The Linya-Linya Show - podcast cover

The Linya-Linya Show

Ali Sangalang and Linya-Linya | The Pod Networkwww.linyalinya.ph
Linya-Linya founder, Creative Director and former Presidential Speechwriter Ali Sangalang hosts this pun-filled variety podcast show on Filipino life, arts & culture. With solo segments and various guests mula sa iba’t ibang linya ng buhay– matututo ka, matutuwa, at matatawa. BOOM! Best pakinggan habang naghuhugas ng pinggan. Listen up, yo! For partnership opportunities and collaborations, please contact: [email protected]
Download Metacast podcast app
Podcasts are better in Metacast mobile app
Don't just listen to podcasts. Learn from them with transcripts, summaries, and chapters for every episode. Skim, search, and bookmark insights. Learn more

Episodes

270: HARDCORE HIPHOP & REAL TALK w/ ANYGMA (Part 1) [VIDEO]

Yo! Sa tapat ko, mula pa Mandaluyong City para sa inyo, isang emcee, ang founder ng world’s most-viewed rap battle league na FlipTop, at co-founder ng independent record label na UPRISING– mag-ingay para kay ANYGMA! Dalawang oras na no-holds-barred kwentuhan– mula sa pang-araw-araw na buhay at ebolusyon ng eksena sa local hiphop, sa karanansan bilang itinuturing na ama ng FlipTop at UPRISING, hanggang sa pagiging bagong tatay sa bahay. Umupo, makinig, at samahan niyo kaming mag-real talk at deep...

Oct 29, 20231 hrSeason 2Ep. 270

269: Scary Relationship Stories w/ Krishna Amar & Drew Beso

Panahon na naman ng katatakutan, pero para sa ating mga Fellow-22s, parang hindi multo ang nakakatakot? Bukod sa mga utility bills na due date na, ano pa nga ba? Kasama natin ang mga OG Fellow-22s, at close friends natin, na sila Krishna Amar at Drew Beso para sa isang effisode na puno ng kwentong katatakutan tungkol sa dating and relationships! BOOOOM! 'Wag palagpasin ang #GetsTogether ng tatlong magkakaibigan dahil #GetsKaNamin! Listen up 'yo na!

Oct 24, 202340 minEp. 270

268: Creative Entrepreneurship w/ Ceej Tantengco - Malolos

Paano nga magmi-meet halfway ang pagiging creative at pagiging business-minded? Saan ba nagkakatugma ang kulit at pagiging seryoso? At ano nga ba ang Creative Entrepreneurship? Pinag-usapan lahat nang ‘yan sa ating latest effisode kasama ang award-winning writer, podcaster, and now the head of Partnerships and Business Development ng PumaPodcast – Ceej Tantengco-Malolos! BOOOOOM! Listen up ‘yo!

Oct 18, 202351 minEp. 268

267: DADDY DIARIES: Managing Pressure w/ Engr. Rene Sangalang

Stressed? Sobrang pressured na sa buhay? Normal lahat ng nararamdaman natin about pressure, ang kailangan natin ay kung paano ba ito i-manage. Umuwi ulit ang ating podcast superstar sa bahay nila at muling nagkaroon ng kwentuhan sa kanyang daddy at daddy na rin ng lahat ng Fellow-22s - Engr. Rene Sangalang! BOOOOM! Isang buong effisode na naman ng masterclass about managing pressure and stress mula sa ating sensei. Listen up ‘yo na!

Oct 13, 202331 minEp. 267

266: HIKE, NAKO! 5 types of hikers sa gabundok na stress w/ Reich Carlos

Sa harap ng dambuhalang tasks at gabundok na trabaho araw-araw, mapapasigaw na lang talaga tayo ng… HIKE, NAKO! Sa special effisode na ‘to, samahan niyong maglakbay ang partners-in-climb na sina Ali at Reich sa pagtukoy nila sa iba’t ibang klase ng hikers, sa pag-akyat at paglampas nila sa iba’t ibang bundok ng challenges sa everyday work and life. Mula sa literal na weekend climbers, pinakilala rin nila ang iba pang hikers na binubuno at nilalabanan ang bundok-bundok na trabaho at halimaw na tr...

