The Linya-Linya Show - podcast cover

The Linya-Linya Show

Ali Sangalang and Linya-Linya | The Pod Networkwww.linyalinya.ph
Linya-Linya founder, Creative Director and former Presidential Speechwriter Ali Sangalang hosts this pun-filled variety podcast show on Filipino life, arts & culture. With solo segments and various guests mula sa iba’t ibang linya ng buhay– matututo ka, matutuwa, at matatawa. BOOM! Best pakinggan habang naghuhugas ng pinggan. Listen up, yo! For partnership opportunities and collaborations, please contact: [email protected]

Episodes

331 : Daddy Diaries - Kung Paano Magdrive at Magka-drive sa Buhay w/ Engr. Rene Sangalang

Yo, yo, yo, kasama na naman natin ang favorite guests niyo, mga Fellow 22s! Walang iba kundi si Engr. / Daddy Rene Sangalang, para sa isa na namang episode ng Daddy Diaries! Kung bago ka pa lang sa pagmamaneho, aba, para sa iyo ang episode na ito! Dahil dito, binigyan tayo ni daddy ng valuable tips kung paano mapapanatiling ligtas ang ating pagmamaneho. Sabay-sabay natin sabihin, THANKS DADDY RENE! Masarap pakinggan ang episode na ‘to habang nabiyahe. Listen up, yo!...

Nov 15, 202429 minSeason 2Ep. 331

330: Halo-halloweeng Kababalaghan w/ Gideon and Glenn of CREEPSILOG

Ngayong Halloween 2024, sabay sa kagat ng dilim: Ang kahindik-hindik at kakila-kilabot na kolaborasyon ng Linya-Linya at Creepsilog! At nakasama na nga natin, ang mga may pakana sa podcast na nagpagising sa listeners hanggang madaling araw with their convos on true crime, paranormal events, at kung anu-ano pang kababalaghan mixed with light Pinoy humor– sina Gideon Mendoza at Glenn Tabajeros ng CREEPSILOG! Ang mas nakakatindig-balahibo pa: May Linya-Linya x Creepsilog limited edition collab shir...

Oct 31, 202458 minSeason 2Ep. 330

329: THE SPOOKS HOUR w/ Atty. Harry Porky (Mark Colanta)

Matagal nang pinaghahahanap, at sa wakas natagpuan na natin sya… si Atty. Harry Porky, nasa Linya-Linya Show lang pala! HAHAHAHEHEHE! Sa isang pagdinig, binuwisita nga tayo ni Mark Colanta— ang makulit na komedyante sa likod ng impersonation na ito. Ano nga ba ang kwento sa likod ng paggaya nyang ito? Ano ang halaga ng impersonation at humor sa seryosong social issues? Paano nga ba tumawa katulad ni Atty. Harry? Matatawa ka na maiinis na matututo sa one-of-a-kind episode na ito. At disclaimer la...

Oct 25, 202449 min

328: Oversharing?!? w/ Over October

Hello, Fellow 22's and Octobears! Sa episode na 'to, kasama natin ang isa sa mga pinakamatunog na banda sa OPM scene ngayon-- walang iba kundi ang Over October! Over sa kuwentuhan at kulitan ang episode, na nagpaikot-ikot na rin sa iba't ibang topics. Nalaman natin ang origins ng banda, at ang overarching journey nila sa loob ng sampung taon! Narinig natin ang experience nila sa nagdaang solo concert, ang creative process, at ang palagay nila sa OPM ngayon. Sound ON, at listen up yo!...

Oct 18, 20241 hr 2 minSeason 2Ep. 328

327: Umuwi ka na, Baby w/ Orange & Lemons

Labis bang naiinip? E di makinig ka na sa episode na ito ng The Linya-Linya Show, dahil kasama natin ang iconic rock band, Orange and Lemons! Ang kukulit ng mga ito, oo! Pero bukod sa kulitan, marami tayong natutuhan sa behind-the-scenes at behind-the-songs ng Orange and Lemons. Naranasan niyo na bang magpasa ng resume para maging keyboardist? Nabasa niyo na ba ang 11 Minutes ni Paulo Coelho? Bakit namin ito tinatanong? Malalaman mo sa episode na ito. Kabilang din ito sa selebrasyon ng ika-25 ta...

