The Linya-Linya Show - podcast cover

The Linya-Linya Show

Ali Sangalang and Linya-Linya | The Pod Networkwww.linyalinya.ph
Linya-Linya founder, Creative Director and former Presidential Speechwriter Ali Sangalang hosts this pun-filled variety podcast show on Filipino life, arts & culture. With solo segments and various guests mula sa iba’t ibang linya ng buhay– matututo ka, matutuwa, at matatawa. BOOM! Best pakinggan habang naghuhugas ng pinggan. Listen up, yo! For partnership opportunities and collaborations, please contact: [email protected]

Episodes

360: Ayos ka rain e, 'no? - Livin' The Filipino Life w/ Victor Anastacio

SUS! PEN! DED! SUS! PEN! DED! Panahon na naman ng tag-ulan. Sa Livin' The Filipino Life episode na 'to, tamang reminisce lang sina Ali at Vic sa childhood memories hatid ng ulan, at kung ano rin ang ibig-sabihin nito ngayong all-out adulting na sila. May konting patak ng kaseryosohan, pero buhos ang kulit-- ihanda na ang mainit-init na kape, o goto habang nakikinig ng nostalgic episode na 'to! Listen up, yo! If you're interested in collaborating with our podcast through brand partnerships, adver...

Jun 27, 202541 min

359: Tayo-Tayo w/ Ali Sangalang

Yo! Mabilisang episode lang! Catch up with Ali sa mga ganap at ongoing projects na nangyayari behind the scenes sa Linya-Linya. Saan-saan na din nararating ng Linya-Linya dahil sa napaka angas at mahusay na community natin! Listen up, yo! If you're interested in collaborating with our podcast through brand partnerships, advertisements or other collabs, please send an email to our management: [email protected]

Jun 20, 202534 min

358: Happy 3rd Anniversary! w/ Reich Carlos

Happy 3rd Anniversary! Hihi 😘 Catchup at kwentuhan lang with Ali and Reich bilang Independence Day holiday… at 3rd year nila as a couple! Tamang reminisce sa soon-to-be dating app sakses story nila. Nagcelebrate din sila ng small and big wins— tulad ng bagong work ni Reich, at sa current and future ventures ni Ali. Kulitan na naligaw sa usapang dishwasher at pickle ball, at of course, usapang work and life balance! Ang question of the episode ay: Nagsi-celebrate ba kayo ng monthsary? Listen up,...

Jun 13, 20251 hr 4 minSeason 2Ep. 358

357: Bara-Bara - Pray For Us w/ Saint Ice

Yo, check! Welcome sa Bara-Bara ng The Linya-Linya Show, ang podcast collab series ng Linya-Linya at FlipTop Battle League. Ang bagong bisita natin— isang seasoned battle emcee, na nakilala sa kanyang lyricism, complex rhyme schemes, confidence and stage presence— isa ring MMA fighter at tatay— mula Parañaque pa para sa inyo, mag-ingay para kay SAINT ICE! Simple, magaan, pero malaman ang naging kwentuhan— tungkol sa kanyang background, sa pagiging estudyante sa skwela, estudyante ng martial arts...

Jun 08, 20251 hr 56 minSeason 1Ep. 357

356: Basic na kwentuhan w/ Geloy Concepcion

Pangalawang salang sa pod-- welcome back, Geloy Concepcion! Noong unang pagkikita, aminado kaming nagkakapaan pa-- kinilala natin ang background nya bilang isang artist mula Pandacan, Manila, na lumipad pa-Los Angeles, California. Pero sa ikalawang pagkakataon, mas relaxed na ang kwentuhan. Pinasadahan namin ang buhay-buhay: Buhay mag-asawa, buhay tatay, at buhay pamilya. Basic lang na catchup, kumbaga. Curious ako syempre sa pang-malupitan nilang love story ni Bea, at kung paano nga ba nila sin...

May 31, 20251 hr 34 minSeason 2Ep. 256

355: KWENTONG BOOKSALE w/ Booksale CEO Josh Sison

In this heartfelt and brainfelt episode of The Linya-Linya Show, Ali sits down with Josh Sison, the new CEO of BOOKSALE—an iconic Filipino brand that has shaped generations of readers. From his beginnings as a volunteer photographer during the 2022 campaign to becoming a good friend and now collaborator, Josh shares his inspiring journey of taking on the legacy of his father and the BOOKSALE brand. They talk about the magic of books, the memories we all have of stumbling upon literary treasures ...

