Annyeong, Tita! - podcast cover

Annyeong, Tita!

Tita Marian and Podcast Network Asialivemoremarian.com
Annyeong! Welcome to the podcast born out of more than a decade of love for the world of Kdrama. Hosted by a Kdrama Tita (Aunt), she talks about the latest hit Kdramas in town and, of course, the classic ones she grew up with. She deep-dives on fan theories and occasionally shares her personal Kdrama picks.

Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

Last refreshed:
Follow this podcast in the Metacast mobile app to refresh it and see new episodes.
Download Metacast podcast app
Podcasts are better in Metacast mobile app
Don't just listen to podcasts. Learn from them with transcripts, summaries, and chapters for every episode. Skim, search, and bookmark insights. Learn more

Episodes

Ep81 KDrama Review: The King: Eternal Monarch

Isa na namang episode na puno ng spoilers and rants ang hatid sa inyo ng inyong best in kuda na tita. Sa episode na ito, isang oras nya hinimay ang tingin nya ay important pointers or topic tungkol sa series na pinag usapan ng lahat- ang The King: Eternal Monarch. Mula sa kilig scenes hanggang sa hilo scenes- lahat pinag-usapan ng Tita nyo. And feeling pa nga nya kulang pa ang isang oras para sa lahat ng topic. Di ko din talaga alam kung saan nya nakukuha ang energy magkukuda. Ewan. Hosted on Ac...

Jun 23, 20201 hr 1 minSeason 4Ep. 81

Ep80 KDrama Review: Hospital Playlist

Ilang beses inulit ng Tita nyo ang episode na ito dahil palagi syang may nalilimutang ichika. Sa dami nga ng gusto nyang sabihin tungkol dito, pasalamat talaga tayo at hindi ito naging full day seminar o symposium. Heto na nga ang review ng Tita nyo sa series na dahilan ng kanyang mga biglang pagsigaw ng "Lonely Nights" kahit gabi na or habang nag na-number 2 sa banyo. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

Jun 09, 202046 minSeason 4Ep. 80

Ep79 KDrama Review: Hot Stove League

Sa wakas ay nakapag-record na din para sa week na ito ang Tita nyo na tuwang-tuwa sa Inuyasha. Sabi nga nila, alam mong matanda ka na kung bumabalik ka na sa pagkabata. So kailan kaya sya magsusuot ulit ng macarena skirt? Anyway, mahaba-habang chika na naman itong episode na ito kasi ibunuhos na naman ng Tita nyo ang buong feelings nya para sa Kdrama series na ito. Muntikan pa syang masisante kung di sya nagpigil. Hay naku! *rolls eyes* Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information...

Jun 03, 202045 min

Ep78 KDrama Review: The World of the Married Couple

Heto na nga! Di talaga nagpapahuli ang chismosa nyong Tita at heto nga nag-bandwagon na naman sya sa pinag-uusapang Kdrama series. Damang-dama nya ang mga eksena na kahit wala syang jowa eh napapraning sya. Feeling nya niloloko din sya ng imaginary jowa nya. Anyway, mukhang ibinuhos nya yung naipon nyang kuda nung nakabakasyon kaya ang dami na naman nyang pinagsasabi sa episode na ito. Bahala na kayo kung pagtya-tyagaan nyo. P.S. Wala syang sipon; di lang talaga sya sanay sa aircon (na maririnig...

May 26, 202045 min

Ep76: Mga Teleserye na Kinalakihan Namin with Patty and Cindy

Sa wakas may nauto ang Tita nyo para sumama ulit sa isa na namang episode. Di ko sure if dahil nga wala silang magawa dahil sa quarantine sa Pinas, o dahil nakulitan na sila sa Tita nyo. Anyway, dalawa sa mga close friends nya ang pumayag magpa-interview sa isang episode kung saan nagsimula sila sa topic na mga teleserye na kinalakihan nila, tapos nagtapos sa paghaharot kay Mayor Vico Sotto. Kung may reklamo kayo sa mga pinagsasabi nila (I'm sure meron), i-contact nyo na lang ang Tita nyo sa Twi...

Apr 14, 202050 minSeason 4Ep. 76

Ep75: My Top 10 Childhood Telenovelas (Part 2)

Heto na ang hindi nyo naman inaabangan na part 2 ng Top 10 Childhood Telenovelas ng inyong Tita. Since ito na ang huling part, mas marami na naman syang kuda dito at mga hugot. Sarap na sarap din sya sa pagbabalik-tanaw sa mga panahon na nakikita pa nya ang mga paa nya kapag nakatayo. Itong mga telenovelang ito ang totoong bumuo at wumasak sa kataohan ng Tita nyo. Ito din ang origin ng kaniyang napakataas na standard sa mga kalalakihan. Na kapag hindi ka nakakabayo at hindi mabuhok ang dibdib mo...

