Sa murang edad pa lang, matagal nang alam at pinapangarap ni Andrew na magkaroon siya ng sarili niyang pamilya. Sa paglipas ng panahon, sa isang dating app niya nakilala ang isang taong talaga namang bumihag sa kaniyang damdamin. Ngunit kinakabahan siya, natatakot, ‘di niya alam kung tatanggapin siya ng pamilya niya, dahil lalaki pala ang nahanap niya. Alamin ang payo nila Nicole at Chris dito sa Tambalan! Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information....
Apr 01, 2024•33 min
Sa dinami-rami ng mga problema natin sa buhay ay minsan nakakalimutan natin na ‘di tayo nag-iisa. Dahil sa lahat ng pagkakataon ay tutulungan tayo ng Diyos at bibigyan tayo ng pag-asa tulad ni Shell na masasabi mo talagang anak siya ng Diyos. Alamin ang buong kwento niya dito sa episode ng Tambalan! Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Mar 25, 2024•28 min
‘Di lang sa pag-ibig ginagamit ang kasabihang “opposites attract” kundi sa pagkakaibigan din. Ang sarap marinig ang “Best Friends For Life” pero minsan, sa kasamaang palad, ay ‘di kayo sabay tumanda. Pakinggan ang buong kwento ni Tin and Kimmy dito sa Tambalan! Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Mar 18, 2024•29 min
Naranasan mo na bang mawalan ng bagay na pinaghirapan mo, pinag-ipunan mo, at pinag-isipan ng maigi kung worth it? Minsan nahahanap pa ito or nababalik, pero what if, nawala na talaga? Abangan ang payo nila kay Alvin sa episode na ito ng Tambalan! Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Mar 11, 2024•24 min
Ikaw ba ang tipong tao gustong magkajowa na pero parang di pasok sa standards mo o kaya naman walang nanliligaw sayo kaya nag-focus ka na lang sa pag-aaral o career? Kailan kaya dadating si The One? Tunghayan ang kwento ni Maricar at ang kaniyang hiling sa pag-ibig at pagkamit nito dito sa episode ng Tambalan! Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Mar 04, 2024•35 min
Nakaranas ka ba ng mala-teleseryeng eksena sa buhay mo? Yung tipong may ibang mahal ang minamahal mo at ikaw ang takbuhan nilang dalawa pag nagkakaproblema sila t’as may isang araw na hinintay ka para sabihin sayo na engaged na sila sa isa’t isa? Tunghayan ang kwento ni B dito sa episode na ‘to ng Tambalan! Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Feb 26, 2024•27 min
Anong gagawin mo if you were cheated on not once, but thrice ng asawa mo for 16 years? Tinry mong kausapin at ayusin, para sa mga anak niyo, para sa pamilya niyo, pero ikaw parin ang mali? Alamin ang payo at buong kwento ni Presi dito sa Tambalan! Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Feb 19, 2024•22 min
Minsan may mga sitwasyon na parang ibinibigay ng mga magulang ang mga pangarap nila sa kanilang anak upang maituloy nila ito. Sa kwento ni Arkin, kailangan niyang pumili sa trabaho na higher pay pero ‘di siya sure kung magtatagal siya o manatili sa current job niya na ‘di gaanong kataas ang pay pero stable… Maiintindihan ba ng nanay niya ang mapipili niya? Alamin ang buong kwento dito sa Tambalan! Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information....
