EP 669: "Egg Sandwich" with Papa Dudut
Ang oras na ginugugol mo sa pagsama sa iyong mga magulang ay isang regalo na hindi kailan man mabibili kahit saan. Pakinggan ang kwento ni Jing sa Barangay Love Stories.

Ang oras na ginugugol mo sa pagsama sa iyong mga magulang ay isang regalo na hindi kailan man mabibili kahit saan. Pakinggan ang kwento ni Jing sa Barangay Love Stories.
Hindi sa lahat ng oras ay dapat mong sundin ang iyong nararamdaman lalo na kung alam mong makakasira ito sa malalim na samahan ng ilan. Pakinggan ang kwento ni Martus sa Barangay Love Stories.
Mahirap bumuo ng pamilya dahil bukod sa kalinga at pagmamahal, kailangan din niyan ng pera. Kaya nang si Aimee naman ang nagsimulang bumuo ng sarili niyang pamilya, hindi agad iyon matanggap ng kanyang mga magulang dahil paano na lamang sila lalo pa't hindi rin naman mayaman ang lalaking minahal ng kanilang anak. Pakinggan ang kwento ni Aimee sa Barangay Love Stories.
Kung kaya mong mahalin nang buo ang taong hindi para sa'yo, mas kaya mong magmahal ulit lalo na sa taong kaya kang mahalin pabalik at walang kahati. Pakinggan ang kwento ni Fiang sa Barangay Love Stories.
Ang pagmamahalan ay hindi nakasalalay sa edad kun'di sa tiwala, katotohanan, respeto at pag-unawa. Pakinggan ang kwento ni Missy sa Barangay Love Stories.
Walang makapagsasabi kung kailan magbubunga ang sakripisyo ng isang tao kaya pahalagahan ang bawat kayod ng isang pursigido. Pakinggan ang kwento ni Sally sa Barangay Love Stories.
Ang pagpapatawad ay hindi nangangahulugang kinalimutan mo na ang nangyari. Ibig sabihin lang nito ay pinipili mong huwag nang saktan ang iyong sarili ng mga alaala. Pakinggan ang kwento ni Argie sa Barangay Love Stories.
Mahirap ang buhay at kapag pinanganak kang mahirap, mas humihirap pa ito. Alam ni Greta at ng mga kapatid niya na kailangang magsikap para dumating din ang ginhawa sa kanila. Pero kung kailan nagsisimula nang umayos ang kanilang pamumuhay, saka naman may biglang babawiin pala. Pakinggan ang kwento ni Greta sa Barangay Love Stories.
Ang puso’y natututo sa bawat pagkakamali, kaya kung magbibigay ng pagkakataon, sana ay sa taong ikaw rin ang pinipili. Pakinggan ang kwento ni Winet sa Barangay Love Stories.
Sa bawat paglisan ng isang ina ay may isang anak na naghihintay ng tunay na pagmamahal at pag-aaruga. Pakinggan ang kwento ni Ryan sa Barangay Love Stories.
Sa likod ng mga yakap na nagbibigay ng ginhawa, may mga luha na hindi nakikita; nagkukubli ng sakit at pangungulila. Pakinggan ang kwento ni Ellen sa Barangay Love Stories.
Hindi mabubuo ang pagkatao mo kung susunod ka lang sa idinidikta sa iyo. Magdesisyon para sa sarili upang sa huli ay hindi magsisi. Pakinggan ang kwento ni Kaye sa Barangay Love Stories.
Masarap magkaroon ng kaibigan na kasangga mo sa lahat ng bagay. Tulad na lamang ni Aleng, ang #1 tagapagtanggol ng malambot na si Dencio. At sa sobrang pagmamahal ni Dencio sa kanyang kaibigan, ayaw niya itong nakikitang umiiyak at nasasaktan. Kaya naman walang pag-aalinlangan niyang inalok ang sarili niya kay Aleng upang maging kabiyak nito sa habang buhay. Pakinggan ang kwento ni Dencio sa Barangay Love Stories.
Subukan ding buksan ang isipan dahil baka panahon na upang lumaya sa mga lumang nakagisnan. Pakinggan ang kwento ni Donna sa Barangay Love Stories.
Minsan, ang sobrang paghahangad sa mga materyal na bagay ang nagiging dahilan kaya nawawala ang mahal sa buhay. Pakinggan ang kwento ni Dayanara sa Barangay Love Stories.