May 16, 20251 hr 18 minSeason 2Ep. 355

354: May Magagawa Tayo sa Responsible Content Creation and Consumption - Forum w/ Jacque Manabat, Your Tita Baby, & Julie Nealega

Laganap ang fake news online. Di pa rin mapigil ang pagkalat ng disinformation tungkol sa iba't ibang isyu sa lipunan. Ang tanong: May magagawa pa ba tayo? Linya-Linya, in partnership with ⁠Movement for Good Governance (MGG)⁠, ⁠Probe⁠, ⁠AHA Learning Center, and Amber Studios⁠ present: May Magagawa Tayo sa Responsible Content Creation and Consumption. Handog ng Linya-Linya ang espasyo at entablado, online at offline, para pag-usapan ang ilang mahahalagang isyung panlipunan. Pakikinggan natin ang ...

May 10, 202552 minSeason 2Ep. 354

353: May Magagawa Tayo sa Responsible Content Creation and Consumption - Talks w/ Jacque Manabat, Your Tita Baby, & Dr. Milwida Guevara

Laganap ang fake news online. Di pa rin mapigil ang pagkalat ng disinformation tungkol sa iba't ibang isyu sa lipunan. Ang tanong: May magagawa pa ba tayo? Linya-Linya, in partnership with Movement for Good Governance (MGG) , Probe , AHA Learning Center, and Amber Studios present: May Magagawa Tayo sa Responsible Content Creation and Consumption Handog ng Linya-Linya ang espasyo at entablado, online at offline, para pag-usapan ang ilang mahahalagang isyung panlipunan. Pakikinggan natin ang ilan ...

May 07, 202555 minSeason 2Ep. 353

352: Bara-Bara - BUKAS, HIGA, SARA! w/ SAYADD

Isa sa mga pinaka-inaabangang guest sa Bara-Bara ng The Linya-Linya Show at FlipTop Battle League, at isa rin sa mga pinakakinakatakutang kalaban sa entablado dahil sa kanyang pagkahalimaw, sa intricate bars, sa matinding rhyme schemes, sa hayop na delivery, kakaibang angles, sa overall presence na parang susukluban ka ng kadiliman– mula Quezon City pa para sa inyo, mag-ingay, para kay SAYADD! Seryosong usapan kasama ang isa sa mga pinaka-hardcore at pinaka-solid na emcee ng mundo ng battle rap ...

Apr 16, 20251 hr 35 minSeason 2Ep. 352

351: What’s INIT for me? - Livin' The Filipino Life w/ Victor Anastacio

APAKAINIT!!! Hindi na mawawala sa buhay nating mga Filipino ang Tag-Araw, na panahon din ng tag-pawis at tag-lagkit. Mula noon hanggang ngayon, parte na ng kultura natin ang paghahanap ng creative ways para labanan o i-distract ang sarili natin mula sa lumalalang init. Sa Livin' The Filipino Life episode na ito, kasama natin si Victor Anastacio para pag-usapan ang mga gawaing Pinoy na hindi na mawawala tuwing tag-init! Ihanda na ang choice of pamaypay at flavor of palamig habang nakikinig sa mak...

Apr 11, 202549 minSeason 2Ep. 351

350: Bara-Bara - Labinlimang Taon ng FlipTop at ang Makasaysayang AHON 15 w/ Anygma [PART 2]

Muling nagbabalik, at unang beses sa Bara-Bara series ng The Linya-Linya Show at ng FlipTop Battle League-- ang battle emcee at Presidente ng liga, si ANYGMA! Isa't kalahating dekada. Tatlong Pangulo na ng Pilipinas ang dinaanan. Nananatiling matatag ang FlipTop, hindi lang bilang isang ligang nagbibigay ng entablado para sa batte emcees, kundi isang pwersang nagpapayabong ng kultura ng hip hop sa Pilipinas. Sa episode na ito, kinumusta natin ang lagay ni Anygma at ng liga, mula sa katatapos lan...

Apr 01, 20251 hr 29 minSeason 2Ep. 350

350: Bara-Bara - Labinlimang Taon ng FlipTop at ang Makasaysayang AHON 15 w/ Anygma [PART 1]

Muling nagbabalik, at unang beses sa Bara-Bara series ng The Linya-Linya Show at ng FlipTop Battle League-- ang battle emcee at Presidente ng liga, si ANYGMA! Isa't kalahating dekada. Tatlong Pangulo na ng Pilipinas ang dinaanan. Nananatiling matatag ang FlipTop, hindi lang bilang isang ligang nagbibigay ng entablado para sa batte emcees, kundi isang pwersang nagpapayabong ng kultura ng hip hop sa Pilipinas. Sa episode na ito, kinumusta natin ang lagay ni Anygma at ng liga, mula sa katatapos lan...

