Barangay Love Stories - podcast cover

Barangay Love Stories

Barangay LS 97.1 Manila | GMA Network Inc.www.gmanetwork.com
These are the weekly stories of love, life and hope (ang mga kuwento ng buhay, pag-ibig at pag-asa) from the listeners of Barangay LS 97.1 FM. Listen to Papa Dudut as he reads the letters of our 'Kabarangays' heartfelt experiences. The dramatization will bring you closer in feeling the joy, pain and everything in between of love & life. Siguradong relate-much ka dito. Thank you for making this podcast NUMBER 1 in the Philippines.
Download Metacast podcast app
Podcasts are better in Metacast mobile app
Don't just listen to podcasts. Learn from them with transcripts, summaries, and chapters for every episode. Skim, search, and bookmark insights. Learn more

Episodes

EP 498: "Oportunista" with Papa Dudut

Mahirap tulungan makahanap ng love life ang taong gusto mo. 'Yung tipong ikaw na nga ang lumalapit pero iba talaga ang hanap-hanap ng kanyang puso. Ganyan ang sitwasyon ni Kit sa babaeng kanyang nagugustuhan. Pero nang magkaroon ng problema si Jana at ang kanyang jowa, kinuha na pagkakataon iyon ni Kit para magpapogi kay Jana. Pakinggan ang kwento ni Kit sa Barangay Love Stories.

Jun 30, 20251 hr 10 minEp. 495

EP 497: "Baliktad na Mundo" with Papa Dudut

Habang nag-iiba ang mundo, nag-iiba din ang sitwasyon, kaya sana sumabay ka sa agos ng mainam na pagbabago. Maaring maiksi ang pasensiya mo kahapon pero natuto ka na ngayon; bigyan mo ng pagkakataon ang sarili mong mapabuti sa paglipas ng panahon. Pakinggan ang kwento ni Kyle sa Barangay Love Stories.

Jun 27, 202545 minEp. 497

EP 496: "Bida-Bida" with Papa Dudut

May sarili kang galing at natatangi ka sa iba kaya huwag paapekto sa mga taong bida-bida. Pero kapag si nanay na ang nagkompara, masakit naman iyon talaga. Pakinggan ang kwento ni Kleah sa Barangay Love Stories.

Jun 25, 202542 minEp. 496

EP 495: "Santo" with Papa Dudut

Lahat ay malaya sa pagpili ng taong mamahalin pero kung may pamilya ka na, dapat huwag ka nang maghanap ng iba at alagaan mo na lang ang iyong pamilya. Ganyang sitwasyon sana ang gustong iwasan ni Jimmy kaso rumurupok talaga siya kapag sinusuyo na. Pakinggan ang kwento ni Jimmy sa Barangay Love Stories.

Jun 23, 20251 hr 7 minEp. 495

EP 494: "Agawan" with Papa Dudut

Hindi masama na maghangad ang isang tao. Ang masama ay ang hangarin mong maghirap ang iba dahil akala mo sinaktan ka nila. Pakinggan ang kwento ni Donato sa Barangay Love Stories.

Jun 20, 202542 minEp. 494

EP 493: "Udlot" with Papa Dudut

Kapag kulang sa lalim ang pagmamahalan, maaaring maudlot ang nasimulan. At kung hindi na ito mapagbibigyan, ang pag-ibig ay matutuldukan. Pakinggan ang kwento ni Kyla sa Barangay Love Stories.

Jun 18, 202534 minEp. 493

EP 492: "Dulo" with Papa Dudut

Isang napakalaking biyaya kapag nakatagpo ka ng kaibigang totoo, maalaga, kwela, at supportive pa. Ganyan ang circle of friends na nahanap ni Mikki kay Trish at Jed. Sanggang-dikit silang tatlo hindi lang pagdating sa kanilang acads kun'di pati na rin sa hamon ng buhay. Kaya nang magtanan sina Jed at Trish, taos-puso pa rin silang tinulungan ng BFF nilang si Mikki. Pero simula pa lang pala iyon ng mga pagsubok na kakaharapin nilang tatlo. Pakinggan ang kwento ni Mikki sa Barangay Love Stories....

Jun 16, 202557 minEp. 492

EP 491: "Talyer" with Papa Dudut

Nag-iiba ang isang sitwasyon kapag nangigibabaw ang emosyon. Ang nararamdaman ay nagiging kabaliktaran kapag kasali na ang puso sa usapan. Pakinggan ang kwento ni Minet sa Barangay Love Stories.

Jun 13, 202543 minEp. 491

EP 490: "Baliktaran" with Papa Dudut

Nag-iiba ang isang sitwasyon kapag nangigibabaw ang emosyon. Ang nararamdaman ay nagiging kabaliktaran kapag kasali na ang puso sa usapan. Pakinggan ang kwento ni Minet sa Barangay Love Stories.