Feb 12, 2024•38 min
Noong bata pa tayo, siguro naman karamihan sa atin ay may mga pangarap na. Mayroon na tayong gustong trabaho o propesyon pagkagraduate. Pero paano kung hindi mo pa alam ang gusto mo? Ang pangarap mo? Alamin ang payo ng Tambalan kay John dito sa episode ng Tambalan! Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Feb 05, 2024•24 min
Dahil sa maagang pagpanaw ng ama ni Ramil, nakipagsapalaran sa Maynila ang kaniyang ina. Sa murang edad, sari-sari ang kanyang naranasan. Gayon pa man, hindi siya sumuko. Alamin ang buong kwento dito sa episode ng Tambalan! Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Jan 29, 2024•30 min
Masakit na matawagan kang bobo lalo na pag ito’y galing sa sarili mong pamilya. Feeling mo nawalan ka ng gana o ng rason para gawin ang isang bagay. Gayon pa man nasa sarili mo yan kung susuko ka o ipagpapatuloy mo pa rin para mapatunayan sa kanila na kaya mo yan. Tunghayan ang kwento ni Lester dito sa episode ng Tambalan! Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Jan 22, 2024•38 min
What if ang partner mo ay isang seaman at sa pagbalik niya ay nalaman mong may nabuntis pala siyang ibang babae? ‘Di naman lahat ng seaman ganiyan ngunit ganito ang naging sitwasyon ni Marina. Ano ang kailangan niyang gawin sa problema na ito? Pakinggan ang buong kwento at ang payo nila dito sa Tambalan! Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Jan 15, 2024•36 min
What if mataas nga sahod mo pero hindi naman ikabubuti sa mental health mo yung workplace? Hindi ka close sa mga katrabaho mo, pressured ka sa superiors mo, at malayo ang workplace mo, pero ang salary mo tumatagingting? Hindi ka ba sure o hindi ka makapagdecide? Alamin ang payo nila Nicole at Chris dito sa episode ng Tambalan! Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Jan 08, 2024•38 min
Anong ginagawa mo pag may nangutang sayo pero hindi ka pinapansin? Sisingilan mo ba nang mabait pa rin ang tono mo sa mga messages? Wawarlahin mo ba? O pababayaan mo na lang and let God do the rest? Shoutout kay Ziggy na ‘di pa binabayaran si Maurina! Alamin ang payo nila dito sa episode ng Tambalan! Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Jan 01, 2024•32 min
Ipinanganak si Rachel na may butas ang kaniyang puso. Subalit ‘di ito naging hadlang para maabot niya ang kanyang pangarap na maging isang guro sa kabila ng lahat. Nang lumala ang kanyang kondisyon napilitan siyang huminto sa pagtuturo ngunit hindi siya nawalan ng pag-asa. Tunghayan ang buong kwento ni Rachel dito sa Tambalan! Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Dec 25, 2023•39 min
Minsan sa buhay, pinapakita sa atin ang katotohanan para matuto tayong pumili kung ano ang tama para sa atin. Imumulat ba natin ang ating mga mata sa katotohan o magbubulagbulagan para mapanatili ang kapayapaan? Ngunit payapa ba ang iyong kalooban? Sundan ang kwento ni Gabby at alamin ang payo nila dito sa Tambalan! Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Dec 18, 2023•33 min
Importante nga ba ang high standards sa pagpili ng ka-relasyon? Sundan ang kwento ni Gaby mula sa Mahiwagang Burnay. Dito lang sa Tambalan. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Dec 17, 2023•31 min
Pagdating sa pag-ibig, gusto natin ipakita ang best natin pero minsan may mga bagay na mahirap bitawan. Sa storya ni Dang, ikinwento niya na umiinom siya upang maging masaya ngunit nung makilala niya si Art ayaw niya itong pakawalan at handa rin siyang magbagong buhay. Alamin ang buong kwento dito sa episode ng Tambalan! Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Dec 04, 2023•38 min
Kapag bibigyan ka ng oportunidad na gawin ang ‘di dapat, gagawin mo ba? Magsisisi ka ba o hindi? Sa dami na nangyari sa storya, kahit sina Nicole at Chris naguguluhan! Pakinggan ang kwento ni Ren dito sa episode ng Tambalan! Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Nov 27, 2023•32 min
Pinangarap na ni Jose mula elementarya ang maging isang scientist. Sa kaniyang pagsusumikap, nakapagtapos siya at natapos na rin niya ang kaniyang masters at PhD sa murang edad. Isa na siyang Postdoctoral researcher sa ibang bansa. Ngunit ramdam ni Jose na hindi ito sapat sa kaniyang mga magulang dahil hindi ganoon kataas ang kinikita niya. Alamin ang kaniyang kwento dito sa episode ng Tambalan! Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information....