Mar 28, 20251 hr 21 minSeason 2Ep. 350

349: Alma Matters - Mga Kwento ng Paulit-ulit na Pagbangon w/ Ate Alma Fermano

Yo, mga Pangga! Kasama natin ang masipag at madiskarteng ina, at iconic photocopy operator ng Ateneo de Manila University—walang iba kundi si Ate Alma Fermano! Kung Atenista ka, siguradong kilala mo siya! At kung hindi, malamang napanood mo na ang viral GCash story niya noong 2024, yung heartwarming ad nya, directed by Direk Tonet Jadaone! Sa episode na ‘to, bukod sa muling pagkikita nila ni Ali, mas lalo natin siyang makikilala—mula sa pagiging photocopy operator hanggang sa kwento ng kaniyang ...

Mar 21, 20251 hr 9 minSeason 2Ep. 349

348: Daddy Diaries - Mindful Walking w/ Engr. Rene Sangalang

Yo, Fellow 22s! Welcome sa panibagong episode ng Daddy Diaries kasama ang ating favorite guest—Daddy Rene Sangalang! Sa episode na ‘to, ibinahagi ni Daddy Rene ang kanyang mga paboritong moments habang naglalakad—mula sa simpleng enjoyment ng scenery hanggang sa realizations at reflections na dumarating habang nasa daan. Nagbahagi rin si Daddy Rene ng tips sa sa pagkakaroon ng mental clarity, relaxation, at overall well-being! Lakad na habang nakikinig!

Mar 14, 202548 minSeason 2Ep. 348

347: Remembering Francis M. - Livin’ The Filipino Life w/ Victor Anastacio & Ali Sangalang

Nitong March 6, 2025, nagmarka ang 16th death anniversary ng artist, host, actor, ang nag-iisang Master Rapper na si Francis Magalona. Bilang mga fanboy na lumaki sa kanyang iconic songs— tulad na lang ng Mga Kababayan, 3 Stars & A Sun, Ito Ang Gusto Ko, at Kaleidoscope World— nag-reminisce sina Ali at Victor sa episode na ‘to. Puno ng kalokohan at hiritan sa pagbabalik-tanaw, kasabay ng ng malalim na respeto sa tindi ng impact na nagawa ng King of Rap sa mga kabataang Pilipino, sa musika, a...

Mar 07, 202540 min

346: Stop, Luke, and Listen! w/ Atty. Luke Espiritu

To the millionz and millionz of lizzners around the world—handa na ba kayo para sa isang matapang at makabuluhang talakayan? Karangalang makasama natin ngayon ang isang labor leader, abogado, at political figure na kilala sa kanyang matinding paninindigan—Atty. Luke Espiritu! Sa episode na ‘to, ibinahagi niya ang kanyang naging landas sa pakikibaka para sa mga manggagawa, ang kanyang tapang sa harap ng mga makapangyarihan, at kung bakit mahalaga ang paglaban sa political dynasties na matagal nan...

Feb 28, 20251 hr 8 minSeason 2Ep. 346

345: Sandali Lang: ANYGMA on Fame and Recognition

Sandali lang. Oo, sandali lang ang episode na ‘to. Galing ito sa recording noong 2023, kasama ang emcee, at ang founder ng Fliptop Battle League, si Anygma. Sa sandaling ito, nagbahagi si Alaric Yuson ng kanyang karanasan at ilang reflection tungkol sa fame at recognition ng FlipTop. Ano nga ba ang epekto ng kasikatan sa isang artist na katulad ni Anygma? Ano ang pinagkaiba ng pagiging kilala, sa tunay na pagkilala sa isang sining o obra? Ngayong ika-15 taon ng most-viewed battle rap league sa b...

Feb 21, 202517 minSeason 2Ep. 345

344: Ang Puso sa Pagseserbisyo w/ Heidi Mendoza

Isang karangalang makasama natin sa The Linya-Linya Show— ang former auditor ng Food and Agriculture Organization, World Health Organization, at International Labour Organization; former Under-Secretary-General ng United Nations Office of Internal Oversight Services; at former Commissioner ng Commission on Audit (COA)— Heidi Mendoza! Bukod sa mahabang listahan ng kaniyang karanasan, mas makikilala pa natin si Tita Heidz, sa kaniyang mga kwento at personal na karanasan—mula sa kaniyang pagkabata,...