Apr 07, 202048 min

Ep74: My Top 10 Childhood Telenovelas (Part 1)

Inspired by the throwback moment kung saan binalik ng ABS CBN ang mga TV shows noong kabataan, nagbalik-tanaw naman ang Tita nyo sa mga kinalakihan nyang telenovela noon. Ang mga telenovela na never nagsabay ang bibig ng mga bida sa sinasabi nila. Ang mga telenovela na dahilan kung bakit may kaklase kang Rosalinda ang pangalan. Di man nya alam ang periodic table, alam naman ng Tita nyo kung sino ang totoong ama ni Marimar. Heto na ang first part ng two part episode kung saan ni-rank ng Tita nyo ...

Apr 02, 202043 min

Ep73: Crash Landing On You React with Bogart

Kung napakinggan nyo ang episode 4 mula sa season 1 ng Tita Talk, and iniisip nyo na mas maayos na ang pag-uusap ng tita nyo at ng "friend" nyang si Bogart, pwes nagkakamali kayo. Heto na naman ang isang walang kakwenta-kwentang episode ng inyong Tita kasama ang kaibigan nyang si Bogart tungkol sa reaction nito sa katatapos nya lang na Kdrama- ang Crash Landing On You. Akala ng Tita nyo talaga na dadami ang listeners nya sa episode na ito pero mukhang mababawasan pa. Anyway, wala silang ginawa s...

Mar 31, 202056 min

Ep72: KDramas According To Your Mood

Isang oras na naman po syang nagkukuda sa kwarto nya para lang bigyan kayo ng suggested Kdramas na swak sa panlasa nyo. Parang Magic Sarap lang?! Anyway, nilista ni Tita nyo ang kanyang mga highly suggested Kdramas sa episode na ito in case naghahanap kayo ng suggestions ngayong panahon ng quarantine. Ilang Kdrama kaya ang matatapos mo ngayong nasa bahay ka lang? Nakailan ka na ba? Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

Mar 19, 20201 hr

Ep71 KDrama Review: Kingdom 2

Dahil nga nag-bandwagon ang Tita nyo noong first season, pinanindigan nya na at nanonood na din sya ng Season 2 ng Kingdom. Pero sabi naman ng Tita nyo na totoo naman syang natuwa sa series na ito kahit gustong-gusto nyang paliguan at suklayan ang mga madudungis na zombies. Nagtataka din sya kung pano pa nakakapaglakad ang mga character sa series kahit tadtad na sila ng pana sa likod o pinagbabaril na ng ilang beses. Feeling nya dito nagmula ang lahi ni Cardo Dalisay. Anyway, episode 71 na pero ...

Mar 17, 202042 min

Ep70 KDrama Review: Extraordinary You

Bibilib din talaga kayo sa pagiging chismosa ng tita nyo. Kahit na malapit na syang mag-menopause, pinanood pa rin nya itong series na ito kahit kwentong bagets at puro bagets. Kahit kulang na lang isaksak nya sa ilong nya ang katinko dahil sa sobrang hilo nya sa kwento, inilaban pa rin ng tita nyo na tapusin ito bilang pagrespeto sa mga bago nyang bebe boy. Maharot din talaga! Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

Mar 12, 202033 min

Ep69: Things that only happen in Pinoy Teleserye

Inspired by the mala troll na Facebook post ni Jay Sonza about Kim Chiu, naisipan ng tita nyo na ilista ang mga di kapanipaniwalang mga bagay na tanging sa mga teleserye lang nangyayari. Mapapaisip ka din naman talaga kung bakit wala pang kambal sa mga teleserye na lumaki at tumanda ng sabay. Bakit din laging may bakanteng higaan sa mga hospital tuwing dinadala ang bida sa emergency? Marami pang nilista ang inyong tita sa episode na ito. Hyper na hyper na naman sya kasi talagang triggered sya sa...

Mar 10, 202041 min

Ep67 KDrama Halftime Review: Itaewon Class

Isa na namang halftime review ang dala sainyo ng Tita nyo. This time, featuring ang newest KDrama ng kaniyang kinalolokohang si Park Seo-joon. Sabi naman nya na unbiased sya pagdating sa pag-review ng series na ito pero kayo na lang ang maghusga. So worth it nga bang panoorin ang series na ito? Pakinggan na naman ang inyong Tita na mag-isang nagkukuda. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

Mar 03, 202036 min

Ep66 KDrama Review: Dr Romantic 2

Dahil nga mahal na mahal ng Tita nyo ang season 1 ng Dr Romantic, talaga namang sinubaybayan nya itong season 2. Ang tanong, na-meet kaya ang expectations nya? Kinilig kaya ang Tita nyo sa mga bagong doktor na nakahanap ng jowa mula nang malipat sa Doldam Hospital? Saan daw ba yang Doldam? Para daw mapuntahan naman nya at magkajowa na din daw sya. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

Feb 27, 202047 min

Ep65 Teleserye Review: Descendants of the Sun

So heto na nga! After the first two weeks of the series, andito na ang mga first impressions ng Tita nyo sa Pinoy remake ng isa sa mga fave Kdramas nya. May kilig ba? May bromance na ba? Bet nya ba ang Filipino touch sa pinoy version? At bakit uminit ang dugo nya sa episode na ito? Malay ko din kasi palagi namang triggered yang Tita nyo. Anyway, here's your Tita's take on the Filipino remake of Descendants of the Sun. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information....