Oct 11, 20241 hr 9 min

326: Bara-Bara - Comedy at Adaptability sa Battle Rap w/ CRIPLI

Yo, check! Ipinakikilala ang collaboration series ng The Linya-Linya Show at FlipTop Battle League-- ang BARA-BARA! Dito, makakasama natin ang ilang hinahangaang Filipino battle emcees at local rap artists. Bara-Bara-- dahil anything goes ang kwentuhan tungkol sa buhay sa loob at labas ng hip hop scene. Bara-bara rin, dahil maaaring lumalim ang usap tungkol sa kanilang creative journey at creative process; hanggang sa kanilang mga pinanggagalingan at tinatanaw sa hinaharap. At para sa unang Bara...

Oct 05, 20241 hr 44 minSeason 2Ep. 326

325: Turo-Turo - Natututo Habang Nagtuturo w/ Sabs Ongkiko & Jaton Zulueta

Ngayong Setyembre, Teacher's Month, tamang-tama ang pag-launch ng ating panibagong special sub-show sa The Linya-Linya Show-- ang Turo-Turo. At walang ibang mas aangkop pang makasama natin para makipagkwentuhan at makapag-share ng insights tungkol sa edukasyon, at kanilang mga kuro-kuro sa iba pang mga isyu-- gamit ang matalas na pag-iisip, at malalim na pagmamahal-- kundi ang parehong award-winning educators: si Sabs Ongkiko, isang magiting na public school teacher, at si Jaton Zulueta, founder...

Sep 28, 20241 hr 16 minSeason 2Ep. 325

324: Grand Daddy Diaries w/ Engr. Rene Sangalang

Yo, yo, yo! Or should we say, ‘lo, ‘lo, ‘lo! Dahil eto na naman ang isang episode ng Daddy Diaries para i-celebrate ang Grandparents Day! Biglaang topic at set-up ng pod lang, sakto namang kakakita lang ni Daddy Rene sa social media na Grandparents Day pala! Kaya sa episode na ito, tinalakay natin ang naging experience niya sa pagiging lolo, at nagbahagi siya ng malulupit na karunungang napulot niya sa pagtanda. BOOM! Full of wisdom ang episode na ito, kaya stream now!...

Sep 20, 202434 min

323: Mga Bára at Pambará w/ DELLO

The Linya-Linya Show, mag-ingay, o! Sa harap ko, isang rap artist, battle emcee, at songwriter; nakilala bilang “Rebuttal King” dahil sa malulupit nyang balik at mga banat sa FlipTop Battle League– representing, Skwaterhauz and Mongol Unit, mula pa Tondo, Manila, at ngayon, nasa California na sa US– si DELLO! BOOM! Laking Bambang, Tondo-- isa sa pinakamakulay na lugar sa Pilipinas-- kaya naman hitik din sa karanasan at kuwento ang mga bára at pambará ni Dello. Sa episode na ‘to, kinuwento niya s...

Sep 13, 20241 hr 44 minSeason 1Ep. 323

322: Wikang Filipino: Very Demure, Very Mindful, Very Cutesy

Nitong Aug. 30, naimbitahan si Ali bilang tagapagsalita sa Miriam College Middle School. Para ito sa closing program ng kanilang Buwan ng Wika, kung saan ang tema ay: “Filipino: Wikang Mapagpalaya.” Nag-share siya ng kanyang sariling kwentong MC, ng kanyang karanasan sa skwela at trabaho, at syempre, ng memes. 💛💙 Sa panibagong “Basa Trip” episode na ito, nirecord ni Ali ang binasa nyang speech sa harap ng humigit-kumulang 1,800 na mag-aaral ng Grades 7-10. Sabi nga ni Ali, nakakatuwa ‘yung ene...

Sep 07, 202438 minSeason 2Ep. 322

321: Whose Linya-Linya Is It Anymore? w/ SPIT Manila

Walang script-script ang malulupit at makukulit na linyahan ng SPIT-- ang pioneer at popular improv group sa Pinas ngayon! Samahan natin ang SPIT (Silly People's Improv Theater) members na sina Aryn Cristobal, Ariel Diccion, Kara Flores, Karl Echaluse, at Pappu de Leon sa episode na 'to! Dito, tinalakay natin ang sining ng improvised theater, at mga karanasan nila sa pagtatanghal sa iba’t ibang audiences sa Pilipinas. Ang saya ring malaman kung ano-ano ang kanilang backgrounds-- kung paano ito n...

Aug 30, 20241 hr 17 minSeason 2Ep. 321

320: Napasubo sa Comedy w/ Chino Liao

Yow, yow, yow! Ihanda na ang kutsara at tinidor dahil ready na ang mainit-init na at malamang kuwentuhan natin ngayon! Kasama ang writer, producer, at standup comedian from Comedy Manila na si Chino Liao! Sa episode na ‘to, usapang food at comedy tayo. Nagsimula sa kwentuhang hotdog sa sopas at hanggang nilantakan na ang life stories ni Chino sa pagiging isang komedyante. Malalaman natin ang maraming pit stops na dinaanan niya bago mapunta sa scene ng stand-up comedy. Mabubusog ka sa tawanan at ...