Oct 06, 202355 minEp. 266

265: Tunay lamang ang mananatili w/ KJah

Muling nagbabalik sa #TheLinyaLinyaShow-- ang isa sa pinakamalupit na lyrcist at isa sa pinakamatinik na makata sa mundo ng Pinoy rap-- si KJAH! Mula Camarin, tawid ng Novaliches-- nagkwentuhan kami ni KJah tungkol sa kanyang simulain sa mundo ng musika, sa pagbalanse ng kanyang career sa rap at sa kanyang day job, sa pananaw tungkol sa "hustle culture" at sa halaga ng edukasyon, at kung saan siya patuloy na dinadala ng kanyang dedikasyon. Tungkol sa iba pang bagay na tunay, na sabi nga nya ay "...

Oct 01, 202357 minSeason 2Ep. 265

264: SMALL, SLOW, & STEADY: On queer empowerment and dreams w/ Mela Habijan [VIDEO]

Masaya at makabuluhan ang usapan tungkol sa queer visibility and representation on media, sa passion, sa pagkakapantay-pantay, sa pagtanggap, at sa pagmamahal-- kasama ang writer, host, actress, content creator, ang Miss Trans Global 2020 at matalik na kaibigan– Miss Mela Habijan! BOOOOOM! Isang paalala sa mga bagay na kahit tingin natin ay maliit, mabagal, at hindi pa ganap, pero ipinaglalaban natin dahil mahalaga; sa queer empowerment at sa patuloy na pangangarap. Listen up ‘yo! #TheLinyaLinya...

Sep 23, 202345 minSeason 2Ep. 264

263: The Power of Collaboration w/ Syke

Listen up ‘yo! It’s the Linya-Linya Show! BOOOOOM! Sa lahat ng fellow-22s, isa sa pinaka-pamilyar na linya ang intro sa rap song na lagi nating napapakinggan. Ngayon, sa ating pinakabagong effisode, kasama natin ang isa sa pinakamtinding rapper, makata, at spoken word artist ng bansa, at ang boses sa likod ng pamilyar na intro ng rap ng #TheLinyaLinyaShow– si SYKE! Tutuklasin natin kung paano nagsasama ang mga tao sa likod ng collaborations para makabuo ng makubuluhang mga obra. Makinig sa mga k...

Sep 18, 202352 minEp. 263

262: Paano ba maging mabuting tao sa isang malupit na mundo? w/ Bianca Gonzalez-Intal

Marami akong naiisip na mahihirap na tanong tungkol sa buhay. Isa na rito ang: Paano ba maging mabuti, o mananatiling maging mabuti, sa mundong tila tinutulak tayong maging malupit at masama, para lang maka-survive o mag-succeed in life? Sama-sama nating itanong: PAANO BA ‘TO?! Buti na lang, ang kasama natin today, award-winning television host, model, podcaster, mother, Filipina– si Super Bianca Gonzalez-Intal. BOOM! Sulit ang bawat sandali– muni-muni at kwentuhan tungkol sa integrity, sa philo...

Sep 09, 202354 min

261: How to have self-control over budols w/ Salve Duplito

Da save? O Dasurv? I-add-to-heart na ang bagong effisode natin, kasama ang TV and News personality, registered financial planner, journalist, development worker, good governance activist, education & reading advocate, content creator, superwoman at superfriend, SALVE DUPLITO! BOOM! Dalawang taon na ang lumipas mula noong unang guesting ng financial guru na si Salve sa #TheLinyaLinyaShow at ngayon, nagbabalik siya para tulungan tayo i-discern ang mga budol finds at sa mga deserve nating bagay...

Aug 31, 202356 minEp. 261

260: Music and Guitar Picks w/ Chino Singson & Carljoe Javier

Music lover? Yes? Sakto! Pinag-usapan, pinagkwentuhan, at muntik nang maging Music 101 ang ating bagong effisode kasama ang lead guitarist ng The Itchyworms na si Chino Singson (all the way from Canada!) at ang semi-regular guest at CEO ng PumaPodcast na si CarlJoe Javier! Iba’t ibang kwento ng musika– mula music influences, joy ng pagtugtog, hanggang sa effect ng technology sa music! Makinig at sumama sa sobrang sulit na kwentuhan about anything at everything muuuusiiic, kasama ang hosts ng Chi...

Aug 24, 20231 hr 37 minEp. 260

259: Ganito kasi ang Gen-Z w/ Jacob & Lance of Ganito Kasi ‘Yan Podcast

Paninindigan natin ang pagiging Fellow-22 sa bago nating effisode! As a fellow-Gen Z and young millennial, kasama natin ang isa sa Mr. Q and A Grand Finalist, isang striving scholar from Rizal, hosts ng Ganito Kasi ‘Yan podcast-- sina Jacob Maquiling and Lance Arevada! BOOOOOOOM! Tungkol sa cancel culture, sa workplace, at sa iba pang kulturang ginagalawan ng young adults ngayon sa perspektibo ng Gen Z! Kilalanin, unawain, at yakapin ang generation na nagshe-shape ng society natin ngayon! Listen...