Nov 20, 2023•42 min
Binalikan ni John ang kwento niya noong naging sila ng kaniyang kasintahan hangga’t sila’y kinasal at nagkaanak. Inamin niya na di naging madali ang kanilang buhay ngunit ito’y punong-puno ng pagmamahal. Subalit nagkaroon ng isang malaking pagsubok ang kanilang pamilya. Alamin ang buong kwento ni John dito sa Tambalan! Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Nov 13, 2023•41 min
Madaming pagbabago at challenges ang isang bagong ina. Mahalaga ang yugto ng buhay na ito ng isang babae. Magkahalong hirap at saya. Pakinggan ang storya ni Wendy sa episode na ito ng Tambalan! Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Nov 06, 2023•41 min
Naranasan mo na bang may umamin na may gusto sayo ang isang tao pero may gusto ka talaga sa best friend niya? Ano kaya ang mangyayari sa “mahal ko o mahal ako” sitwasyon na ito? Tunghayan ang buong kwento dito sa episode na ‘to ng Tambalan! Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Oct 30, 2023•39 min
Inimbitahan ng Tambalan ang Spirit Questor na si Nick Nangit para pag-usapan ang Ghost month at iba pang kababalaghan. Sa gitna ng usapan, may mga sumali pa na entity! Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Oct 23, 2023•1 hr 4 min
Nasanay si Ashley na ‘di tumatagal ang mga relasyon niya pero ito’y naiba noong makilala niya ang kaniyang current partner. Ngunit paano kung wala nang patutunguhan ang relasyon? Paano niya itong sasabihin? Tutukan ang kaniyang kwento dito sa episode ng Tambalan! Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Oct 23, 2023•24 min
Sabi nga nila, mas maganda ng magkamali ka sa umpisa pa lang ng matuto ka. Pero dahil sa expectations ng magulang at ng sarili mo, natatakot ka mag-fail. What if nag-fail ka? Abangan ang storya ni Van dito sa Tambalan! Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Oct 16, 2023•37 min
Nakamit ni Vin ang kaniyang pangarap na maging inhinyero at noong siya’y kinasal ay nag-migrate sila sa U.S. Noong siya ay nagka-anak, siya ang nag-alaga at sa kadahilanang ito, tuluyan na siyang umalis sa trabaho. Ngunit parang may kulang... Alamin ang payo nila dito sa Tambalan! Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Oct 09, 2023•39 min
Nakakagaan ng loob ang magkaroon ng best friend na tatagal ng ilang dekada kahit magkalayo na kayo sa isa’t isa. Ngunit paano kung ang best friend mo na ‘to ‘di na nagparamdam o nag-seenzone na lang sa mga mensahe mo online? Tutukan ang kwento ni Lorie dito sa episode na ‘to ng Tambalan! Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Oct 02, 2023•36 min
Halos labing-dalawang taon ninanais ni Rose magkaroon ng anak ngunit sabi niya may… MALIIT na problema. Ano kaya ang tinutukoy niya? Alamin dito sa Tambalan! Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Sep 25, 2023•44 min
May mga oras talaga na napapaisip tayo ng “bakit hindi ko pa naranasan yan?” o “bakit di mabigay sa akin ito?” ngunit may nakalaan na mas maganda pala sa atin ang Diyos. Dahil sa kaniyang sipag at tiyaga, nakamit ni Brian ang tagumpay na yun naman pala ang plano ng Diyos para sa kaniya. Tunghayan ang kaniyang kwento dito sa episode na ‘to! Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Sep 18, 2023•33 min