Aug 23, 202449 minSeason 2Ep. 320

319: Ang Walang Kwentang The Linya-Linya Show Podcast w/ Direk Tonet Jadaone & Direk JP Habac

Matagal na naming gustong mangyari ‘to, ngayon andito na! Isa sa malupit na podcast collabs of the year, The Linya-Linya Show kasama ang Ang Walang Kwentang Podcast! Sinamahan tayo ni direk Antoinette Jadaone at JP Habac para mag-emehan! Napag-usapan natin ang pagtawid nila mula filmmaking sa podcasting, ang kaibahan ng audio at video podcasts, at sinagot natin ang isang malupit na tanong: Ano bang kwenta ng Ang Walang Kwentang Podcast?! Warm-up episode pa lang ito ng mas malupit na kolaborasyon...

Aug 16, 202424 minSeason 2Ep. 319

317: Kuwentuhang Spoken Word at Korea w/ Carlo Bonn Hornilla

Yo, yo, yo, makinig kayo! Dahil kasama natin sa episode na ito sa para sa buwan ng wika, isang makata mula Batangas–lumipad sa Pilipinas patungong Korea–ang spoken word poet na si Carlo Bonn Hornilla! Nakilala natin si Carlo sa mga viral spoken word videos niyang nagpakilig, nagpatawa, at nagmulat ng mga mata dahil sa matalas na social commentary na dala-dala. Kaya sa episode na ito, inalam natin ang kaniyang mga influences at creative process. Nagbalik-tanaw tayo sa experience niya nang magtang...

Aug 09, 202459 minSeason 2Ep. 317

316: Uprising Cinematic Universe at mga Kwentong Kababalaghan ni Zaito w/ Anygma & KJah

Tuloy-tuloy ang kuwentuhan nina Ali at Anygma sa Big Fuzz, dito sa Amorsolo St., Makati, at sumali ang isa pang malupit na emcee, mula Uprising, at tubong Camarin, si KJah! Alam niyo bang naging housemates sina Anygma, KJah, at Zaito noong 2013? Subukin mo pa lang i-imagine, kagulo na! Sa episode na ito, masisilip natin ang simulain ng Uprising Records, mga kalokohan nina Anygma, KJah, at Zaito noong magkakasama pa sila sa isang apartment sa Pasig-- tungkol sa giniling na panis, iba't ibang mahi...

Aug 02, 202445 minSeason 2Ep. 316

315: Battle Rap at ang Impact ng Local Hip Hop w/ ANYGMA (Part 2)

Yo check! Welcome sa isa na namang malamang episode ng The Linya-Linya Show, kasama natin, mula pa Mandaluyong City, representing Fliptop Battle League at Uprising Records para sa inyo– si Anygma, Alaric Yuson! BOOM! Ang mga natalakay namin sa pagtambay sa Big Fuzz Bar sa Amorsolo St., Makati— Nalalaos na nga ba ang FlipTop? Umaangat pa ba ang HipHop? At saan nga ba nagmumula at napupunta ang mahuhusay na emcees sa bansa? Isa-isa ‘yang sinagot ni Anygma, at sinubok naming himayin. Kaya Hip Hop h...

Jul 26, 202451 minSeason 2Ep. 315

314: Battle Rap at ang Impact ng Local Hip Hop w/ ANYGMA (Part 1)

Yo check! Welcome sa isa na namang malamang episode ng The Linya-Linya Show, kasama natin, mula pa Mandaluyong City, representing Fliptop Battle League at Uprising Records para sa inyo– si Anygma, Alaric Yuson! BOOM! Ang mga natalakay namin sa pagtambay sa Big Fuzz Bar sa Amorsolo St., Makati— Nalalaos na nga ba ang FlipTop? Umaangat pa ba ang HipHop? At saan nga ba nagmumula at napupunta ang mahuhusay na emcees sa bansa? Isa-isa ‘yang sinagot ni Anygma, at sinubok naming himayin. Kaya Hip Hop h...

Jul 19, 202447 minSeason 2Ep. 314

313: AHA Learning Moments w/ Jaton Zulueta

Kumusta, Fellow-22's at mga Ka-Linya? Sa episode na 'to, nagbabalik si Jaton Zulueta ng AHA Learning Center, ang isa sa partner organizations ng Linya-Linya, na focused sa paghubog ng early education at pag-empower ng mga bata sa underprivileged areas tulad ng Smokey Mountain at Tondo. Sa episode na ito, malaliman nating napag-usapan at napag-isipan ang mga rason kung bakit nga ba pinipiling tumulong ng organisasyong tulad ng AHA Learning Center, at kung bakit mahalagang malaman natin ang limita...