Aug 11, 20231 hr 10 minEp. 259

258: Reigning in Manila w/ Pio and Raymond of Lola Amour

Maulan pa rin at hindi pa tumitigil hanggang ngayon! Kaya naman, sa panibagong effisode natin, kasama natin ang dalawang members ng Filipino band that dabbles in the genres of modern rock, funk, and pop, at ang “dahilan” ng pag-ulan sa mga nakaraang araw - Pio and Raymond ng Lola Amour! BOOOOOOOM! Alamin ang ibang side nila Pio and Raymond bukod sa pagbabanda at alamin ang kwento sa likod ng viral hit nila na “Raining in Manila”! Sakto sa maulan na umaga, hapon, o gabi, kaya listen up ‘yo na!...

Aug 03, 202350 minEp. 258

257: GABI NA NAMAN w/ Ian, Milley, and Pau of GNN Productions

Maraming pangarap talaga ang nabubuo sa likod ng FX at Jolibee. Isa na doon ang pangarap nina Ian, Milley, at Pau– ang tatlong magigiting na nilalang sa likod ng Gabi Na Naman Productions! Kwentuhan tungkol sa pagsisimula at pangangarap, sa musika at pagkakaibigan, at higit sa lahat, tungkol sa pinaka-hihintay na event ngayong taon– ang #LinyaLinyaLand2023! BOOM! Makinig at samahan kaming tumawa, ma-inspire, at mangarap. Listen up ‘yo!...

Jul 27, 202351 minEp. 257

256: Minsan parang gusto ko na lang maging cactus w/ Doc Gia Sison [VIDEO]

Maulan na, pero habang nagdidilig si Ali ng cactus, may bisita ulit tayo sa ating #TheLinyaLinyaShow stud-yo! Ano pa nga bang aasahan kundi isang nakaka-inspire at nakakapagbigay-pahinga na effisode ng #SaTotooLang with Doc Gia Sison! BOOOOOOOM! Kwentuhan tungkol sa quiet quitting, honing, boundaries, at kung anu-ano pang lessons from a cactus. Kaya listen up ‘yo na!

Jul 20, 202326 minEp. 256

255: PPop Revolution w/ 1st.One

Ang PPop ba ay OPM? O ang OPM ba ay PPop? Kilalanin ang Pinoy Pop scene sa Pilipinas mula sa six-member P-Pop boy group that debuted last 2020 – sina Ace, Max, Alpha, Joker, J, and Jayson– ang nag-iisa at nangunguna, 1st.one! BOOM! Kwentuhan tungkol sa kanilang grupo, sa eksena, kasama pa ang experience ni Ali sa isa pang sikat na PPop group. May nasali pa ngang tanong: Pwede nga ba si Manny Pacquiao maging part ng PPop? Lahat ‘yan, nandito sa bago nating effisode! Power to the PPop, and listen ...

Jul 14, 202341 minEp. 255

254: Kaya, kinakaya, at kakayanin pa w/ KAIA [VIDEO]

5! 6! 7! 8! PPOP BOOM!!!Sa ating special effisode, kasama natin ang five-member Filipino girl group na nag-uumapaw sa talent, sa energy, at sa kulit! Sila na nga ang magpapa-turn up ng saya natin ngayon– sina Angela, Charice, Charlotte, Alexa, at Sophia! KAIA IS HERE SA THE LINYA-LINYA SHOW! Sumamang makipagkantahan, kwentuhan, at tawanan kasama ang KAIA– kaya listen up ‘yo na!

Jul 11, 202354 minSeason 2Ep. 254

253: E.A.T.’s SHOWTIME! Deep dive on Noontime Shows & Broadcast Networks w/ LJ Sanchez

Papapa parapapa… mula Batanes ikaw na nga! 🎶 Pagkatapos ng isang makasaysayang araw sa industriya ng telebisyon at noontime shows noong July 1, nakasama natin at nakakwentuhan ang award-winning poet, teacher, critic, at associate professor ng Broadcast Communication sa UP Diliman– si Sir LJ Sanchez!!! BOOOOOOOM! Makinig na, kahit hindi tanghali, sa ating latest effisode sa makabuluhang deep dive ng mga palabas na kasama natin tuwing tanghalian! Listen up ‘yo!