Feb 14, 20251 hr 24 min

343: Rom-Coms, Love Teams, and Ex Lovers w/ Tonet Jadaone & JP Habac

Yo, Fellow-22s at mga Ka-Eme! Kasama natin sa episode na ‘to ang awar-winning filmmakers, real-life friends, at Ang Walang Kwentang Podcast hosts—Antoinette Jadaone at JP Habac! We will take a quick trip down memory lane dahil pag-usapan natin ang mga Rom-Com at Love Team na kinalakihan, kinahiligan at nagpakilig sa ‘tin! At dahil Rom-Com ang usapan, syempre hindi mawawala ang usapang love and relationship kaya sa episode na ‘to, nagbahagi sina Direk Tonet at Direk JP ng kani-kanilang thoughts a...

Feb 07, 20251 hr 19 minSeason 2Ep. 343

342: Bara-Bara - Real Talk & Real Jokes w/ SINIO

Sa episode na ‘to, kilalanin natin ang “Most-viewed Battle Rapper in the World,” ang “Joke King” ng FlipTop Battle League, at ang owner ng Real Jokes Clothing. All the way from Pampanga— si SINIO! BOOM! Sino nga ba si Sinio? Mapa-freestyle o written, kilala na natin si Sinio sa mga bara niyang nakakatawa at tumatatak sa isip kaya sa episode na ito, puno ng katatawanan ngunit seryoso natin siyang kinilala at inalam ang buhay sa loob at labas ng entablado ng FlipTop. Kwentuhang puno ng katatawanan...

Jan 31, 20252 hr 8 minSeason 2Ep. 342

341: Mga Leksyon sa Eleksyon at Muling Pagbabalik sa Pulitika w/ Former Sen. Bam Aquino

Isang karangalang makasama natin sa The Linya-Linya Show—ang Filipino politician and social entrepreneur—Former Senator Bam Aquino! Sa episode na ‘to, nakausap natin si Sen Bam tungkol sa karanasan nya—mga naging strategy at mga pagsubok—bilang campaign manager ni Former Vice President Leni Robredo noong 2022 Presidential election. Napag-usapan din natin ang mga bagong strategy, reporma sa edukasyon, at mga planong isagawa sa larangan ng negosyo at kabuhayan kung palarin siyang manalo sa 2025 Ph...

Jan 24, 20251 hr 12 minSeason 2Ep. 341

340: MULING NAGBABALIK - Livin’ The Filipino Life w/ Victor Anastacio

YO, YO, YO CHECK! Muling nagbabalik sa The Linya-Linya Show— ang standup comedian, at fellow-podcast suferstar na si Victor Anastacio! BOOM! Bagong taon, bagong series— at yes, mas madalas nyo nang makakapiling ang Ali & Vic tandem sa “Livin’ The Filipino Life”! Kwentuhang everyday Pinoy life and anything under the sun! Sa pilot episode na ‘to, ibinahagi ni Victor at Ali ang kani-kanilang mga pinagdaanan sa mga nakalipas na taon (5 years na talaga ‘yon?!) at mga bitbit-bitbit nilang aral at ...

Jan 17, 20251 hr 8 minSeason 3Ep. 340

339: Bara-Bara - Usapang GODDAMN Hip Hop w/ Vitrum

Sa harap ko— isang battle emcee, rap artist, at activist— kilala sa technical rhyming scheme nya, sa aggressive nyang atake, sa umaapoy na stage presence, sa hindi matinag na confidence; na-witness nating lahat ang evolution ng kanyang game nitong 2024 Isabuhay Run, kung saan nangibabaw ang kanyang Cultural Swagger; ang tinaguriang "The People's Champ" at " Ang Pinakamaangas na Gen Z"— mula Etivac pa para sa inyo, Goddamn, VITRUM! BOOM! Isang linggo pagkatapos ng epic Isabuhay Finals laban kay G...

Jan 10, 20252 hr 37 minSeason 2Ep. 338

338: Sumalang ulit sa Open Mic after 10 years

So ayun, after 10 long years, nakasalang ulit ng standup comedy open mic sa Brick Wall, BGC, Taguig! Isang araw na nalulunod ako sa kaba at pangamba, nagdecide akong gumawa ng bagay na masaya lang akong gawin. Binalikan ko yung mga nasulat kong jokes noon, binuo para sa isang 5-min set, at nagsign up sa open mic ng Comedy Manila. Salamat at nakapasok. Salamat at nagkalakas ng loob ulit na sumalang! Short solo ep lang tayo. Start the year right! Listen up, yo!...