Feb 25, 202049 min

Ep64 KDrama Review: When the Camellia Blooms

Sa wakas natapos din nya ang series na ito! Kahit paborito ng Tita nyo ang mga bida sa series na ito, nahirapan syang tapusin ito and sa episode nga na ito eh in-explain nya kung bakit. Bakit di nya sinubaybayan habang airing pa at kung bakit ngayon lang nya pinanood and mas inuna pa nya ang ibang series. Pinaliwanag nya lahat pero parang mas naguluhan sya sa dulo. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

Feb 20, 202046 min

Ep61: My Top 5 KDramas Saved by their OST

Ang sabi nya maikli lang ang episode na ito. Ang sabi nya bibilisan lang nya. Pero tingnan mo at halos isang oras na naman syang kuda ng kuda. Masakit pa lalamunan nya sa lagay nyang yan. Anyway, here's a list of your Tita's top 5 Kdramas that were saved by their OST. As she reminded you guys over and over on this episode, this is again based on her opinion. Mukhang nauubusan na ang Tita nyo ng topic kaya kung anu-ano na lang pinaggagawa. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more informati...

Feb 11, 20201 hr

Ep60 Teleserye Review: A Soldier's Heart

Dahil naka-recover na ang boses ng Tita nyo, todo kuda na naman sya tungkol sa bagong teleserye ng ABS CBN. May barilan, may suntukan, at mga bagets na pogi kaya naman buhay na buhay ang malanding dugo ng tiyahin nyo. Ang tanong, naka-move on na ba ang Pilipinas sa hiwalayan nina Gerald at Bea? Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

Feb 06, 202045 min

Ep59 KDrama Halftime Review: Dr Romantic 2

Di pa man uso noon ang Change.org, your Tita was one of those who signed the petition to have a season 2 for Dr Romantic. Ipinagdasal, ipinangatwiran, at ipinaglaban nya talaga ang season 2 na ito kahit maraming beses na syang binigo ng mga sequels. Pero feeling ko lang talaga crush nya si Mr Goo kaya gustong-gusto nya na magka-sequel. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

Feb 04, 202033 min

Ep58 KDrama Review: The Fiery Priest

So ayun na nga. Bumigay na naman ang baga ng Tita nyo. So kahit gustong-gusto nya pang magkukuda tungkol sa Kdrama na ito eh hindi na nya kinaya kaya ang ikli lang nitong Kdrama review. Anyway, di ko alam kung may sense sya dito or mas lalo syang sabaw sa pinagsasabi nya (high kasi sya sa cough syrup). Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

Jan 30, 202029 min

Ep55 KDrama Halftime Review: Crash Landing On You

Dahil hindi na sya makapaghintay na magkukuda tungkol sa bago nyang kinakikiligan, heto na ang halftime review ng inyong Tita sa patok na patok ngayon na "Crash Landing On You". Kalahati pa lang ng mga episode ito pero ang dami na nyang sinabi. Feeling expert na naman sya at may nalalaman pang "formula". Anyway, kung interesado kayo sa pinagsasabi nyang formula, heto ang link sa blog nya: https://livemoremarian.com/2019/08/24... Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information....

Jan 21, 202042 min

Ep54: KDramas this 2020

Panibagong taon, panibagong line up na naman ng mga aabangang pagkakapuyatan. Sino sa mga nagbabalik na oppa ang magkakamit ng pinakamaraming viewers na may eye bags? Anong KDrama ang pagkakaguluhan this time? May bagong oppa na naman bang daragdag sa mga pictures sa wall ng kwarto mo? Abangan ngayong 2020. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

Jan 16, 202051 min

Ep53 KDrama Review: Hotel del Luna

Dahil wala naman talaga syang pinuntahan habang nakabakasyon, natapos na rin sa wakas ng Tita nyo ang Hotel del Luna. Kaya naman todo bigay na naman sya sa kanyang feelingerang review sa kdrama; na pinagbibidahan ng kanyang favourite Koreana na walang iba kundi si I to the mother-father U. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

Jan 14, 202045 min

Ep52: My Top 10 KDramas as of 2019 (Part 2)

May ihahaba pa ba itong episode na ito?! Isang oras mahigit po syang nagkukuda so namaos na ang ang inyong Tita sa bandang dulo. Anyway, here's the last part of her Top 10 KDramas as of 2019. For sure marami ang hindi agree sa list nya pero gaya nga ng sabi ng Tita nyo, opinion of the host does not reflect the opinion of her family, her relativ, her kapitbahay, and her baranggay captain. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.

Jan 09, 20201 hr 11 min
For the best experience, listen in Metacast app for iOS or Android