Jul 06, 20231 hr 24 minEp. 253

252: LITTLE SWISS PHILIPPINES w/ Kim Reyes

DID YOU KNOW na ang Swiss Miss, hindi pala gawa sa Switzerland? BOOM! Gulat ka ‘no? Kami rin! Magugulat din kayo sa ganda, saya, at pagka-heartwarming ng bago nating episode! Kwentuhang Switzerland at Pilipinas, pagiging Pinoy sa ibang bansa at pagiging Swiss sa Pilipinas, at ang halaga ng pagkakaibigan, gaano man kalayo ang pagitan. Lahat ‘yan, kasama ang isang creative, resourceful, at highly motivated individual, who enjoys planning and decorating events (ayon sa kanyang LinkedIn profile, heh...

Jun 30, 202341 minEp. 252

251: WALANG PRENO w/ Victor Anastacio

Non-stop, no-holds-barred, no breaks— parang nasa expressway na walang tollgate ang kwentuhan ng ating podcast superstars Ali and Vic! Hindi nila kinailangang magpainit ng makina para sa episode na ‘to dahil humaharurot talaga ang usapan nila tungkol sa kotse, kotse, at marami pang kotse! Alamin ang iba’t ibang kwento mula kay Tita (at sino ba si tita?!), sa bagong sasakyan ni Ali (si Harvey), at ilang tips para sa mga naghahanap ng brand new or second hand na sasakyan! ‘Wag mo papalagpasin ‘to,...

Jun 27, 20231 hr 5 minEp. 251

250: Laking manual pero ‘matic magmahal w/ Stanley Chi

Ops, kung anuman ang ginagawa mo, preno ka muna. Sabayan nyo kami sa isang swabeng episode, na perfect pakinggan habang bumibiyahe, nagko-commute, o nasa roadtrip! Basta ingat lang, at mahirap magmaneho, o baka maka-distorbo, kapag tawa nang tawa! Haha! Ang kasama natin today, isang comedian, cartoonist, TV host, columnist, book author, podcaster, car enthusiast, car vlogger– ang Suplado in the City, at ang nag-iisang Senpai ng Turbuhan– Mr. Stanley Chi! BOOM!!! Kung saan-saan umabot ang usapan–...

Jun 23, 202353 minEp. 251

249: May tagumpay sa pagiging sablay w/ Engr. Rene Sangalang

PAGBATI SA MGA HALIGI NG TAHANAN! Isang special effisode ngayong Father’s Day, kasama ang nag-iisang daddy podcast superstar - Engr. and Sensei Rene Sangalang! BOOOOM! Kwento ng kanyang mga karanasan sa trabaho at buhay, at kung paano nya tinitingnan ang failures bilang pagkakataon para magtagumpay. Maligayang araw ng mga tatay sa mga daddy, papa, at itay natin sa buhay! Listen up, yo!

Jun 17, 202332 minSeason 2Ep. 249

248: Ngumiti, tumindig, at magpatuloy w/ Atty. Leni Robredo [VIDEO]

Kung kinukumusta natin ang isa’t isa makalipas ang higit isang taon– from campaign rallies, to house-to-house, hanggang election day– mabuting kumustahin naman natin ang taong naging inspirasyon sa marami, nagsilbing ilaw sa madilim na panahon, at isa ring self-confessed #1 Linya-Linya fan, si Atty. Leni Robredo! BOOOOOM! From Bhutan to Butuan, House 2 House to Heart 2 Heart, hanggang volunteerism to public service– samahan niyo kami sa isang masayang kumustahan at makabuluhang kwentuhan. Tara n...

Jun 08, 202342 minSeason 2Ep. 248

247: Cobra, Beer, & Hoops w/ Rafe Bartholomew [VIDEO]

Malapit na ang FIBA World Cup at yes— Pilipinas ang Host! Titigil na naman ang mundo ng mga Pilipino dahil sa basketball. Kaya naman, nauna na kaming pag-usapan ang kinababaliwang sport ng mga Pinoy kasama ang New York Times Bestselling author, The Athletic staff writer, host of The Global Bounce Podcast, at Pinoy-by-heart hooper na si RAFE BARTHOLOMEW! BOOOOOOOM! Siyempre, habang parehong nagdudugo ang mga ilong, nagkwentuhan na rin tayo with Rafe tungkol sa pandesal-cobra combo, bars, at kung ...