Jun 11, 202549 minEp. 490

EP 489: "Board Exam" with Papa Dudut

Dahil sa pabayang ate ni Shiela, kinailangan niyang magpaka-nanay para sa pamangkin niya. Mahirap ito para sa dalagang katulad niya pero nakaraos naman sila. Kaya nang nasa tamang edad na si Jared, hindi niya nakalimutang paalalahanan ang unico hijo niya na dapat ingatan niya ang kanyang nobya dahil mahirap maging magulang nang hindi handa. Pakinggan ang kwento ni Jared sa Barangay Love Stories.

Jun 09, 20251 hr 6 minEp. 489

EP 488: "Pakiusap" with Papa Dudut

Ang imposible ay maaaring maging posible basta may pananampalataya. Lahat ng bagay ay magagawa kapag may kasamang dasal at sapat na tiwala. Pakinggan ang kwento ni Junnie sa Barangay Love Stories.

Jun 06, 202540 minEp. 488

EP 487: "Itinagong Patawad" with Papa Dudut

Tao lamang tayo na minsan'y nagagalit at nagtatampo. Pero hindi dapat ipinagdaramot ang kapatawaran dahil ang oras ay tumatakbo at baka ikaw'y iwan nito. Pakinggan ang kwento ni Lime sa Barangay Love Stories.

Jun 04, 202547 minEp. 487

EP 486: "Tsinelas" with Papa Dudut

Masarap lumaki sa isang masayang pamilya, yung may tamang kulit at disiplina - sa ganyang mag-anak namulat ang kambal na sina Borge at Kulot. Kahit mag-isa lang ang nanay Ida nila sa pagtataguyod sa kanilang dalawa, naging maayos at masaya naman sila. Pero dumating na ang panahon na kailangan na rin nilang bumukod para sa trabaho kaso mukhang hindi ata nila kayang iwan mag-isa ang kanilang mama. Pakinggan ang kwento ni Borge sa Barangay Love Stories.

Jun 02, 202556 minEp. 486

EP 485: "Segue" with Papa Dudut

May mga katotohanang magtutulak dapat sa iyo sa kabutihan. Pero kung hindi ka kikilos para umunlad, baka nasa iyo ang mali at hindi sa iyong paligid. Pakinggan ang kwento ni Franco sa Barangay Love Stories.

May 30, 202540 minEp. 485

EP 484: "Katuwang" with Papa Dudut

Kapag ang katuwang sa buhay ay iyong natagpuan, meron ka nang kapareha, may karamay at kaibigan pa. Lahat ng pagsubok ay kayang lampasan basta’t gampanan mo lang ang iyong katungkulan. Pakinggan ang kwento ni Gido sa Barangay Love Stories.

May 28, 202548 minEp. 484

EP 483: "Wedding Planner" with Papa Dudut

Wedding Planner ang kinukuha ng mga ikakasal para maibsan ang hirap nila sa pagpaplano. Pero imbes na magbigay linaw sa kasal, nagulo pa nga ata ni Jaime ang isip ng kanyang kliyente, dahil si groom, na-fall sa kanya. Napilitan lang na magpakasal si Ron kaya hindi talaga buo ang loob niya, sinubukan naman siyang kumbinsihin sana ni Jaime na baka wedding jitters lang iyon. Kaso imbes na malinawan, nagkaaminan pa ng feelings ang dalawang marupok. Pakinggan ang kwento ni Jaime sa Barangay Love Stor...

May 26, 202556 minEp. 483

EP 482: "Tambay" with Papa Dudut

Kung ang tao na walang direksyon sa buhay ay makakatagpo ng pag-ibig na tunay, maaaring mag-iba ang ihip ng hangin at magkakaroon ng tuwid na layunin. Pakinggan ang kwento ni Chestnut sa Barangay Love Stories.

May 23, 202559 minEp. 482

EP 481: "Lipstick" with Papa Dudut

Huli na nang malaman ni George na pusong babae pala siya pero imbes na ikagalit ito ng asawa niya, tinawanan na lamang nila ito ni Mila. Kaso si George hindi na talaga kayang makiisa sa babae kaya pinalaya na siya ni misis. Hanggang sa isang araw, sinabi ni Mila na may bago na siyang jowa at mukhang ikakasal na siya ulit. Pakinggan ang kwento ni George sa Barangay Love Stories.

May 21, 202551 minEp. 481

EP 480: "Pandemic" with Papa Dudut

Katulad ng iba, may tinatagong pagtingin si Acela sa kanyang kababata kaso kapatid lang talaga ang turing sa kanya ni Greg. Ayos lang kay Acela iyon, tinutulungan niya pa nga si Greg sa tuwing kailangan nitong i-surprise ang girlfriend niya. Hanggang sa nagkaroon ng pandemic, napadalas ang pag-aaway ni Greg at ng kanyang gf. Bilang kapitbahay ni Acela si Greg, madalas itong nasa bahay nila. At nang magkainuman sila, hinayaan ni Acela na may mangyari sa kanilang dalawa. Nabuntis si Acela pero aya...