Jan 03, 202524 min

337: Bara-Bara - Mga Konseptong Isinabuhay w/ GL

Isang araw pagkatapos ng AHON 15, salang agad sa Bara-Bara ng The Linya-Linya Show podcast. Sa harap ko, para sa inyo— isang battle emcee, poet, at lyricist; isa sa pinaka-inaabangang emcee ng panahon ngayon dahil sa kanyang intelligent concepts and clever angles, sa lawak at lalim ng kanyang vocabulary, sa kanyang creative writing; Champion ng 2018 Process of Illumination, at kahapon lang, mainit-init pa, ang FlipTop Battle League 2024 ISABUHAY CHAMPION— representing Visayas division, mula pa P...

Dec 27, 20242 hr 23 minSeason 5Ep. 337

336: Malayang Usapan w/ Leila de Lima

Isang karangalan na makasama natin sa The Linya-Linya Show— former Human Rights Chair, former Justice Secretary, former Senator, and now ML Partylist first nominee— Leila de Lima. BOOM! Sa episode na ito, nakausap natin si Ma’am Leila tungkol sa simulain nya at naging biyahe sa mundo ng public service. Dinaanan din namin ang naging mga pagsubok sa panggigipit sa kanya ng nakaraang administrasyon, ang naging buhay niya sa piitan, at kung ano ang bitbit nya mula sa mga karanasang ito. Mula sa kung...

Dec 20, 202454 minSeason 2Ep. 332

335: Ang Biyahe ng Buhay w/ Hya Bendaña

Lumaki sa araw si Hya Bendaña bilang isang barker ng jeepney. Sa kabila ng kahirapan, buong determinasyon siyang pinag-aral at napagtapos ni Tatay Renato na isang jeepney driver. Noong 2019, ginulat niya tayo sa kaniyang valedictorian speech sa Ateneo kung saan highlight ang mga ordinaryong taong walang mukha, walang pangalan. Sa episode na ito, daraanan natin ang stops sa biyahe ng buhay ni Hya, at kung ano ang relevance ng araw sa kaniyang buhay ngayon—sa paggamit ng renewable energy, partikul...

Dec 13, 20241 hr 20 min

334: Yearend Reflections and Realizations w/ Reich Carlos

Yo, Fellow 22s! Let’s wrap up 2024! Lumalamig na ang panahon pero punong-puno naman ng warmth ang year-end episode natin! Sa episode na ‘to, sama–sama nating balikan ang mga nangyari this year mula sa mga unforgettable moments—mga good news at not-so-good news, at magpasalamat na rin tayo sa lahat ng accomplishments at blessings ng taon na ‘to. Sama-sama rin tayong mag-reflect sa mga learnings at experiences natin this year para maging better version of ourselves natin in the future! Makinig at ...

Dec 06, 20241 hr 18 min

333: Turo-Turo - Notes on Resilience w/ Sabs Ongkiko & Jaton Zulueta

Yo, Fellow 22s! Makinig, maka-relate, at matuto sa bagong episode ng Turo-Turo kasama ang ating award-winning educators Sabrina Ongkiko at Jaton Zulueta. Sa episode na ‘to, napag-usapan natin ang pagiging matatag sa iba’t ibang hirap ng buhay-- mula buhay-eskwela, love life, hanggang sa pagpapalaki ng anak! Ibinahagi ni Teach Sabs kung paano mag-bounce forward mula sa heartbreaks at past relationships. Habang si Teach Jaton, nagbahagi naman ng kaniyang experiences bilang magulang. Si Ali, well--...

Nov 29, 20241 hr 15 minSeason 2Ep. 333

332: Bara-Bara - Panalo sa Battle at sa Buhay w/ M Zhayt

Panibagong episode ng BARA-BARA, ang special LL x FlipTop Battle League series– at ang kasama natin, isa sa pinaka-malupit na battle emcee– freestyle man o written– ang Champion ng Process of Illummination 4, Champion ng Dos Por Dos Tournament noong 2017, at ang 2020 Isabuhay Champion, ang natatanging battle rapper na nakagawa nito; siya rin ang founder at president ng Motus Battle League– tubong-Pasig na ngayon ay taga-Cavite, M Zhayt! BOOM! Dalawa't kalahating oras ng kwentuhan at deep dive sa...

Nov 22, 20242 hr 24 minSeason 2Ep. 332
For the best experience, listen in Metacast app for iOS or Android
Open in Metacast