Sa loob ng isang tahanan, hindi ka makakakita ng perpektong pamilya. Pero maginhawa sa pakiramdam kung ang pagbabago para mapabuti ay sinusubukan din nila. Pakinggan ang kwento ni Gwen sa Barangay Love Stories.
Kapag ikaw ay nagmamahal, hindi dapat lahat ibinibigay dahil sarili mo lang ang siguradong kasama mo sa habang buhay. Pakinggan ang kwento ni Krista sa Barangay Love Stories.
Ang pagtulong sa iba ay magandang hangarin, pero ang tiyahin ng girlfriend ni Dencio mukhang may ibang gustong makuha sa kanya. Pakinggan ang kwento ni Dencio sa Barangay Love Stories.
Kung sa ngayon ikaw ay dumaraan sa mabigat na pagsubok ng buhay, patuloy kang lumaban. Hindi masama ang magpahinga, ang mahalaga ay magpapatuloy ka. Pakinggan ang kwento ni Gesmund sa Barangay Love Stories.
Isang biyaya ang magkaroon ng taong mamahalin ka ng buong-buo at ipapakita sa iyo kung ano talaga ang halaga mo. Pakinggan ang kwento ni Anet sa Barangay Love Stories.
Parte ng buhay ang mga problema kaya malaking bagay rin na mayroon kang masasandalan sa oras ng pangangailangan. Pakinggan ang kwento ni Desiree sa Barangay Love Stories.
Bigyan ng kalayaang mamili ng mamahalin ang mga taong nakapaligid sa iyo dahil baka magdulot ka lang ng mas malaking problema at gulo. Pakinggan ang kwento ni Andoy sa Barangay Love Stories.
Kapag may hinihingi ka sa panalangin dapat paghandaan mo rin ang pagtanggap nito dahil baka hindi mo ito maalagaan at mapalago. Medyo matagal na ring naghihintay si Gie sa taong magmamahal sa kanya pero nang dumating si Don sa buhay niya, hindi niya pa rin mapigilang magkaroon ng mga alinlangan sa relasyon nilang dalawa. Pakinggan ang kwento ni Gie sa Barangay Love Stories.
Tulad ng kumukulong tubig, nagiging malabo ang lahat ng nasa iyong paligid kaya huwag muna magdesisyon kung ang ulo mo ay mainit. Pakinggan ang kwento ni Jim sa Barangay Love Stories.
Sa parehong lugar lang nakatira sina Harvey at ang teacher ng pamangkin niya. At dahil sa kabutihang loob ng guro, sinasabay na niya pauwi ang bata pagkatapos ng klase. Kaso ang pamangkin ni Harvey, pinagseselosan ng kasintatan niya. At mas lalo pa itong naiinis sa tuwing nakikita niya ang teacher ng bata. Pakinggan ang kwento ni Harvey sa Barangay Love Stories.
Kahit pareho ng kinalakihan na tahanan ang magkakapatid, nagkakaiba-iba pa rin ang kanilang mga pananaw at plano sa buhay. Pakinggan ang kwento ni Topher sa Barangay Love Stories.
Ang pagkakamaling hindi pinagsisihan ay maaaring magpahamak sa iyo kinabukasan. At baka kailanganin mo ng habang buhay upang ito ay pagbayaran. Pakinggan ang kwento ni JD sa Barangay Love Stories.
Sakit sa ulo ang unang karelasyon ni Nancy. Bukod sa mapanumbat, mapanakit din ito kaya isang matapang na desisyon ang kanyang ginawa - iniwan niya ito at sinama niya ang kanilang anak. Kahit nakalayo na, bagong problema naman ang kinaharap niya nang nakitira ulit siya sa bahay ng kanyang ina. Pero tinanggap niya lahat ang bunga ng kanyang pagkakamali hanggang sa muli siyang bigyan ng pangalawang pagkatataon ng tadhana. Pakinggan ang kwento ni Nancy sa Barangay Love Stories.
Hindi gamit ang mga anak na basta mo na lang iiwan kung ayaw mo na. At saka na lang babalikan kapag gusto mo nang magpaka-ina. Pakinggan ang kwento ni Alma sa Barangay Love Stories.
Sa masasakit na salita nabuhay at tumanda si Alvin. Kaya kahit tanggap na siya ng kanyang kasintahan dahil mabuti naman siyang tao, gusto niya pa ring baguhin ang kanyang itsura dahil hindi niya pa rin talaga matanggap ang kanyang sarili. Pakinggan ang kwento ni Alvin sa Barangay Love Stories.