Jul 12, 20241 hr 16 minSeason 2Ep. 313

312: Beer, Music, at Pag-ibig with Kelvin Yu of The Itchyworms

Yo, yo, yo, mga Fellow 22s! Ready na ba ang mga baso o bote niyo? Tara na at mag-inuman, mapakape, beer, o tubig man ‘yan, maki-join ka sa latest kuwentuhan natin ngayon! Kasama si Kelvin Yu ng bandang The Itchyworms! Naging matunog sa 2000s OPM scene ang bandang The Itchyworms, at hanggang ngayon umaalingawngaw sa radyo, streaming, at mga videoke ng kapitbahay ang kanilang mga kanta. Kaya sa episode na ito, alamin natin ang kuwento sa likod ng pagkakabuo ng The Itchyworms, at ang kuwento ng ila...

Jul 05, 20241 hr

311: Loving Yourself, Living with HIV w/ Adrian Lindayag

Kasama sa pagiging positibo ang hindi pagtalikod o pag-iwas sa mga mahihirap na sitwasyon ng buhay. Ang pagtanggap sa sarili ay nangangailangan ng katapangan at katapatan. Gaya na lang ng pinamalas ng ating guest sa episode na ito, ang aktor na si Adrian Lindayag, na kamakailan lang ay ipinaalam sa public ang kaniyang status bilang isang person living with HIV, nang gumanap siya musical na RENT bilang si “Angel,” isang tauhan na mayroon ding HIV. Maging open-minded at maging positive sa knowledg...

Jun 28, 20241 hr 4 minSeason 2Ep. 311

310: Gagawing Mas Pantay at Makulay ang Mundo w/ Thysz Estrada

Be kind, form ties. Makinig tayo… kay Thysz! Yo, yo, yo, listen-up sa all-inclusive at all-insightful kuwentuhan kasama ang freelance writer, LGBTQIA+ advocate, at current chairperson ng PANTAY, na si Thysz Estrada! Dito, tinalakay namin ang kahalagahan ng pagkakapantay-pantay, sa porma ng equality, equity, at kindness. Ang need sa pagpapasa ng SOGIE Bill, at iba pang usapin under the sun, after the rain, forming all colors of the rainbow. BOOM! Pandinig at atensyon ay ialay… maging kasangga, ma...

Jun 21, 20241 hr 35 minSeason 2Ep. 311

309: Daddy Diaries - Mastering the Art of Lifelong Learning

Happy Father’s Day sa lahat ng tatay natin sa buhay, Fellow-22s! Para ipagdiwang espesyal na araw na ito, kasama natin ulit, walang iba kundi ang best dad na si Engr. Rene Sangalang! At alam niyo bang halos kasabay ng Father’s Day ay ang 100th Anniversary ng MAPUA, kung saan rin graduate si daddy? Kaya naman ngayon, tatalakayin natin ang colleges experiences ni Daddy Rene sa university, pati na ang advocacy nya for further studies! Lahat ito, nakatulong, hindi lang sa kanyang career, pero pati n...

Jun 14, 202454 minSeason 2Ep. 309

308: Bagyo at Brownout w/ Charles Tuvilla

Bagyo, yo, yo! Tag-ulan na naman. Nakahanda na ba kayo, mga fellow 22s? Sa episode na ito kasama natin, isa sa ating longtime friend at kausap, walang iba kundi si Charles Tuvilla! Mula pa sa Dallas, Texas. BOOM! Ngayon, napag-usapan namin ni Charles ang karanasan nating mga Pinoy sa bagyo, at sa kapatid nito, ang brownout! Sari-saring kuwento sa Pilipinas at sa Texas ang naibahagi ni Charles at Ali, mula sa mga bagyo sa Novaliches at Ilocos, hanggang sa mga ipu-ipo at kidlat sa Dallas. Naging p...

Jun 09, 202448 minSeason 2Ep. 308

307: Nananatili w/ Bullet Dumas

Umupo kami ng musikero at makatang si Bullet Dumas, nag-usap, nag-isip, at pinadaloy lang ang usapan. Napunta kami sa proseso ng paglikha, sa pagpapahalaga sa hindi pa ganap, sa tsamba, sa raw, sa draft, sa mga bagay na nananatili at lumilipas. Naglalakad-lakad kami sa makulit at malupit nyang utak. Tulad ng mga awitin ni Bullet, malaman, masaya, at masarap pakinggan ang kwentuhang ito. Listen up, yo!

