin mo kapag nanalo ka ng 100 Million sa lotto? Naku mga kumare, naging gastos galore ang kwentuhan namin 🤣🤣 Libre lang naman mangarap, diba? 💸
Mga kumare, isang nagbabagang episode ang hatid namin sa inyo today! Usapang querida, kabit, number 2, mistress! May nakarelate kaya sa aming apat? 👀🤫 I-press mo na ang play para sa mainit na tsaa! 🍵 Happy listening, mga mare!
O, 'yung mga mars nating may trust issues diyan, this is the episode for you! Tingin niyo ba mas tumatatag ang relationship kapag alam niyong dalawa ang bawat password sa lahat ng accounts ng isa't-isa? Naniniwala ba kayo na kapag ayaw i-share sa 'yo ng asawa mo 'yung password niya, sign na 'yun na may kabit siya? 😟 Maraming say ang mga kumare natin diyan! Kaya tawagin mo na si mister at sabay na kayong makinig! Enjoy! 😘
Sa part 2 ng aming throwback episode, usapang pag-ibig naman tayo! Paano nga ba kami nagliligawan noon kumpara sa ngayon? Mas ma-effort ba talaga ang mga lalaki dati? Eto pa, mga mars, napagchismisan rin namin 'yung mga bagong label na nauuso sa mga bagets ngayon! Alam niyo ba kung ano ibig sabihin ng "exclusively dating" tsaka ng "throuple"? Jusko, mga mare, naloka kami!
Sa episode na 'to, nag-reminisce kami tungkol sa kabataan namin! Curious ba kayo kung ano nga ba 'yung mga larong kalye na uso sa amin noon? 'Yung mga paborito naming candy? Mga funny experiences namin sa party line? Tara, sabay-sabay tayong mag look back sa mga panahong tambay pa tayo sa sari-sari store at masaya na tayo sa tatlong beinte singko! Enjoy, mga mare!
On this episode, pinag-usapan namin kung paano kaya kung magka-jowa ang mga anak namin na hindi namin type? Papayag ba kami? O break up ang ending? Jusko, mga mars, lumabas ang pagka-protective mamshies namin! Parang nandilim ang mga paningin namin sa topic na 'to... 'di ba, Carmina?
Para sa aming first episode, napagkwentuhan namin kung ano ba ang mga magiging project namin kung kami ang magiging presidente. O, diba? Mula sa pag-aayos ng waste segregation at traffic, napag-usapan rin namin pati na ang education at job security. In fairness! Napa deep talk kami ng wala sa oras, mga mars!