Jun 02, 20231 hr 9 minEp. 247

246: 22 w/ a Fellow 22: Julemar Mojas - Ang kwento ng nawawalang daliri

Isang normal na araw, pagpasok ni Ali sa Linya-Linya office, nagbago ang ihip ng hangin at may nakitang rare Fellow 22– si Julemar Mojas– sa office! BOOOOOM! Isang matinding kwentuhan tungkol sa mga adventure ni Julemar at ng kanyang nawawalang daliri. Ano nga ba ang nangyari rito? Paano nawala? Nasaan na ang daliri niya ngayon? Ito, at kung anu-ano pang kwentong nakakatuwa (pero makabuluhan)! Chill na effisode para sa chill na araw, listen up ‘yo!...

May 30, 202325 minSeason 2Ep. 246

245: Pasok sa callroom w/ Doc JB Besa & Doc Ella Masamayor

THE NEW EFFISODE IS IN! Ano nga ba ang “callroom”? Why do they call this room a “callroom”? May nangyayari bang kababalaghan sa loob ng mahiwagang silid na ‘to? Ang mga sagot dyan, aalamin nating lahat ‘yan!Mula sa kung ano ang technique sa pagkain sa buffet, pumunta sa mga medical drama, hanggang sa doctor content creators– samahan kami sa funny x educational usapan with Doctors JB Besa and Ella Masamayor - BFFs na host din ng Kwentong Callroom Podcast! BOOOOOOOOM! The Doctors are in, kaya paso...

May 26, 202345 minSeason 2Ep. 245

244: Kailangan pa bang i-memories ‘yan? #SaTotooLang w/ Doc Gia Sison

Pagkatapos ng ilang taon, at ilang Zoomustahans at recordings via Zoom, nakapagkita rin ulit sina Ali at Doc Gia! In Person! At may video pa! BOOOOOM!Konting kumustahan na punong-puno ng kulitan. Haha. Kumusta na nga ba tayong lahat? Marami ka rin bang feelings sa mula sa Facebook memories mo 1 year ago? May pa-sneak peak pa ng Linya-Linya show stud-YO! ‘Wag mo palampasin ‘to! Samahan sina Ali at Doc Gia sa isang nakakatuwa at nakakatawang episode! Isang mahigpit na YAKAP and listen up, ‘yo!...

May 19, 202334 minSeason 2Ep. 244

243: INAY WILL ALWAYS LOVE YOU -  #MommyDiaries w/ Olive Sangalang

Inay ko po! Ito na nga! Ang pinaka-inaabangan, pinakahihintay, at pinakamatinding episode sa balat ng podcasts! Isang hapon, habang walang ginagawa, hinatak ko syang mag-record, at wala na ngang nagawa ang nanay ko, ang special guest natin ngayon— si Mommy OLIVE SANGALANG! BOOOOM! Kung may #DaddyDiaries, hindi naman pwedeng hindi magkaroon ng #MommyDiaries. Isang nakakatuwa at heartwarming na kwentuhan tungkol sa pagiging nanay at pagpapalaki sa makukulit (pero mababait) na anak. Ang special ng ...

May 14, 202345 minSeason 2Ep. 243

242: Si Lualhati Bautista bilang isang ina at iba pang kwento w/ Daya delos Santos

Kilala nating lahat si Lualhati Bautista bilang isang manunulat, isang babaeng tinitingala ng marami dahil sa mga kwentong binigyang-buhay niya sa pamamagitan ng mga nobelang kanyang isinulat. Sa episode na ito, nakakwentuhan ni Ali ang isa sa mga anak ni Ma’am Lualhati Bautista-- si Daya Delos Santos– kung saan maririnig natin ang ilan sa mga kwento tungkol kay ma’am Lualhati bilang isang ina at isang natatanging indibidwal. Mas ma-inspire pa at matuwa sa mga personal anecdotes na ngayon lang n...

May 09, 20231 hr 12 minSeason 2Ep. 242

241: JAPANVENTURES: Culture, Friendships, & Life Concepts

Ang isa sa pinakahihintay na episode ng mga Fellow-22s! Kasama ang nag-iisang Engr. Rene Sangalang - BOOM! Kwentuhan tungkol sa naging girlfriend sa Japan pati sa mga konsepto na makakatulong sa ating lahat upang maging mas productive at maging mas mabuti at magaling na tao – makitawa at matuto sa paglalakbay natin sa The Land of the Rising Sun!Break muna sa ramen, takoyaki at sushi! Listen up ‘yo!

May 04, 202342 minSeason 2Ep. 241
For the best experience, listen in Metacast app for iOS or Android
Open in Metacast