Kay Celia - podcast cover

Kay Celia

Dean Bocobokaycelia.blogspot.com
Kay Celia is the Dedication of Francisco Balagtas in the Florante at Laura in 22 stanzas.
Last refreshed:
Follow this podcast in the Metacast mobile app to refresh it and see new episodes.
Download Metacast podcast app
Podcasts are better in Metacast mobile app
Don't just listen to podcasts. Learn from them with transcripts, summaries, and chapters for every episode. Skim, search, and bookmark insights. Learn more

Episodes

22 - Ikaw na bulaklak niring dilidili

KC-22 Ikaw na bulaklak niring dilidili, Celiang sagisag mo'y ang eMe A eRe sa Birheng mag-ina'y ipamintakasi ang tapat mong lingkod na si eFe Be.

Mar 20, 2012

21 - Ahon sa dalata't pampang na nagligid

KC-21 Ahon sa dalata't pampang na nagligid, tonohan ng lira yaring abang awit na nagsasalitang buhay ma'y mapatid, tapat na pagsinta'y hangad na lumawig.

Mar 20, 2012

20 - Masasayang Nimfas sa lawa ng Bai

KC-20 Masasayang Nimfas sa lawa ng Bai, Sirenas, ang tinig ay kawili-wili, kayo ngayo'y siyang pinipintakasi ng lubhang mapanglaw na Musa kong imbi.

Mar 20, 2012

18 - Ito'y unang bukal ng bait kong kutad

KC-18 Ito'y unang bukal ng bait kong kutad na inihahandog sa mahal mong yapak; tanggapin mo nawa kahit walang lasap, nagbuhat sa puso ng lingkod na tapat.

Mar 20, 2012

17 - Celia talastas ko't malabis na umid

KC-17 Celia talastas ko't malabis na umid mangmang ang musa ko't malumbay ang tinig; di kinabahagya kung hindi malait, palaring dinggin mo ang tainga't isip.

Mar 20, 2012

16 - Itong di matiis na pagdaralita

KC-16 Itong di matiis na pagdaralita nang dahil sa iyo, O nalayong tuwa ang siyang umakay na ako'y tumula, awitin ang buhay ng isang naaba.

Mar 20, 2012

15 - Bakit baga noong kami'y maghiwalay

KC-15 Bakit baga noong kami'y maghiwalay ay di pa nakitil yaring abang buhay? kung gunitain ka'y aking kamatayan, sa puso ko Celia'y di ka mapaparam.

Mar 20, 2012

14-Nasaan si Celiang ligaya ng dibdib?

KC-14 Nasaan si Celiang ligaya ng dibdib? ang suyuan nami'y bakit di lumawig? nahan ang panahong isa niyang titig ang siyang buhay ko, kaluluwa't langit?

Mar 20, 2012

13 - Anupa nga't walang di nasisiyasat

KC-13 Anupa nga't walang di nasisiyasat ang pag-iisip ko sa tuwang kumupas; sa kagugunita, luha'y lalagaslas, sabay ang taghoy kong "O, nasawing palad!"

Mar 20, 2012

12- Parang naririnig ang lagi mong wika

KC-12 Parang naririnig ang lagi mong wika "Tatlong araw na di nagtatanaw-tama," at sinasagot ko ng sabing may tuwa "Sa isa katao'y marami ang handa."

Mar 20, 2012

11 - Nagbabalik mandi't parang hinahanap

KC-11 Nagbabalik mandi't parang hinahanap dito ang panahong masayang lumipas: na kung maliligo'y sa tubig aagap, nang hindi abutin ng tabsing sa dagat.

Mar 20, 2012

10 - Nililigawan ko ang iyong larawan

KC-10 Nililigawan ko ang iyong larawan sa Makatang Ilog na kinalagian; binabakas ko rin sa masayang do'ngan, yapak ng paa mo sa batong tuntungan.

Mar 20, 2012

9 - Ang katauhan ko'y kusang nagtatalik

KC-9 Ang katauhan ko'y kusang nagtatalik sa buntunghininga nang ikaw'y may sakit, himutok ko noo'y inaaring langit, paraiso naman ang may-tulong silid.

Mar 20, 2012

8 - Di mamakailang mupo ang panimdim

KC-8 Di mamakailang mupo ang panimdim sa puno ng manggang naraanan natin; sa nagbiting bungang ibig mong pitasin, ang ulilang sinta'y aking inaaliw.

Mar 20, 2012

7 - Ang kaluluwa ko'y kusang dumadalaw

KC-7 Ang kaluluwa ko'y kusang dumadalaw sa lansanga't nayong iyong niyapakan; sa ilog Beata't Hilom na mababaw, yaring aking puso'y laging lumiligaw.

Mar 20, 2012

6-Sa larawang guhit ng sa sintang pinsel

KC-6 Sa larawang guhit ng sa sintang pinsel, kusang inilimbag sa puso't panimdim nag-iisang sanlang naiwan sa akin, at di mananakaw magpahanggang libing.

Mar 20, 2012

4 - Lumipas ang araw na lubhang matamis

KC-4 Lumipas ang araw na lubhang matamis at walang matira kundi ang pag-ibig, tapat na pagsuyong lalagi sa dibdib hanggang sa libingan bangkay ko'y maidlip.

Mar 20, 2012

3 - Makaligtaan ko kayang di basahin

KC-3 Makaligtaan ko kayang di basahin, nagdaang panahon ng suyuan namin? kaniyang pagsintang ginugol sa akin at pinuhunan kong pagod at hilahil?

Mar 19, 2012

1 - Kung pagsaulan kong basahin sa isip

KC-1 Kung pagsaulan kong basahin sa isip ang nangakaraang araw ng pag-ibig may mahahagilap kayang natititik liban na kay Celiang namugad sa dibdib

Mar 19, 2012
For the best experience, listen in Metacast app for iOS or Android