Episode 96: Tula Somebody - PETE LACABA x BLKD - podcast episode cover

Episode 96: Tula Somebody - PETE LACABA x BLKD

Sep 21, 202028 minSeason 1Ep. 96
--:--
--:--
Download Metacast podcast app
Listen to this episode in Metacast mobile app
Don't just listen to podcasts. Learn from them with transcripts, summaries, and chapters for every episode. Skim, search, and bookmark insights. Learn more

Episode description

Kailan ka huling nakabasa ng tula? Kailan ka huling nakakinig ng tula? Ito ang Tula Somebody: Pagbasa sa Panitikang Pilipino kung saan tampok ang ilang akda ng mga piling manunulat, na babasahin naman ng isang special guest. Hangad ng bagong series na ito ng The Linya-Linya Show at PumaPodcast na mas mailapit sa mas maraming Pilipino, lalo na sa mga kabataan, ang galing at ganda ng mga akdang Pinoy. 

Ang unang napiling makata ay si Jose F. Lacaba, o mas kilala bilang Pete Lacaba o Ka Pete. Isa siyang multi-awarded poet, screenwriter, at journalist. Napakalaki ng ambag at impluwensya niya sa panitikang Pilipino at sa ating bayan mismo-- at kahit ilang taon na ang kanyang mga tula, napapanahon pa rin ang mga tema at mensahe nito magpasahanggang-ngayon.

Kilala naman sa eksena ng Filipino hiphop ang battle rapper at hiphop artist na si BLKD dahil sa kanyang matalas na panulat at sa kanyang mga paninindigan. 

Sa pilot episode na ito, binasa ni BLKD ang mga tulang Ang Matatanda at Ang Mga Walang Pangalan ni Pete Lacaba.

Ibahagi ang inyong komento o reaksyon sa mga nabasang tula, pati na kung may mungkahi kayo sa gusto ninyong susunod na babasahin o magababasa-- ipadala lang sa [email protected], o kay i-DM nyo kami sa @thelinyalinyashow sa Instagram.

Mabuhay ang panitikang Pilipino!

For the best experience, listen in Metacast app for iOS or Android
Open in Metacast
Episode 96: Tula Somebody - PETE LACABA x BLKD | The Linya-Linya Show podcast - Listen or read transcript on Metacast