Jun 01, 20241 hr 24 minSeason 2Ep. 307

306: Touchdown, Ali & Reich - The Engagement & The Proposal

Mabuhay ang bagong ikakasal! Eto ang pasabog na balita namin sa inyo, Fellow-22s– nag-touchdown na ang relasyon nina Ali at Reich, at nag-landing na sa engagement stage! Talagang kikiligin ka, matutuwa at matututo sa kuwento ng proposal ng dalawa, at sa insights kung paano nga ba nila na-realize na sila na ang para sa isa’t isa. BOOM! Humanda na para sa emotionally mature na kuwentuhang ito. Yo, yo, yo, listen up, take down notes & spread the love, yo!

May 25, 20241 hr 3 minSeason 2Ep. 306

305: Solo Flight & Stage Fright w/ Ali Sangalang

Yo, yo, yo! Heto ngayon si Ali, nagsosolo! ‘Wag sana kayong mabibigla, Fellow-22s, kung wala tayong guest for today’s pod. Consider this a one-on-one session with your host, Ali Sangalang! Trying something new, nakakatakot, nakakakaba. Kasama na diyan ang pagsasalita nang mag-isa. Pero siyempre, nakakapagod din ang laging may kausap, lalo, iba’t iba ang kaharap na may iba’t ibang puso at utak. Kaya naman ang episode na ito, ituring nating isang form ng pahinga at paghinga. Pakinggan ang malapita...

May 19, 202430 minSeason 2Ep. 305

304: Mommy Diaries - Lutong Nanay Is Life

Ngayong Mother's Day, muli kong nakasama sa show para sa isang special episode si Mommy Olive Sangalang. BOOM! Habang abala sa pagluluto, hinatak ko muna sya para magrecord ng episode. Pinagkwentuhan namin ang kanyang culinary journey-- mula sa pagiging self-taught sa kusina, sa mga diskarte nya para mapagkasya ang hain sa lamesa, hanggang sa patuloy nyang paghahanda ng baon sa amin kahit matatanda na. Love language talaga ni Mommy ang paghahain ng masarap na pagkain, kaya tamang pasasalamat at ...

May 12, 202436 minSeason 2Ep. 304

303: I Am Morena w/ Ayn Bernos

Anuman ang kulay ng balat, welcome sa usapang ito. Swerte tayo, dahil bumista sa Linya-Linya HQ at Linya-Linya Studio ang content creator, children’s book author, multimedia host, youth empowerment advocate, beauty queen, at superwoman– si Ms. Ayn Bernos. BOOM! Samahan niyo kami sa isang masaya at meaningful na kwentuhang kayumanggi: ang pagtingin ng mga FIlipino sa pagkakaroon ng morenang balat, ang obsession ng iilan sa pagpapaputi, at kung paano nga ba natin mas mamahalin ang sarili nating ku...

May 07, 20241 hr 18 min

302: Ituloy ang kuwento w/ Patricia Evangelista

Sa ikalawang pagkakataon, mapalad tayong makasama sa The Linya-Linya Show ang premyado at matapang na mamamahayag, ang author ng best-selling, eye-opening book na "Some People Need Killing: A Memoir of Murder In My Country," si Patricia Evangelista. Ang kaibahan, harap-harapan na natin syang nakausap. Ang kwentuhan: Tungkol sa pagkukuwento. Bago mamayagpag, paano nga ba nagsimula ang kuwento ni Pat sa larangan ng pamamahayag? Para sa kanya, what makes a good story? Paano nya natitipa kung kakuwe...

Apr 11, 20241 hr 23 min

301: Daddy Diaries - As Long Aso Love Me w/ Engr. Rene Sangalang

Aw, aw, aw! I mean-- yo, yo, yo! Welcome sa isa na namang edition ng Daddy Diaries sa The Linya-Linya Show! Siyempre kasama natin si Daddy Rene C. Sangalang, at sa hindi inaasahang pagkakataon, napadpad ang kwentuhan sa mga minamahal nating alaga. This episode is dedicated to all the pet lovers out there! Dito, inalala ni Ali at Daddy Rene si Nacho, Chancho, Sarah, Ginger, at iba pang doggos na nagdaan sa kanilang bahay at buhay. Dahil hindi lang sila basta alaga kundi part ng pamilya! Touching ...

Apr 06, 202436 minSeason 2Ep. 301
For the best experience, listen in Metacast app for iOS or Android
Open in Metacast