May 19, 20251 hr 5 minEp. 480

EP 479: "Namamangka" with Papa Dudut

Ang pamamangka ay isang paraan para marating ang gustong lokasyon. Pero kapag sa dalawang ilog ito ginawa, siguradong malilito at 'di aabot sa tamang destinasyon. Pakinggan ang kwento ni Gianna sa Barangay Love Stories.

May 15, 202547 minEp. 479

EP 478 : " Takdang Panahon" with Papa Dudut

Huwag habulin ang tao na lagi kang nilalayuan. Dahil kung siya ang itinakda ng panahon, hindi na kailangan pa ng habulan. Pakinggan ang kwento ni Brenda sa Barangay Love Stories.

May 13, 202546 minEp. 479

EP 477: "Kumare Goals" with Papa Dudut

Kung may mga mag-BFF, may super mega BFF din tulad nina Sharon at Glenda. Bilang magkaibigan marami na silang pinagsamahan kaya nang maging mag jowa ang mga pinakamamahal nilang anak, super na-excite talaga ang mga nanay na ito. Pero hindi sa lahat ng oras ay masaya ang relationship ng mga mag-jowa. At dahil babae ang anak ni Sharon, ayaw niya talagang dehado ang kanyang unica hija kaya ang away ng anak niya, giyera na para sa kanya! Pakinggan ang kwento ni Sharon sa Barangay Love Stories....

May 12, 20251 hr 10 minEp. 477

EP 476: "Kinalabit ng Tadhana" with Papa Dudut

Huwag pakasigurado sa kinatatayuan ngayon dahil kapag tadhana ang nangalabit, magbabago ang sitwasyon. Pakinggan ang kwento ni Yara sa Barangay Love Stories.

May 08, 202545 minEp. 476

EP 475: "Takbuhan" with Papa Dudut

Ang mga taong takbuhan, sa huli kadalasan ay naiiwan dahil karaniwan nilang binabaliktad ang silbi ng puso sa isipan. Pakinggan ang kwento ni Justin sa Barangay Love Stories.

May 06, 202546 minEp. 475

EP 474: "Pet Peeve" with Papa Dudut

Matalik na kaibigan ni Raya si Albie, nagtayo sila ng milk tea shop together at magkasama rin sila sa pagma-manage ng shop na iyon. Maayos ang business nila, maganda ang kita pero noon hanggang ngayon, issue kay Raya ang isa pang best friend ni Albie na si Gino. Chef si Gino at pet peeve siya ni Raya. Lahat ng ayaw ni Raya, ginagawa ni Gino para magpapansin, at ito namang si Albie medyo support din sa kaibigan niyang si Gino. Hanggang sa ang unti-unti ngang napapalapit na si Raya at Gino sa isa’...

May 05, 202554 minEp. 474

EP 473: "Nega" with Papa Dudut

Buksan ang puso't isipan para maunawaan ang hindi maintindihan. Marami nang problema sa mundo kaya 'wag nang dumagdag sa mga negatibo. Pakinggan ang kwento ni Mariel sa Barangay Love Stories.

May 01, 202543 minEp. 473

EP 472: "Santan" with Papa Dudut

Itinatanim sa tahanan ang binhi ng pagmamahalan. Samahan pa ng sapat na alaga at dilig, magiging mayabong ang bunga ng pag-ibig. Pakinggan ang kwento ni Ahvi sa Barangay Love Stories.

Apr 29, 202550 minEp. 472

EP 471: "Sinturon" with Papa Dudut

Hindi pa handa si Diony na magkaroon ng sariling pamilya pero dise-otso pa lamang siya ay pinakasal na siya ng mga magulang niya. Imbes na maging mabuting asawa at ama sa kanyang mag-anak, pinagmalupitan sila ni Diony lalo na kung nalalasing ito. Masipag ang asawa ni Diony pero hindi niya iyon ikinatuwa, naging insecure siya kay Wendy. Hinila ni Diony ang pamilya niya sa kahirapan at pinalaki sa kamay na bakal ang kanyang mga anak hanggang sa biglang bawian ng buhay si Wendy. Pakinggan ang kwent...

Apr 28, 202555 minEp. 471

EP 470: "Ang Tatlong Marites" with Papa Dudut

Ang mga tsismosa ay magaling manghusga kahit hindi alam ang buong istorya. Sila-sila lang din ang nagkakaintindihan kahit hindi naman alam ang buong katotohanan. Pakinggan ang kwento ni Jade sa Barangay Love Stories.

Apr 24, 202547 minEp. 470

EP 469: "Di Inaasahan" with Papa Dudut

Ang buhay ay walang kasiguraduhan lalo kung tadhana na ang pumaraan. Asahan na may mga gulat na mararanasan at baka balang araw, tatawanan mo na lang 'yan. Pakinggan ang kwento ni Issa sa Barangay Love Stories.

Apr 22, 202542 minEp. 469
For the best experience, listen in Metacast app for iOS or Android
Open in Metacast